“Uhm..” Huminga muna ako ng malalim. “Di ko pa napapag-isipan eh.” Sabi ko pa at tumingin na lamang sa mga nagtataasang gusaling aming natatanaw.
Tumayo siya.
“Grabe naman Jell! Oo o hindi lang naman ang sagot eh, mahirap bang sabihin yun? Mahirap bang tulungan ako?!” Nabigla ako sa kanyang pagsigaw. Seryoso ang boses nito at medyo nakakatakot na nakakaawa.
“Akala mo ganun kadali yon? Yung tulong na hinihingi mo, hindi madali yun! Lalo na at pangalan mo lang naaalala mo!” Pasigaw ko pang sabi.
Tila nag-iba ang awra ng paligid. Yung kaninang masyadong relaxing ay parang napalitan na ng bigat ng pakiramdam. Parang biglang naging gloomy na hindi mo maintindihan.
“Akala mo ba madali lang sa akin ang paggala-gala ha? Hinde. Pagod na ako at gusto ko nang magpahinga. Hindi ko alam kung ano pang gagawin ko o kung ano bang ginawa ko kung bakit nanatili pa rin ako dito!” Aniya saka sinabunutan ang sarili. Napaupo ito at nagulat nalang ako nang humihikbi na ito.
“Napapagod na ako Jell. Mahigit isang taon na ako dito..” Tinabihan ko siya. Nanatili akong tahimik. Parang sa amin yatang dalawa mas siya ang may dahilan kung bakit kami naparito. “..naiingit na lamang ako na yung mga kaibigan kong multo na kakakilala ko lang ay ayun, kinuha na ng liwanag. Pero ako? Tambay pa.” Nagpunas siya ng luha.
“..okay lang naman sa’kin na tumambay kung nakikita ko o kilala ko ang pamilya ko, pwede ko silang bantayan habang hinihintay. Pero hinde eh. Eto ako, nag-iisa at tanging pangalan lang na di ko alam ko pangalan ko ba talaga ang naalala ko.” Bahagya akong napailing.
“Di ka naman nag-iisa eh.” Sabat ko pa ngunit nanatili lang ang tingin ko sa siyudad habang yakap ko ang mga paa ko.
Napansin kong napalingon ito.
“Nandito pa naman ako oh. Di pa naman siguro ako kukunin ng liwanag.”Bahagya akong natawa sa sinabi ko na parang pinapagaan ko ang awra. “..baka may dahilan pa kung bakit nandito ka pa.” Suhestyon ko.
Ibinalik niya ang tingin sa direksiyon kung saan nakatingin ang aking mata. “Kung meron man, ano nanaman kaya iyon?”Nagkibit balikat lang ako sa tanong niya. Di ko rin alam eh.
Napabuntong-hininga kaming pareho.
“Alam mo Ehan, gusto kitang tulungan pero natatakot kasi ako.” Saad ko. Tahimik lang siya. “...natatakot akong mapahamak nanaman tulad nung dati. Di pa kasi ako handa eh.” Napayuko ako.
Nabigla ako nang guluhin niya ang aking buhok. “Naiintindihan kita. Di naman kita mapipilit eh. Bibigyan nalang kita ng panahon para makapag-isip at sana magiging sapat na panahon na yun. Sa ngayon, ako na muna ang maglalakbay. Babalikan nalang kita kung handa ka ng tulungan ako.” Napangiti naman ako sa sinabi niya.
Di pa kasi ako handang pumasok sa alam kong ikakapahamak ko nanaman. Ayokong mag-alala ang pamilya ko sa akin.
“Bumalik na tayo sa classroom mo. Di ka pwedeng umabsent sa next subject mo.” Aniya. Tumango ako saka nangiti bago tuluyang tumayo.
Pinagpagan ko ang sarili sa sumunod sa kanyang paglalakad. Napatitig ako sa kanya, alam kong di siya okay. Masyadong mahahalata mong malungkot siya kahit pa nakatalikod ito sa akin.
Sana nga, naintindihan niya ako. Pasensya na.
Malapit na kami sa butas na dinaanan namin kanina. Huminto siya kaya napahinto ako. “Pasensya nga pala kung nasigawan kita kanina. Nadala lang ako ng emosyon ko.” Aniya. Malungkot akong ngumiti kahit na di niya naman ako nakikita.
“Ayos lang. Di naman kita masisisi kung ganong ang naging reaksiyon mo. Kahit ako siguro magiging ganun din.” Sabi ko pa at tuluyan na kaming nakabalik sa school garden. Kasabay ng pagbalik ko ay ang paglaho nanaman niya na parang bula.
Kelan kaya siya babalik?
Naglakad na ako pabalik ng classroom at laking malas ko nalang na may gwardiya na palang nag-iikot sa hardin na ito kaya nahuli ako ng di oras.
“Oy oy. Tatakas ka pa ah?” Sabi niya nung aakmang tatakbo na ako ngunit huli na ang lahat at nahawakan niya na ang bag ko. Napasapo na lamang ako sa aking noo.
“Sumama ka sa akin dun sa opisina ng inyong punong guro.” Deklara niya pa at hinila ako. Child abuse naman si manong eh! Tsaka sa principal talaga? Di pwedeng sa teacher ko nalang? Hayst.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa tapat ng opisina ng principal. Binuksan ni Manong guard ang pinto saka pumasok kaya walang ganang sumunod ako sa kanya ngunit bigla akong mabuhayan nang makita ko ang hindi ko inaasahang makita ko.
It's Jeriche
Tahimik akong nangiti ngunit ang kalahati naman sa akin ay laking pagtataka. Anong ginagawa niya dito? Sa pagkakaalam ko ay isa siyang model student dahil sa angking talino at biyaya ng kanyang itsura. Ah, siguro may pinapagawa lang si principal kaya siya nandito. Imposibleng dahil yun sa kabulastugan. Hayst, Jell.
“Oh, Manong? Why are you here? And who's this girl? Why is she here with you?” Tanong ni Ginang Haley nang maagaw namin ang atensiyon niya. Napatingin din si Jeriche kaya napayuko nalang ako dahil sa hiya.
“Eh, nahuli ko siya sa may hardin habang oras pa ng klase.” Sabi ni Guard. Napairap nalang ako. “Oh. Okay. Ako na ang bahala.” Sabi ni Ginang Haley. Tumango ang gwardiya saka lumabas na. Patay.
“Sit down..” Utos niya kaya naupo ako sa harap ng table niya. Magkaharapan kami ni Jeriche. Shemay, nakakahiya. Wala na. Wala na talaga akong pag-asa. “Now you young lady, tell me what happened.” Sabi nung principal. Yumuko lang ako nang magsimula akong magsalita. Nahiya ako ng slight eh.
“Pinalabas po ako sa klase eh, kaya pumunta na lamang ako sa garden.” Simpleng sabi ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko na umiling ang guro. “And bakit ka pinalabas?” Tanong niya pa.
“Eh nakatulog ho kasi ako sa gitna ng pagtuturo niya.” Rason ko pa. Nagulat ako sa hampas ni Ginang Haley sa mesa. Ouch, sakit nun. “Ahh.. So that's why? Ylu should be responsible next time Ms?”
“Amando po.”
“O yeah. Whatever. As your punishment, magpulot kayo ng basura. Including you, Mr?.” Tanong ni Principal kay Jeriche kaya taka naman akong napatingin sa kanya. Bakit pati siya?
“Feriko.” Pacool niya pang sabi. “Okay. You both get out! And start picking up garbage.” Utos pa ni principal kaya naman sabay kaming tumayo ngunit nauna akong lumabas sa opisina. Teka, saan ba kami magpupulot? Mabilis pa sa isang segundong bumalik ako sa opisina.
“What now?.” Salubong ni Principal. High blood? May mood swings? Naku! Sunget. “Ahm, saan po ba kami magpupulot?” Tanong ko pa. Inis itong napasinghap. “Sa field.” Aniya tumango nalang ako saka lumabas. Nagulat nalang ako nang makita ko si Jeriche na nakasandal sa gilid ng pinto. Hinihintay ba niya ako? Ish. Wag kang assuming Jell.
“Tara.” Aniya. Napaturo naman ako sa sarili ko at tumango lang ito. Nauna na akong maglakad sa kanya ngunit laking gulat ko nalang nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako ng patakbo kaya naman ay tumakbo na rin ako.
Para akong kinukuryente. Pwede na bang mahimatay?
Ehan’s PoV
Kasalukuyan akong nasa puno upang makapag-isa. Medyo nalungkot ako dahil di pa pala nakapagdesisyon si Jell. Siguro nga ay ayaw niya ng pumasok sa delikado pero.. di ko naman siya pababayaan eh.
Sa gitna ng pag-iisip ay may narinig akong pamilyar na boses. Nilingon ko ito at laking pagtataka ko nang makita kong hila-hila ng lalaki si Jell. Anong meron? Eto yung crush niya eh.
Gusto ko silang guluhin ngunit natigilan ako sa sarili ko. Bakit ko nga ba sila guguluhin? At ang mas lalong ipinagtataka ko sa sarili ko, ay bakit apektado tuwing nakikita kong nagtatagpo sila?
Anong nangyayari sa akin?
BINABASA MO ANG
My Guardian Ghost (Completed)
AléatoireYhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost asking for help and later on became her friend. Friend lang ba talaga? This is a non-horror story. -drazzzzyyyy Book cover by: @majestingg Sta...