Chapter 50

317 26 8
                                    

Kasalukuyan kaming nasa dalampasigan, sa ilalim ng maliwanag na buwan.

Tanaw na tanaw ko ang kanyang itsura. Nakapikit ito kaya napapikit ako.

Di ko alam kung para saan ang halik na ito ngunit nakakapanghina ito.

Nanghihina ang mga tuhod ko, maraming gamo-gamo ang nagsilabasan mula sa tyan ko. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Bumitaw ito sa kanyang halik. Napadilat ako at ganun rin siya. Sandali kaming nagkakatitigan. Malalim ang kanyang paningin ngunit bakas ang repleksiyon ko sa mga mata niya.

Nakatitig lang siya sa akin hanggang sa mapatingin siya labi ko.

Napalunok ako.

“You're tempting me.” Aniya at sinunggaban nanaman ako ng halik.

Marahan niya akong hinalikan, hanggang sa unti-unti itong lumalim. Lasap na lasap ko ang alak na ininom niya mula sa kanyang labi.

Nakakalasing!

Ang tibok ng puso ko ay mahirap pabagalin sa sobrang bilis.

Ehan, anong ginagawa mo? Ba't hindi ko makontrol ang sarili ko pagdating sayo? Bakit mo ako ginaganto? Hindi na kita maintindihan.

Alam kong mali ang ginagawa namin ngayon lalo pa't may jowa na ang tao. Nagmumukha akong kabit sa ginagawa namin.

Kusa akong bumitaw sa halik namin. Kunot noo niya akong tinignan na animo'y nabitin.

Napayuko ako. “Mali to.” Iiling-iling ko pang sabi. Tila nawala ang kalasingan ko sa ginawa namin. Di ako pinalaki ng magulang ko para maging isang kabit.

Ayokong makasira ako ng relasyon. Maling-mali.

Bumuntong hininga siya. “I know pero di ko mapigilan ang sarili ko sayo.” Aniya. Kumunot naman ang noo ko.

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko pa. Umiwas siya ng tingin saka naglakad at naupo sa buhangin.

Di ko alam kung anong pumasok sa utak ko at tinabihan ko siya.

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Tahimik kaming pareho at hinahayaang lamunin ng tubig ang mga paa namin.

Para mawala sa utak ko ang halik niyang paulit-ulit na nagfaflashback sa utak ko ay minabuti kong magsimula ng usapan.

“Pwede bang magtanong?” Panimula ko pa ng usapan. Gusto ko lang kasing malaman kung papaano niya nalaman ang allergy ko.

“Hmm?” Usal niya nang hindi tumitingin sa akin.

“Paano mo nga pala nalaman ang tungkol sa allergy ko?” Tanong ko pa. Kakaonte lang kasi ang nakakaalam nun, at imposibleng malaman niya kung hindi bumalik ang alaala niya.

Hindi kaya bumalik na?

Hay nako Jell, wag mo nang paasahin ang sarili mo.

“Kapatid ka ng kaibigan ko. Panong hindi ko malalaman?” Sagot pa niya. Eh? Si kuya ang may sabi? At ano naman kung sabihin ni kuya yun kay Ehan? Anong pake ni Ehan doon?

Kung iisipin mo ang sinagot niya, it doesn't make sense! Alam kong madada si kuya pero napakaimposible namang pati yun ay sasabihin niya.

Tinitigan ko muna siya at sinuri kung nagsasabi ba siya ng totoo ngunit hindi makita ang emosyon sa kanyang mukha. Nanatiling blanko ang kanyang expression.

Nakatutok lang ito sa malayo na animo'y may nakitang sirena sa gitna ng dagat. Ni hindi nga niya ako tinitignan mula nung umupo kami dito e.

Bumuntong hininga nalang ako. Naging tahimik muli. Tanging hampas lang ng alon at pagaspas ng mga dahon mula sa niyog ang nagiging ingay na nakapalibot sa amin.

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon