Halos hindi ko maramdaman ang buong katawan ko. Parang namanhid ata.
Iminulat ko ang mata ko. Kunot noo ako nang makita kong kaharap ko na si Ehan at katabi niya Coleen.
Napahawak ako sa ulo ko. Anong nangyari? Parang nawala ako sa mundo ng halos isang oras!
Nanghihina ako kaya napaluhod ako.
“A-anong nangyari?” Naguhuluhang tanong ko pa. Medyo nahihilo ako kaya hindi ko makontrol ang sarili kong tumayo. Epekto ba 'to ng alak?
Huling natatandaan ko lang ay sinampal ko si Ehan at naglakad na ako papalayo subalit nakasalubong ko si Alyana at...
“Si Alyana? Asan siya?” Gulong-gulo ako. Di ko na alam kung anong nangyayari sa akin. Lingon ako nang lingon sa bawat sulok at hinahanap si Alyana.
Siya lang ang makakasagot kung bakit ako nandidito at kung bakit ako nagkakaganto.
Sa likod nila Ehan sa may di kalayuan ay natanaw ko siya at tahimik na pinagmamasdan ako. Tumayo ako ngunit bigla akong naout balance kaya natumba ako.
Hindi sapat ang lakas ko para makapagkilos ng maayos.
Sinubukan kong tumayo ulit at nagwagi naman ako. Bago pa man ako makatakbo sa direksyon ni Alyana ay may humigit sa braso ko at nakatanggap ako ng malakas na sampal kaya napaluhod ako. Di dahil sa force ni Coleen kundi dahil gulat ako.
Napatingala ako sa kanya habang napahawak ako sa pisngi ko. Kumikirot ito at pakiramdam ko ay namamaga na ito.
“Stop it, Coleen.” Rinig kong sabat ni Ehan habang hawak niya ang kamay ni Coleen na sasampalin na sana ako.
Galit ang mga mata ni Coleen, at wala namang emosyon si Ehan. Nagkatitigan ang dalawa at malakas na binawi ni Coleen ang kanyang kamay. “I won't let it slide.” Aniya at nagwalk-out.
Sinundan ko naman siya ng tingin. Para akong isang tangang nakaluhod at nanonood ng movie na nagaaway ang mag jowa.
Di ko alam kung paano ako magrereact since di ko naman alam kung ano ba talaga ang nangyari.
Napayuko ako. Hawak ko pa rin ang pisngi ko.
Napakasakit e. Sobra.
“A-anong nangyari? Ba't ako nandito?” Gulong-gulong tanong ko pa. Lumagpas ang tingin ko sa bandang likuran ni Ehan ngunit wala na roon si Alyana. Kelangan ko siyang makausap.
“Seriously, Jell? Are you having fun?” Aniya at iiling-iling pa. Aastang lalakad na siya papalayo ngunit agad kong hinawakan ang mga paa niya.
“Naguguluhan ako. Anong nangyari?” Tanong ko pa at mataman siyang tinignan. Ibinaba niya ang kanyang katawan hanggang sa magkalevel kami.
“If you're making a show, please stop. Mahal ko si Coleen.” Aniya saka tumayo. Bumitaw ako sa pagkakahawak ng kanyang mga paa at hinayaan siyang umalis.
“Get lost.” Huling katagang binitawan niya bago siya tuluyang maglaho sa paningin ko.
Nanatiling akong tulala. Di na ako naiiyak pa. Masyado na sigurong marami ang luha na naging puhunan ko sa kanya.
Sinubukan kong tumayo ngunit muntik na akong ma out balance. Buti nalang at may butihing tumulong sa akin. “Miss, ayos ka lang ba?” Tanong pa niya.
Tinignan ko siya bago ako nagsalita. “Ah- oo, ayos lang ako. Salamat.” Saad ko at nagsimulang maglakad. Napansin niya yatang hindi maayos ang aking paglalakad kaya inalalayan niya ako. “Samahan na kita.” Saad niya.
Di na ako pumalag pa at hinayaan siyang samahan ako.
“Naku, ano ba kasing nangyari sayo at pinagsasampal ka at sinabunutan? Hindi ka naman pumalag.” Tanong pa niya.
BINABASA MO ANG
My Guardian Ghost (Completed)
LosoweYhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost asking for help and later on became her friend. Friend lang ba talaga? This is a non-horror story. -drazzzzyyyy Book cover by: @majestingg Sta...