Bumalik ako sa kwarto ko matapos naming kumain. Wala pa ako nakaligo kaya naisipan kong maligo na muna dahil ang init at nangangamoy na rin yata ako.
Hinanda ko ang aking mga gagamitin saka dumiretso na ng banyo. Habang nasa loob ako ay di ko mapigilang mag-isip. Sa buong buhay ko kasi, ngayon ko lang nalaman na kumakain pala ang mga multo.
I thought kasi na para lang silang hangin at hindi nakakaramdam ngunit nagpaparamdam.
Hay ewan. Saan kaya nagpunta ang multong yun? Di na kasi siya bumalik hanggang sa matapos kaming kumain. Balak ko pa sana siyang bigyan ng pagkain eh.
Nang matapos ako sa pagligo ay nagbihis na ako syempre saka lumabas ng kwarto, gagala ako tutal sabado naman ngayon.
Nang makababa na ako ay nadatnan ko si Mama sa sala nakaupo sa sofa habang kumakain ng popcorn at nanonood ng kdrama. May paluha effect pa siyang nalalaman ah. "Ma? Okay kalang ba? Mall lang po ako ah?." Paalam ko pa saka maglalakad na sana ako nang biglang humagulgol si Mama kaya napalapit ako bigla sa kanya para icomfort siya.
"Anak? Bakit ganon? Ba't namatay si Hwa Gun? Ba't pinatay siya ng sarili ng grandfather? Wala ba siyang love sa apo niya? Wae?" Napailing nalang ako sa inasal ni Mama.
Daig niya pa ako kung makapagreact ah? Tsaka, kung makapanood to ng kdrama parang walang trabahong nag hihintay ah? "Ma? Di ka ba papasok?" Tanong ko pa. Umayos naman ito ng upo ngunit tutok pa rin ang mata niya sa tv.
"Ah, yung pinsan mo na bahala dun. Tinext ko na siya, tatapusin ko kasi to." Sabi pa niya. Tumayo nalang ako at lumabas. I can't believe it! Talagang hindi siya pumasok ng trabaho para dun? Well, nanonood din naman ako pero di ako aabsent para dun. Tss, bahala na si Mama.
"Oh, saan punta mo?" Tanong ni kuya nang masalubong ko siya sa palabas ng mismong bahay. "Mall." sabi ko pa tsaka pumunta sa garahe at kinuha ang scooter ko.
Bibili lang naman ako ng pagkain tas balak kong pumunta sa isang bundok or tabing dagat? Pero nakakapagod magmaneho. Hanap nalang ako maya ng magandang tambayan.
Di naman pwede sa friends, wala kasi ako nun. Tsaka, di ko naman kailangan ng ganun. Okay na ako kay Kuya at kay Mama.
Pinaandar ko na ang scooter ko saka nagwave kay kuya at sumenyas na aalis na ako, tumango ito bago pumasok ng bahay. Nagmaneho na ako tungong mall, medyo matraffic pero carry pa naman.
Nung makarating na ako ay pinarada ko na sa parking lot ang scooter saka pumasok sa mismong mall. Dumiretso ako sa groceryhan dahil bibili ako ng mga pang hygienes ko, and then chips pati drinks. Pero di mga alak ah? Dutchmill is my favorite kaya kumuha ako ng marami nito. Hihihihi. Hmm, ano pa kaya? Naglibot-libot ako upang makapag isip pa kung ano pang pwedeng bilhin. Ba't galante ako ngayon.
Dahil sa katitingin ko sa mga stalls, ay di ko napansing marami na ang laman ng cart ko. How come? May marshmallows? Di naman ako kumakain nun eh. May mga french fries, spaghetti then grapes din. Di naman ako bumibili ng ganun and then may peanuts? Allergy ako dito eh.
Dali-dali kong pinambalik ang mga pagkaing iyon sa kanilang lalagyan dahil ayoko ng nakakadagdag gastos lang, tsaka isa pa, di naman ako pumili nun. Napahinto ako sa paglalagay ng marshmallows na halos five packs ang nasa cart ko nung may mapagtanto ako.
Hindi kaya, pinaglalaruan ako ng multo? Letseng to ah? Binalik ko sa cart ang isang pack ng marshmallow saka nakapamewang. "Lumabas ka nga diyan. Magpakita ka sa akin dali." Saad ko gamit ang nanggigigil na boses.
Nakita kong may isang anino ng lalaki at unti-unti itong lumilinaw saka lumabas ang isang pamilyar na lalaki. Woah, daebak. Naka peace sign ito at tila nagpapacute na ngiti at tingin sa akin dahilan para mapasimangot ako.
"Ikaw nanaman? Ba't ba kung asan ako, dun ka rin? Ano bang kailangan mo ah?". Inis ko pang sabi at tila napalakas ko ang boses ko dahil napatingin sa amin-sa akin, ang mga tindera. Yung ibang mamimili naman ay biglang nagbulungan kaya napilitan akong magwalk out, dahil sa kahihiyan.
Ngunit nang di pa ako tuluyang makaalis ay biglang may humila sa kamay ko, na tila yelo sa lamig. Yung multo. Hanggang ngayon di ko pa kasi siya kilala eh, basta yung mangunguha ng libro.
Binigyan ko siya ng nagtataka look, bago nag salita ng pabulong. "Dun tayo sa di matao." Saad ko pa. Tumango ito bilang response then hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at tuluyan na kaming naglakad sa stall na may mga napkins. Kokonte lang kasi mga bumibili dun tsaka isa pa, nasa sulok na bahagi rin kasi to ng store.
"Ano ba yun ha?" Panimula ko pa. Yumuko ang multo at di nagsalita. Ano kayang pangalan nito. "Ano ba kasing pangalan mo?" Tanong ko pa. Humarap ito sa akin. "Hmm.. Ehan lang natatandaan ko eh." Sabi pa niya.
Inabot niya kamay niya sa akin. Tinitigan ko ito at nag isip kung tatanggapin ko ba ito o hindi dahil sa mga taong narito. Aalisin niya na sana ang kamay niya ngunit bago pa ito mangyari ay kinamayan ko na siya. "Jell." Sambit ko pa saka siya binitawan.
Napatingin ako sa paligid at nakahinga naman ako nang maluwag nung wala akong nakitang mga tao. Nakakahiya kaya yung ginagawa ko.
"So, ano na? Anong kailangan mo?" Tanong ko pa habang nakacrossed arms. Tumingin siya sa itaas at nilagay ang hintuturo sa kanyang ulo na malapit sa gilid ng mata na akala mo ay nag iisip siyang mabuti.
Nung ilang segundo ay may narinig akong kumakalam na sikmura. I'm sure, hindi sa akin yun. Tumingin ako sa multo at ibinaba naman nito ang kamay niya't inihawak sa kanyang tiyan. "Nagugutom ako eh. Pwede kain muna tayo?" Tanong niya saka binigyan ako ng isang puppy eyes na mahirap tanggihan. Letse.
Umiling ako saka naglakad tungo sa stall ng pagkain. "Pwede bang, boneless chicken? Tas igrill mo?" Tanong pa niya. Aba, makapagdemand to ah? Close ba kami? Umiling ako. "Ano ka, sinuswerte? Mag curls ka lang. Nagtitipid ako." Sabi ko pa. Bahala nga siya diyan. Teka, di ko naman yata to responsibilidad ah? Tss, pagbigyan na nga.
Naglagay lang siya sa cart ng gusto niyang pagkain, ganun rin ako. Buti nalang walang nakakakita habang kumukuha ng pagkain tong multong to. Baka mamaya magsitakbuhan ang mga mamimili dahil sa akalang alien ako. Lumulutang kasi ang pagkain pag di mo nakikita tong multong to. Astig din eh.
Nagbayad na ako sa counter at laking pagsisisi ko nalang kung bakit ang dami kong pinamili, ang bigat nito eh. Magpapaassist nalang ako. Nagtawag ako ng trabahanteng maghahatid ng pinamili ko. Mahirap na, baka mapilayan ako, payat ko pa naman.
Ramdam ko namang nakasunod sa akin ang multo, nang makarating kami sa parking lot ay inilapag ni kuyang taga assist ang pinamili ko sa floor. "Thanks kuya." Saad ko pa saka ngumiti, nag 'I salute you' sign naman si kuya. Problema nun?
Inaayos ko na ang pinamili ko nang biglang magsalita ang multo-Ehan na nga lang na siya namang ikinatigil ko.
"Bumili ng groceries na magkasama, check!"
Papaanong?..
#Waley

BINABASA MO ANG
My Guardian Ghost (Completed)
De TodoYhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost asking for help and later on became her friend. Friend lang ba talaga? This is a non-horror story. -drazzzzyyyy Book cover by: @majestingg Sta...