Chapter 29

2.4K 116 12
                                    

Jell's Pov

Nanlulumong naglalakad ako pabalik sa paaralan, nakakawalang ganang pumasok. Ang bigat sa pakiramdam, parang gusto kong magwala, sumigaw at kung ano pa. Makalimutan ko lang ang araw na ito, ang mga pangyayari.

Ganun nalang ba iyon? Matatapos nalang ba ang samahan namin nang hindi man lang sya nagpaalam? Ba't parang ang daya? Di pa ako handa para sa araw nato tapos mangyayari nalang bigla?

Napaupo ako, napahilamos sa sarili habang sunod-sunod na patak ng luha ang umaagos mula sa aking mata.

Ang sakit. Sobra.

Para akong sinaksak ng paulit-ulit dahil sa sikip ng puso na aking nararamdaman. Bakit ganun Ehan? Wala nang mang-aasar sa akin na sobra pa sa pang-aasar na ginagawa ng kuya ko. Wala nang hahawi ng kurtina ko at tatapunan ko ng unan, wala na.

Lalo akong napahagulgol ng maalala ko yung mga panahong una tayong nagkakilala, di man naging maganda ang ating naging simula pero naging okay naman. Yung mga panahong kitang-kita ko pa ang 'yong mga ngiti na sobrang sarap titigan.

Ngumiti ako ng mapait habang nakatingin sa kawalan, lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko. Pero wala eh, wala na akong magagawa pa kung tuluyan na siyang umalis. Di ko rin naman siya maaaring pigilan kung yun naman ang itinakda sa kanya. Infact, I should be happy right? Kasi finally after how many months na paghahanap ay natagpuan na niya ang sarili niya. Yes, I should be happy.

I should be.

Nang makarating ako sa paaralan ay napatingin ako sa relos ko. May natitira pang bente singkong minutos bago ang last subject. Papasok pa ba ako? Kakayanin pa bang I-digest ng utak ko ang mga pangyayari? Hayst.

Dumeretso ako sa tinatambayan ko kanina, napaupo ako sa colored benches at napatingin sa kawalan.

Papasok nalang ako pag last subject na, para sa pag-aaral ko nalang maibuhos ang atensyon ko at di na maisip ang mga pangyayaring nagpaguho ng mundo ko.

Napayuko ako at laking gulat ko nang may makita akong mga sapatos na nakaharap sa akin. Ehan?

Dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko, "Jell? Okay ka lang?" Agad akong nalungkot sa nakita. Bakit lagi na nagtatagpo ang mga landas natin, Jeriche? Dahil siguro kapatid ako ng kaibigan mo.

"Jeriche? Bakit ka nandito?" Takang tanong ko pa, Di ba ito nag-aaral? May iwinagayway siyang puting flat na animo'y nagsusurrender sa isang laban kaya napakunot ang noo ko. Ba't may flag? Para saan naman yun?

"Ano yan?" Inosenteng tanong ko pa. Ngumiti naman ito at maya-maya pa ay may nagsidatingang mga guards, iilang guro, at konteng estudyante, kasama si kuya.

Nang makita ako ni kuya ay agad niya akong niyakap at biglang binatukan. Napasigaw naman ako sa sakit. "Aray! Para saan naman yun?" Tanong ko ba, sakit niya makabatok ih.

"Ms. Amando, Where did you came from? You were absent for two subjects and yet you were present in the first subject, Di ba't kataka-taka? Hinanap ka naming kung saan-saan, I even asked manong guard, ang sabi niya lang is nagpupumilit ka raw na lumabas pero di ka niya pinalusot kaya malamang nandito ka sa loob. However, napuntahan na namin ang iba't ibang sulok ng school at wala ka. So therefore we conclude that you escaped. And because of that, follow me to my office. I'll give you your consequences." Galit at mahabang paliwanag ng principal.

Napatahimik naman ako. Dumagdag pa to sa iisipin ko, pano pag nalaman to ni mama? Tiyak na ang chismoso kong kapatid ay di palalampasin to. Nakakahiya kila mama at papa na pinagpaguran ang pag-aaral namin.

"Balita nalang Jell ah?" Ani kuya saka kumindat at umalis. Lintek, chismoso. Pareho lang kayo ni Ehan! Mga chismoso, tsk.

Si Ehan...

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon