Chapter 16

3.1K 128 20
                                    

Maaga akong nagising o sabihin na nating di ako nakatulog ng maayos dahil bukod sa masakit ang ulo ko, ay marami pang bumabagabag sa utak ko. Mula sa sinabi ni Ehan at sa sinabi ni kuya.

Walang bakas ng Ehan ang kwarto ko, ni hinde nga ata yun umuwi eh. Lalo lang tuloy bumibigat ang pakiramdam ko. Papasok ba ako? Wala naman akong gana eh. Pero kung di naman ako papasok, mabubulok ako dito tsk.


Naghanda na ako at pagkatapos ay bumaba na ako saka nagtungo sa kusina. Nadatnan ko si mama na nagluluto at si kuya naman ay tumutulong, patapos na sila kaya nagdesisyon na lamang ako na maupo sa mesa.

Maya-maya lang ay natapos din sila at dinala ang pagkain sa mesa. Gulat si mama nang makita akong nakabihis ng uniporme, may jacket naman akong suot kaya okay lang. “Papasok ka? Magaling ka na ba?..” Tanong ni Mama. Bakas ang alala sa mukha niya kaya ngumiti ako bago ko siya sinagot.


“Lagnat lang naman to Ma, okay lang ako.” Sabi ko pa saka ngumiti. Mukhang di siya kumbinsidong okay lang ako. “Naku, Jhalle. Bantayan mo ang kapatid mo ah?..” Ani Mama kay kuya kaya nung nagkatinginan kami ni kuya ay nag iwas ako ng tingin. Di pa rin kasi natatanggal ang isip ko sa sinabi niya kagabi sa akin eh.

“Opo Ma.” Ani kuya. Tahimik ang naging almusal namin kaya mabilis kaming natapos. Tumayo na ako saka nagpaalam kay Mama. Alam kong nag aalala pa rin siya pero lagnat lang naman to eh.

Nauna na akong lumabas sa bahay at dumiretso sa garahe ngunit napahinto ako nang mapagtanto kong wala nga pala dito ang scooter. Napapikit naman ako. Letseng multo kasing naupo pa sa scooter ko eh, yan tuloy. Napatingin ako sa oras at di na kakayanin kung mag cocommute ako, wala na akong choice. Sasabay nalang ako kay kuya. Bahala na nga.


May narinig akong mga yapak kaya napalingon ako dito. Si kuya, naka sabit sa balikat niya ang back pack niyang wala namang laman habang nakapamulsang naglalakad. “Oh? Ba’t andito ka pa?..” Takang tanong niya naman. Ngumiti ako ng alanganin, “Ano kasi.. Makikisabay ako sayo.” Sabi ko pa. Kumunot naman ang noo niya.

“Asan scooter mo?.” Tanong niya pa. “Nasa school.” Sagot ko naman. “Ba’t nasa school?.” Hayst, di ba to mauubusan ng itatanong. Malelate na kami oh. “Malelate na tayo oh.” Sabi ko naman at hinila siya tungo sa kotse niya. Dami daming tanong eh.

Pumasok sa kotse niya at binuksan ang pinto ng front seat kaya pumasok na ako. Hmp, nakakahilo naman tong air freshener niya. Kaya ayoko ng kotse eh, mas prefer ko talaga ang fresh air kaya scooter nalang ang hiningi kong regalo. Buti nalang at di na umangal sina mama at papa.

Nasa gitna kami ng biyahe nang bigla akong tanungin ni kuya kung bakit ba daw nasa school ang scooter ko. Di talaga siya magmomove on hangga’t di nasasagot ang tanong niya. Tsk. “Ba’t mo kasi iniwan sa school yung scooter mo? Paano kung nawala yun?.” Aniya habang nakafocus lang ang tingin sa kalsada.

“Walang gas.” Simpleng sagot ko para di na humaba pa ang usapan ngunit di pa rin ito naniwala. Tigas naman ng bungo ni kuya eh. Masyadong tsismoso. “Imposible..” Aniya na may pa singhap effect pa. “Bahala ka kuya.” Sabi ko pa sabay pasok ng dalawang kamay sa bulsa ng jacket ko. Kita ko sa gilid ng aking mata na umiling na lamang ito.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa school, ipinark niya ang kotse niya at pagkatapos ay sabay na kaming pumasok mismo sa loob ng paaralan. May hang over pa kasi ako sa takot dun sa parking lot kaya tiniis kong kasabay siya hanggang sa makarating ako sa silid ko.

Nang makarating ako sa silid ko ay may nakaupo ditong babae. Nakatalikod siya kaya di ko makita ang kanyang mukha. Sana man lang di ito multo. Nilapitan ko siya saka kinalabit. “Excuse me. That seat is taken.” Sabi ko pa. Nilingon naman niya ako at bigla itong napayuko. Problema neto? “Buti pa yung seat, taken. Itong upuan ba nato, may nag mamay-ari na rin?.” Turo niya sa katabing upuan ng sa akin. Umiling naman ako.

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon