Chapter 19

2.8K 128 26
                                    

Tatlong araw lang ang itinagal ko sa ospital bago ako dinis-charge. At sa tatlong araw na yun, tanging si Jeriche at Jezreel lang ang dumadalaw sa akin maliban kay Mama at kuya na laging bantay ko. Si Papa naman, kamuntikan nang umuwi dahil sa nabalitaan buti nalang at nakumbinsi ni mama na di naman malala ang nangyari.

Nakalimutan ko, may mga multo rin palang biglang susulpot sa kwartong yun. So creepy. Pero yung multong hinihintay ko, ayun! Out of coverage pa rin. Saan na kaya yun? Matagal ng walang paramdam.

Kasalukuyan akong nakatayo sa may terrace habang nilalasap ang sariwang hangin. Sarap, lasang hangin. Damang-dama ko ang lakas ng hangin dahil pati ang buhok ko ay sumasabay rin sa bawat pag-ihip nito.

Napatingin ako sa relo ko, alas tres na pala. Mag isa lang ako ngayon dahil si kuya, naglalaro kasama barkada niya samantalang si Mama naman, nasa restau. Gusto ko nga sanang tumulong pero di niya ako pinayagan, magpahinga raw muna ako. Tinawagan ko kanina si Jezreel para gumala pero may ginagawa daw siya. Tsk, mamamatay ako sa boring nito!

Bumalik ako sa kwarto ko saka nahiga at nakatingala sa kisame na may dalawang butiking naghahabulan. Ba’t dito pa nila ginagawa ang habulan na yan? Akala mo kung sila ay nasa beach, tss.

Napadako ang tingin ko sa study table ko at bigla ko namang naalala yung unang beses kong nakita si Ehan. Ano ba naman yan. Siguro naman kung hahanapin ko siya ngayon, di naman na siguro ako mapapahamak kung mag-iingat na ako ng mabuti di ba?

Tumayo ako at nagtungo sa closet ko. Bibilisan ko lang to. Nagbihis ako ng komportable para sa oras ng takbuhan tsaka inihanda ko rin ang mga bagay para sa oras ng pangangailangan at kagipitan. Nang matapos ako sa paghahanda ay lumabas na ako at inilock na ang kwarto ko.

Kelangan kong makabalik bago pa ako maunahan nina mama at kuya mamaya. Baka masermunan ako dahil sa gagawin kong pagtakas ngayon eh.

Nilock ko ang bahay, mahirap na baka malooban pa eh. Dumiretso ako sa garahe at sumakay sa scooter ko. Buti nalang at naihatid ni Jeriche ang scooter ko dito sa bahay kundi naku, baka di na kami muling magkakasama nito dahil sa panget na multong yun.

Pag ako nakabalik sa lunes, humanda talaga yun sa akin. Isa siyang malaking pahamak! Letseng yun. Akala niya ah, di ko malilimutan ang ginawa niya noh. Pagbabayaran niya yun! Makikita niya, ipapasa ko sa kanya ang perwisyong ginawa niya. Naku naku!

Dami kong satsat. Psh.

Sinuot ko na ang helmet ko dahil safety first, nabawasan na yung nine lives ko ng isa eh. Mahirap na. Pinaharurot ko na ito ng medyo mabilis.

Nasa gitna ako ng biyahe ng mapagtantong di ko nga pala alam ang pupuntahan ko. Hayst jinja. Saan ko ba hahanapin ulit ang tampururot na multong yun?

Bahala na nga! Nandiyan lang yun, makikita ko rin siya. Think positive!

Itinabi ko sandali ang scooter ko para mapag-isipan ko muna kung saan ako pupunta. Saktong may ice cream cart na dumaan kaya tinawag ko ito. “Manong pabili. Yung strawberry flavor.” Saad ko pa. Binigay niya naman ito sa akin saka umalis. “Salamat.” Pahabol ko pa.

Sumandal ako sa scooter ko habang kumakain ng ice cream. Saan kayang lugar ako unang maghahanap? Eh kasi kung padalos-dalos ako, bulsa ko naman magagas-gas lalo pa’t tumaas na ang presyo ng gasolina ngayon. Malapit ng maubo ang kinakain ko at wala pa rin akong maisip na pupuntahan. Aha! Alam ko na.

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon