Jeriche's PoV
Kasalukuyan kaming nakatayo ni Jell sa isang napakalapad na field. Teka, anong pupulutin namin dito? Wala namang mga basura eh. Yung matanda talagang yun eh.
Tsaka, badtrip na guard yun. Minsan na nga lang ako magcucutting, nahuli pa. Kilala ako sa paaralang ito as matalino, mabait, perpekto na halos di na pwedeng magkamali at higit sa lahat, pogi. Kaya nga minsan hinihiling ko na sana kahit isang araw pumanget man lang ako pero wala. Kahit saang anggulo, pogi pa rin hayst. Nakakapagod din yung ganoon.
All my life lahat ginagawa ko para patunay ang sarili ko sa Dad pero di niya naman yun nakikita eh. Grumaduate ako ng Valedictorian sa elementary at highschool pero ni isa sa mga okasyong iyon ay di siya umatend. I don't know what's wrong with me, ginagawa ko ang lahat para sa kanya, nagsisipag akong mag-aral pero para sa kanya kulang pa.
Buti pa yung kapatid kong si Feriche, mahal ako. Feriche Coleen to be exact. Pakiramdam ko kasi, di ako mahal ni Dad eh. Two years lang naman ang agwat ko kay Fer, at mas matanda siya sa akin. Maganda rin yun, at sexy syempre nasa lahi na namin pero taken na ng barkada ko. Sabi ko, walang talo-talo pero wala eh. Di na pigilan ang sigaw ng dadamin. Tss.
Wala na akong mom, she died six years ago. Siya lang yung nag-iisang taong todo support sa akin. Nakakamiss rin.
Naupo ako sa field, pakiramdam ko kasi malaya ako ngayon. Kasi sa tinagal-tagal kong nag-aaral, ngayon lamang ako naparusahan dahil nag cutting ako. Ang saya pala.
“Oy, ba’t ka naupo? Di ba, pinapapulot tayo ng basura?” Napaangat ang tingin ko sa isang babaeng nakapamewang sa harapan ko. Si Jell.
Itong babaeng to, di ko naman ito literal na kilala pero panay ang pagtatagpo ng landas namin. Ano kayang dahilan nun? Hindi kaya, ipinagtagpo talaga kami ng tadhana? Pheesh. Ang baduy.
“Why? What's wrong?” Malumanay ko pang sabi. “Tulungan mo ko.” Aniya. Napatingin naman ako sa paligid. Anong pupulutin namin jan? Mga damo? Eh, halos makakalbo na yan eh.
“Wala naman tayong pupulutin. Come, sit with me.” Sabi ko pa at tinap ang katabing pwesto ng kinauupuan ko. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong inirapan, what's her problem? Nilayasan pa niya ako.
Nakita ko siyang pumunta sa bandang cottage na kadalasang tinatambayan ng mga estudyante. Para itong beach cottage na kung saan may mesa, upuan at may pinto rin. Malamang.
Nagpulot siya ng basura dun. Napailing nalang ako, talagang sinunod niya nga talaga yung sinabi ng matanda ano? Ambaet. Bigyan ng jacket yan!
Tumayo ako at pinagpagan ang sarili saka naglakad patungo sa pwesto niya. Naagaw ko naman ang atensyon niya kaya napatigil ito sa kanyang ginagawa. Itinaas niya ang kanang kilay sabay sabing “Oh? Tapos ka na bang magpahinga?” Aniya.
Napakunot ang noo ko, problema nito? Tuwing nagkikita kami sa kahit saan, kung di nagmamadali ay ang init ng ulo niya. May sapak ba tong babaeng to sa ulo? Tas bigla nalang din naninigaw katulad nung una. Ang werdo niya. Para rin siyang may kausap na di nakikita eh. Buti nalang, di siya panget kung di baka dinakip na to sa mental.
“I wanna help.” Sabi ko pa, napatingin naman ako sa kamay niya. Kinuha ko ito at inalis ang mga basurang hawak niya. “Aba’t—” Natigilan siya nung bigla kong pinunasan ng panyo ko ang kamay niya. Napatingin ako sa kanya at biglang namula ito. Kinikilig ba siya?
Nagkatitigan kami at nahinto lang ito nung may humawak sa balikat ko, “O pre..” biglang bumitaw sa akin si Jell at nayuko ito. “Sino yang... Teka,” Nagulat ako sa ginawa ni Jhalle kay Jell. Iniharap niya ito sa kaniya at parehong kakikitaan ng gulat at pagtataka ang kanilang itsura? Anong nangyayari sa kanila?
“Jell?” Ani Jhalle. Teka, magkakilala ba sila?
Jell’s PoV
Letseng Jeriche yun, paupo-upo nalang. Aba, di porket crush ko yun kukunsintihin ko na. Wala daw pupuluting basura samantalang andami naman sa may cottage banda.
Naglakad ako patungo dun at dun ako nagpupulot ng basura. Ano ba namang klaseng mga estudyante ang mga nag-aaral dito, ambububurara. Well, except sa akin, tss. Di ba nila alam na nakakasira sa kalikasan ang pagtapon ng basura kahit saan? Tss.
Marami-rami na akong napupulot nang maaninag kong papalapit sa gawi ko si Jeriche. Napatigil ako sa aking ginagawa. Itinaas ko ang kanang kilay ko sabay sabing “Oh? Tapos ka na bang magpahinga?” Pagsusungit ko pa. Aba! Di porket crush ko to eh, magpapakasweet girl ko sa harap niya? Gusto kong maging ako lang, normal na ako, sa harap ng mga nakakasalamuha ko.
Napakunot ang kanyang noo. “I wanna help.” Saad niya. Help daw, sana kanina pa. Napadako naman naman ang tingin niya sa kamay ko. Baket? Ngayon lang ba siya nakakita ng basura? Tss. Nagulat ako nang kinuha niya ito at inalis ang mga basurang hawak ko. Loko to ah? Ilang courage ang inipon ko para kunin yung basura tapos aalisin niya lang? “Aba’t—” Natigilan ako nang bigla niyang pinunasan ng panyo ang kamay ko.
Sobrang gentle ng pagkakahawak niya. Pakiramdam ko sasabog ako sa kilig at sing pula na ng kapa ni Red riding hood ang pisngi ko.
Napatingin ako sa kanya kaya nagkatitigan kami. Naputol ang mala fairy tale na pangyayari nang may biglang sumulpot. Wrong timing naman. “O pre..” Saad nung panira. Teka, kilala ko yung boses na yun ah? Patay na. Nayuko lang ako para di niya ako makita pero anlakas din ng pang-amoy ng unggoy na yun eh.
“Sino yang... Teka,” Nagulat ako sa ginawa ng unggoy. Hinawakan niya ang baba ko at Iniharap niya ako sa kaniya. Parehong kakikitaan ng gulat at pagtataka ang aming itsura. Sinuri niya ako at kunot na kunot ang noo niya habang palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Jeriche.
“Jell?” Aniya. Di ako nagsalita. Obvious naman kasi na ako to, tatanungin pa niya. “A-anong.. anong ginagawa niyo? Ba’t kayo napahawak kamay? May relasyon ba kayo? Kelan pa? Ba’t di mo sinabi—” Pinutol ko na ang sasabihin ni kuya bago pa siya magdrama jan. Ang oa talaga niya.
“Kuya. Ang oa mo!” singhal ko pa. Napahinga naman ito ng maluwag. “Kuya? Magkapatid kayo?” Biglang singit ni Jeriche.
“Oo.” Sabay naman naming banggit ni kuya.
“Kaya pala.” Ani Jeriche. Napakunot naman ang noo namin ni kuya. Anong kaya pala?
“Kaya pala ano?” Sabay naman naming usal ni kuya. Teka, sa pagkakaalam ko, magkapatid kami at di magkambal. Sabay laging sumasagot eh.
“Wala wala.” iling niya at bigla itong natawa ng mahina. Problema nun? Sinisiraan ba niya kami sa utak niya? O kaya pala magaganda at popogi? Aba syempre, nasa lahi yan. “I have to go. Bye sweetheart. Bye tol.” Biglang nagpaalam na umalis si Jeriche samantalang di naman siya nakakapulot pa ng basura. Tsaka, sweetheart daw ooh. Kinikilig na naman ako. Pakiramdam ko namumula ako, tahimik akong napangiti dahil baka kung ano naman ang isipin ng matalino kong kuya.
“Sweetheart? Kayo na ba?..” Kunot noong tanong ni kuya. Konteng-konte nalang para na siyang takureng kumukulo. “Utot niya. Di ko nga kilala yun eh. Kilala mo ba yun?” Pag-iiba ko pa ng usapan saka nagkunwaring mamulot ng basura. Mahirap na, baka mabisto ako.
“Oo. Tropa yun, tsaka ano bang ginagawa mo dito? Uwian na ah? Nag-apply ka bang tagalinis sa paaralang ito?” Aniya. All this time, tropa sila pero di ko alam? Why is dat? Mapaglihim si brader!
“Pinapulot ako ng basura nung matandang principal. Tulungan mo ko kuya. Tinakasan ako nung tinatawag mong tropa eh.” Sabi ko pa habang patuloy pa rin sa pamumulot. Bumuntong hininga ito kaya akala ko tutulungan niya ako ngunit mali pala ako.
“Ako ba pinapulot? Bahala ka na diyan. May laro pa ako.” Aniya at tumakbo na ito palayo. “Kuya!” Sigaw ko pa ngunit kumaway lang ito sa malayo.
Huminga ako ng malalim, lahat nalang iniiwan ako. Si Ehan, umalis ganun din yung dalawa. Am I not worth the stay? Nakakasad. Pumulot ulit ako ng basura at nagulat nalang ako nang may biglang tumulong sa akin. Itinaas ko ang tingin ko sa taong yun at napahinto ako nang makita ko si Ehan.
Ngumiti ito. A bright one.
“Sa mundong punong-puno ng taong umaalis, andito lang akong babalik at babalik pa rin... para sayo.”
Tug tug..
To be continue..
BINABASA MO ANG
My Guardian Ghost (Completed)
AléatoireYhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost asking for help and later on became her friend. Friend lang ba talaga? This is a non-horror story. -drazzzzyyyy Book cover by: @majestingg Sta...