Nakatulala ako habang nakatingin sa direksyon kung saan ko tinapon ang box na may lamang daga.
Naguguluhan ako.
Di ko alam kung kanino ako lubos na nagkasala bakit kelangang umabot sa ganto.
Mula nang ginamin ko ang abilidad ko para makatulong ay sunod-sunod na ang mga bagay na di magandang nangyari sa akin.
Nasaksak, hinabol at kung ano pa.
Tapos ito?
Tumayo ako at lumapit sa pinagtapunan ko nung box. Kinuha ko ito saka nagbuntong-hininga.
Ngayon pa ba ako matatakot? Dami ko na ngang peklat dahil sa mga di magandang nangyari sa akin. Ngayon pa ba?
Napailing ako at tinapon ito sa basurahan. Isinuksok ko ito dahil baka makita ni Mama o di kaya, ni kuya kapag tatapon sila ng basura nila.
Alam kong mangangamoy ang dagang iyon. Pero hayaan niyo na.
Kung sino man ang may gawa nun, malalaman ko rin. Dahil eventually, ilang araw mula ngayon ay pagtatagpuin na kami ng tadhana kaya kelangan ko nang mag handa.
Di ko man kilala iyon, ngunit kinakailangang mag-ingat.
Matapos kong itapon iyon ay nagtungo na ako sa loob ng bahay. “Sino ba yun, anak?” Tanong ni Mama nang magkasalubong kami.
Napakagat ako ng labi saka umiwas ng tingin. “Ah, pizza delivery ho sana. Kaso, maling bahay pala.” Pagsisinungaling ko pa.
Napabuntong-hininga naman ako. Mabuti nalang at hindi niya napansin na nagsisinungaling ako.
Ayaw kong malaman niya iyon dahil tiyak, mag-aalala siya at uutusan niya naman ang kuya kong tae na bantayan ako.
Nagmumukha akong mahina kung babantayan niya ako at ayoko namang maging pabigat ako kaya mabuti nang walang may alam.
“May nakikita pa akong alikabok! Ano to?!” Rinig kong sigaw ni kuya sa itaas.
Napakunot ang noo ko at dali-daling umakyat. Ano bang pinanggagawa nila.
Nasa kwarto sila ni kuya at nung nakaawang ang pinto ay sumilip ako.
Napanganga ako nang biglang punasan ni Ehan ng trapo ang mukha ni kuya. Napangiwi ito at biglang namula ngunit ang ekspression ni Ehan ay kalmado lang.
“What the fuck?!” Inis na mura ni kuya. Wala lang kay Ehan na itabig ni kuya ang kamay niya bagkus, nagkibit balikat lang ito sabay sabing “Ay, akala ko ito yung alikabok na tinutukoy mo.” Aniya.
Napatawa ako dahil nag-alburoto sa inis ang kuya.
Langya ka, Ehan!
Napailing na lamang ako at pumunta sa kwarto ko. Rinig ko pa ang alitan ng dalawa at natatawa nalang ako sa mga sagutan nila.
Naligo ako saglit at nang matapos ay di ko namalayang nakaidlip na pala ako.
***
“Hmm...” Usal ko pa nang maalimpungatan ako sa lakas ng hilik na naririnig ko.
Napalingon ako at nagulat ako nang makita ko si Ehan na mahimbing na natutulog sa tabi ko.
Kinuha ko ang pagkakataong titigan ang napakaamo niyang mukha. Napansin kong nakasuot ito ng apron na para bang isang katulong at may headband rin na katerno ng kanyang suot.
He will do everything huh?
Napangiti ako.
Why am I so inlove with you?
BINABASA MO ANG
My Guardian Ghost (Completed)
RandomYhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost asking for help and later on became her friend. Friend lang ba talaga? This is a non-horror story. -drazzzzyyyy Book cover by: @majestingg Sta...