“Hmm..” Usal ko nang may maramdamang sinag ng araw na dumampi sa aking mukha. Psh. Ano ba naman yan, ang sarap pa ng tulog ko eh! Paniguradong ang echuserong multong Ehan nato ang may pakana eh.
Sarap na sarap kasi siyang inaasar ako lalo pa't alam niyang ayaw na ayaw kong masinagan ng araw at mapilitang magising. Ang liwanag kasi sa mata tapos mainit, deretsa kasi ang sinag sa akin e. Ang oa ko.
Kinuha ko ang unan na yakap-yakap ko at dagliang inihagis ito papunta sa may bintana, kahit nakapikit ako, alam kong nandun siya. “Isara mo nga!” Inis ko pang sabi saka tinakpan ng isa pang unan ang pagmumukha ko dahil sa liwanag. Letseng Ehan to, gusto ko pa matulog eh.
“Aba't Hoy! Mag-aalas syete na, ayaw mo pumasok?” Agad kong inalis ang unan at napabalikwas ng bangon nang marinig ko ang boses ni kuya. “Anong ginagawa mo dito? Kuya naman eh!” Pagdabog ko pa.
“Ginigising ka.” Aniya at naglakad papunta sa pinto. Wow ha? Ganun pala gumising ng tao? Pasinagan ng araw? Kunsabagay, gumana sa akin. “Ayy, ang sweet mo naman kuya.” Pang-aasar ko pa sabay pacute.
“Tanga! Utos ni mama. Kadiri ka.” Aniya at lumabas. Ang sungit naman ng taong to, may dalaw ba siya ngayon? Tsk, kaya mukhang matanda e, laging nakakunot. Napatingin ako sa relos ko at hela! 6:35 na samantalang alas syete ang pasok ko.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa banyo at binilisang maligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako at inayos ang mga gamit ko saka tumakbo pababa.
“Kumain kana muna Jell.” Anyaya ni Mama. Nginitian ko siya saka umiling. “Di na po ma, sa school nalang.” Saad ko at lumabas. Wala na ang kotse ni kuya kaya paniguradong nauna na siya. Himala! Ang aga niya ah? Sumakay na ako sa scooter ko at pinaharurot ito tungong paaralan.
Nang makarating ako ay nahagip ng paningin ko si Jeriche, kabababa niya lang sa kotse niya, nakita niya ako kaya kumaway siya. Kinawayan ko nalang din siya, baka mapahiya eh tsaka kelan pa kami nag pansinan ng ganto? Di naman kami close eh, ang fc naman nito, pasalamat siya crush ko siya dati.
Kinuha ko ang bag ko saka naglakad patungong classroom, medyo malayo pa ang lalakarin ko ah? Mula parking lot pa eh. May nadinig naman akong mga yapak na nakasunod sa akin kaya agad ko itong nilingon. “Hi!” nakangiti niya pang sabi nang makita ko siya. Ang gwapo, nyeta! “Yow!” Sagot ko pa kay Jeriche. Ang weird sa feeling nito kasi di ako friendly. Kunsabagay, kaibigan naman siya ni kuya e, normal lang siguro na pansinin ang kapatid ng isang kaibigan. Malamang.
“So how are you?” Tanong niya pa. At talagang makichika pa to sa akin e malelate na ako. Kunsabagay, minsan lang naman ito. “Eto, malelate na.” Pagkibit-balikat ko pa.
Agad nanlaki ang mata ko nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at mabilis na tumakbo. “Aba't anong ginagawa mo?” Protesta ko pa habang tumatakbo kami. Di pwedeng maglakad? Hinihingal ako e.
“To your classroom. You said, malelate kana e.” Aniya at napatahimik naman ako. Nakaramdam ako ng init sa pisngi kaya panigurado ay namumula ako, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Siguro dahil sa pagod.
Hingal na hingal kami nang marating namin ang silid, pareho kaming pawisan kaya inilabas niya ang kanyang panyo at ipupunas sana sa akin ngunit napaatras ako. “Wait. Anong nangyayari sayo?” Tanong ko pa. Napayuko naman ito, “I don't know.” Aniya at naglakad palayo.
Napakamot naman ako ng ulo. Problema nun?
Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok. “Good morning sir, sorry Im late. May I come in?” Magalang kong tanong, kinunutan naman ako ng noo bago sumagot. “Have a seat.” Aniya at nagpatuloy sa pagsasalita.
Bago ako pumunta sa upuan ko ay nahagip ng mata ko si Ehan na naiiling habang nakadekwatrong umupo sa upuan ko. Aba? Letseng to, di man lang ako ginising samantalang nauna pa siya sa akin dito ah.
BINABASA MO ANG
My Guardian Ghost (Completed)
DiversosYhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost asking for help and later on became her friend. Friend lang ba talaga? This is a non-horror story. -drazzzzyyyy Book cover by: @majestingg Sta...