Kasalukuyan akong inis na nakaupo sa tabi ng adik na multo.
Alam niyo yung feeling na gusto niyo nang makita ang hinahanap niyo pero yung kasama mo, chill na chill lang? Aba! Nakakagigil yun mga teh.
"Ano bang nakain mo at naisipan mong pumarito?" Iritang tanong ko pa. Eh kasi, dami na nga naming problema ukol sa paghahanap sa nawawala niyang self nakukuha pa niyang magrelax dito ah.
"Wala lang." Aniya. Inis ko siyang tinignan. Wala lang? Sayang lang gas ko dito eh. "Psh. Adik ka ba o adik ka lang? Sayang ka sa gas-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagulat nalang ako na hinila niya na ako at pinahiga sa lap niya saka inilagay niya ang mga kamay niya sa likod ng ulo niya saka pumikit.
Napahinto ako at di makareact dahil sa pagkakabigla ngunit kinalaunan ay nakarecover rin ako. "A-anong g-ginagawa mo?" Shemay. Ba't ba ako nauutal. Bwesit kasi na organ to. Bilis ng tibok!
"Shh. Magpahinga muna tayo, then. Magpatuloy tayo. We need energy yah know."Aniya. Mukha tuloy siyang gwapong bading. Di na ako sumagot at nanatili na lamang sa pwesto na ganun.
Subalit dahil maraming nakatingin sa amin o sa akin lang? Ay napabangon ako and then I cleared my throat. At nagkunwaring tumingin sa relo ko saka tumayo. "Siguro mas mabuting mamaya na tayo mag pahinga sa bahay para mas mapabilis natin ang paghahanap. " Saad ko pa.
Bumukas ang mata niyang pumungay dahil sa pagod. Huwaw ah? Iisang sementeryo pa lang nga ang napupuntahan namin eh, pagod na? Bilis naman mapagod tong multong to.
Bumuntong hininga naman ito saka tumayo. "Okay." Maikling niya pang sabi. Napatingin naman ako sa mga taong pinagbubulungan ako saka dinilaan ko sila as in 'Bleh!' kaya naman kita ko ang gulat sa mga mata nila. Tumalikod na ako saka mahinang tumawa. Wala lang, trip ko lang.
Nakapamulsang nakasandal si Ehan sa motor ko na tila hinihintay ako. Bilis makarating dun ah? Sumakay na ako at ramdam ko naman na sumakay din siya kaya pinaandar ko na ito saka mabilis na pinaharurot. "Hmm. Saan naman tayo?" Tanong ko pa. "Sementeryo pa rin." Aniya. Oo nga pala, di pa pala kami tapos mag hanap sa sementeryo.
Pag nahanap kaya ni Ehan ang sarili niya, aalis na siya?
Ba't parang di pa ako handa?
Ba't parang ayaw ko pa? Parang gusto ko pang makasama siya ng matagal eh.
Psh. Ano ba tong nangyayari sa akin?
Ipinarada ko ang scooter ko sa isa pang sementeryo. Medyo malayo-layo to mula nung una. Inikot namin ang buong sementeryo ngunit wala na naman kaming nakitang pangalan niya. Unique yung pangalan niya ah? Psh.
Apat na sementeryo ang napuntahan namin ngunit sa kasamaang palad ay wala namin nahanap ang hinahanap namin. Napagdesisyunan ko naman na umuwi na muna kami upang makapagtanghalian. Ginugutom ako eh.
Nakauwi kami nang walang taong nadatnan sa bahay. Dumiretso si Ehan sa sofa at binuksan ang tv. Inilipat niya ito sa Disney channel at what the? Phineas and Ferb?
Pumunta ako sa kusina upang magluto ng kakainin namin. Kanin at adobo lang naman ang niluto ko. At nang matapos na ay tinawag ko si Ehan upang sabay na kaming kumain.
Naghahanda ako ng pagkain sa mesa nang biglang lumitaw sa upuan si Ehan na parang may halong madyik! Aba muntik ko pang matapon sa kanya yung hawak ko dahil sa gulat.
"Jusmeyo ka Ehan. Naglakad ka nalang sana kesa bigla ka nalang lilitaw. Aatakihin ako sa puso niyan eh. " Saad ko pa at naupo. Tumawa naman ito. "Nakakatamad maglakad eh." Aniya at nagkibit balikat. Adik talagang multo to.
Napailing naman ako. "So saan nanaman tayo mamaya? Sementeryo pa rin ba?" Tanong ko pa sabay subo ng kanin. Napatingin naman ito sa taas habang kagat kagat ang tinidor na animo'y nag-iisip. Ba't ang cute niya dun? Psh. Ano ba tong iniisip ko. Kung sabagay, wala namang mali sa inisip ko eh.
"Ewan ko? May iba pa bang sementeryo dito?." Tanong niya. Tumango naman ako. "Oo. Chinese cemetery. " Tinignan naman niya ako ng tila makapaniwala. "Seriously? Mukha ba akong intsik?." Iling pa niya. Tumaas naman ang kilay ko. "Aba? Malay natin diba?" Sabi ko pa at tumawa ng mahina. "Psh." Daing niya habang umiiling pa.
Nasa gitna kami ng pagkain nang biglang may nag-ingay. Napakunot naman ang noo ko. Sino nanaman yung mga maiingay na yun?
Maya-maya pa ay may pumasok sa kusina, una kong nakita si kuya at may mga sumunod pang lalaki. At isa dito ay yung ultimate crush ko! Hikhikhik. "Kilig ka naman?." Dinig ko pang puna ni Ehan ngunit di ko na siya pinansin. Ano naman?
"O, Jell? Akala ko mamaya ka pa? " Tanong ni kuya nang makita ako. Napadapo naman ang tingin niya sa pagkain ni Ehan at naupo sa tapat nito. "Mukhang masarap ito ah?" Aniya at kumuha ng konte. "Kuya-" Huli na nung bago ko siya napigilan ay naisubo niya na ang pagkain ni Ehan.
Kuya naman eh. Indirect kiss tuloy sila ni Ehan.
Nakita ko namang hindi makaalis si Ehan dahil sa naupuan siya ni kuya. Napailing ako. "Oy. Syn, Cos, Tan, Jeriche. Kumuha na kayo ng pagkain niyong ugok kayo!"
"Okay lang ba Jell?" Tanong ni Jeriche at ngumiti ng poging-pogi. "Ahm-" Di ko na naituloy yung sasabihin ko nung bigalang sumingit si Kuya. "Sus. Okay lang yan." Aniya at unti-unti na niyang inuubos ang pagkaing inilaan ko kay Ehan. Huwaw si kuya ah? Ako ang tinanong, siya sumagot? Siya na ba ngayon si Jell?
Nag-unahan naman yung tatlo sa pagkuha ng pagkain. Di ko pa sila nakikilala pero nakikita ko na sila sa school. Wala nga lang ako pake.
Napatingin naman ako kay Ehan na hirap na hirap na. Di ko alam kung matatawa ako o maaawa sa ekspresiyon ng mukha niya eh. "Kuya. Di mo ba sila bibigyan ng maiinom?." Tanong ko pa para tumayo si kuya. Ngunit umiling lang ito saka nagpatuloy sa pagkain. Unggoy talaga.
"Ah, di ka ba magdadagdag?" Tanong ko pa. Tumango naman ito. "Mamaya na." Aniya kaya sinenyasan ko naman si Ehan na hintay-hintay nalang muna.
Tumayo naman ako upang ilagay ang kinainan ko sa lababo dahil tapos naman na ako ngunit napahinto ako ng kausapin ko ni Jeriche. "Tapos ka na ba?." Aniya. Ba't ang bait ng boses niya at ang sarap pakinggan sa tenga? "Magdadagdag lang. " Saad ko at gusto kong sabunutan sarili ko. Busog na ako eh. Psh, bakit ba? Gusto kong makasama krass ko eh.
Tumayo naman si Jeriche at kinuha ang plato ko. "Ako na." Aniya. Wala naman ako nakapagreact dahil sa pagkakabigla. Namula naman ako at naupo. Napadako naman ang tingin ko kay Ehan na masamang nakatingin sa akin. Problema ne'to?
Tumayo si kuya kaya naman nakaalis na si Ehan sa kinauupuan niya at aakmang babatukan si kuya ngunit di niya ito naituloy dahil umiling ako. Aba, gusto pa ata niyang ipalayas siya ni kuya eh. Umupo ito sa tabi ko at saktong nung dumating si Jeriche ay sa tabi ko ito naupo kaya sa ikalawang pagkakataon ay naupuan nanaman si Ehan.
At sa oras na'to ay di ko na napigilan ang tawa ko kaya naman takang napatingin sila sa akin. "HAHAHA! Geh, kain lang kayo." Saad ko pa habang pilit na itinatago ang tawa. Hindi naman kumbinsido si kuya kaya naman nagtanong na ito. "Anong nakakatawa?" Kunot noo niya pang sabi.
"Wala wala." Saad ko habang iiling-iling pa. "Psh." Usal niya pa. Napadako naman ang tingin ko sa tatlo pa nilang kasama na di ko kilala. Tahimik lang silang kumakain eh. Aba, three musketeers ang peg? Wala lang. Naisip ko lang yun kasi tatlo sila.
"Uhm Jell? May pupuntahan ka ba mamaya?" Napatingin naman ako kay Jeriche. Kumunot naman ang noo ko. "Bakit?" Takang tanong ko pa. "Baka gusto mong sumama sa isang fair?" Aniya. Napatingin naman ako kay Ehan na umiiling. "Uhm.." Gusto kong humindi dahil may usapan kami ni Ehan eh. Pero..
"Masaya yun. Kasama naman kami."Aniya. "Tama. Masaya dun kapatid ni Jhalle. " Sabi nung isa sa musketeers. "Oo nga." Pagsang-ayon nung isa.
"Ahh.."
"Sumama kana, di ka magsisisi dun. Promise." Ani Jeriche, napatingin ako kay kuya na walang kibo. Concentrate talaga sa pagkain eh noh? Napatingin naman ako kay Ehan na ngumiti lang sa akin saka tumango. Bago napadako ang tingin ko kay Jeriche.
Gusto kong sumama. Okay lang naman sigurong sumama di ba? Kahit isang hapon lang, makasama ko si krass di naman siguro masama yun diba?
Sasama ba ako?
Pero..
"Di ako pwede eh. There's someone I need to help. "
BINABASA MO ANG
My Guardian Ghost (Completed)
RandomYhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost asking for help and later on became her friend. Friend lang ba talaga? This is a non-horror story. -drazzzzyyyy Book cover by: @majestingg Sta...