Chapter 24

2.8K 112 25
                                    

Katahimikan. Nakakabinging katahimikan ang namutawi sa pagitan namin. Kaya upang hindi mapanis ang laway ko dahil sa katahimikan ay nagsalita ako.

"Ehem. Tara na, marami pa tayong pupuntahan." Saad ko at tumayo ngunit nabigla ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko dahilan para mapahinto ako at takang napatingin sa kanya.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong nakayuko lang ito at hawak ang kamay ko. Ewan ko ba kung bakit parang kinakabahan ako.

"Dito ka muna. " Seryoso niya pang sabi. Nagtaka naman ako. Anong nakain ng multong to? O sadyang wala lang talaga siyang nakain kaya nagkakaganyan?

“Di ba, maghahanap pa tayo? ” Paalala ko sa kanya. Kokonte pa nga lang ang napuntahan namin eh.

“Makakapaghintay yun. ” Naupo nalang ako at di na nakipagtalo pa. Ano kayang nangyari sa taong to —este multong to?  Akala ko ba excited tong mahanap ang sarili niya? Naku naku!

Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Heartbeat, heartbeat spinning up. “Kung mahahanap man natin ngayon ang sarili ko, baka ito na yung huling araw na magkasama tayo kaya susulitin ko na muna ang araw na kasama ka.”

***

Nakatunganga ako sa bintana habang maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko na tila ba hindi napapagod.

“Okay, student number five, Ms. Amando. ”

May punto nga naman ang sinabi ni Ehan kahapon. Paano nalang kaya kung nakita namin yun kahapon? 

Handa na ba ako? Handa na ba ako na wala siya. Dahil sa halos araw araw na ginawa ng Diyos siya ang kasa-kasama ko.

“Ms. Amando!”

“Ayyy! Ehan!”

Otomatiko akong napatayo ng isigaw ang pangalan ko. Lahat ng mata ay nakatingin sa akin samantalang ang iba naman ay nagpipigil ng tawa.

Ano daw iyon? Ano naaa?!

“Are you listening?” Saad ng guro namin sa Philosophy. “Ah-eh.. Opo?” Di ko siguradong sagot. Naririnig ko naman siya kaya lang di pumapasok sa utak ko at wala akong naintindihan.

“Okay, what is rationalist?” Aniya. Napakagat ako ng labi at minumura ang utak ko dahil sa kawalan ng naiisip. Ano ang isasagot ko?

“Patience is a virtue but time is gold. We are waiting Ms. Amando. ”

Napayuko nalang ako habang dahan-dahang umiiling. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na umiiling ang guro saka nag crossed arms. “Okay Get out.” Marahan niyang sabi. Napatingin ako sa guro na tili nagsasabi ng 'wag' pero matalim lang na titig ang ipinukol niya sa akin.

Kinuha ko ang gamit ko at tahimik na lumabas ng silid.

Bagsak ang aking mga balikat nang lumabas ako. Ano na ang magiging grades ko nito? Lagi nalang akong napapalabas at lagi akong lutang. Psh.

Isang malakas na hangin ang naramdaman ng batok ko at ilang minuto lang ay may sumulpot nanamang laging sumusulpot.

“Oh? Ba't ganyan itsura mo?” Kunot noo niyang sabi sabay pitik sa ilong ko. Taeng to. Sakit nun ah?

Ngumuso ako habang hawak-hawak ko ang strap ng backpack ko. “Syempre. Ikaw ba naman palabasin di ka ba maiinis na malulungkot na mahihiya?” Sagot ko pa sa tanong niya.

Naglakad ako sa hallway palabas ng building at ramdam ko namang nakasunod lang sa akin si Ehan.

“Ba't ka ba pinalabas?” Tanong pa niya. Nagkibit balikat nalang ako dahil nakakatamad mag salita.

Nang makarating kami sa mga kubo ng paaralang ito na kung saan halos karamihan ay dito na naglalunch ay naupo ako at isinandal ang ulo ko sa braso kong nakalapat sa mesa.

Ba't parang ang lungkot ko?

“Ba't parang malungkot ka?” Dahan dahan akong napaangat ng tingin kay Ehan na nakatingin rin sa akin gamit ang kanyang mga mapupungay na mata. Galing niya ah? Paano niya nahulaan ang nilalaman ng isip ko?

“Ewan ko.” Tanging sambit ko nalang.

Bakit nga ba?

“Dahil ba ito sa mga sinabi ko sayo kahapon?” Aniya sa seryosong ekspresiyon at tono.  “Ewan ko.” Sagot ko pa.

“Puro ka naman ewan jan eh...” Napakamot siya sa kanyang ulo.  “..Tara may pupuntahan tayo.” Saad niya at akmang hihilain ako ngunit pinigilan ko siya.

“May dalawa pa akong subject mamaya.” Sabi ko pa. Napahinto naman ito. “Oo nga pala noh? Hehe. After nalang. ” Saad niya at naupong muli.

“Saan ba tayo pupunta?” Takang tanong ko naman. Siguro nung nabubuhay pa tong Ehan'g to, puro gala lang e noh?

Tumayo ako para bumalik na ng klase ngunit isang malakas na sigaw ng pangalan ang nadinig ko.

“Jell!” Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at isang nakangiting Jezreel ang nakita ko habang kumakaway. Ano nanaman tong ginawa ng babaeng to?

Sinalubong ko siya gamit ang kunot kong noo. “Ba't nandito ka?” Taka kong tanong.

“Pinalabas ako e.” Kibit balikat niyang sabi. Napailing nalang ako sa kanya.

“Bakit raw?” Tanong ko pa. Baka mamaya kung ano nanaman ang pinanggagawa ng babaeng to.

“Sinagot ko lang naman yung tanong niya.” Aniya at naglakad tungo dun sa pinanggalingan ko kanina. “E ano bang tanong sayo?” Saad ko.

“Alam mo, dami mong tanong. Ang tanong niya kasi, sino pang gustong lumabas kagaya ni Ms. Amando. Edi sinagot kong ako may gusto. Unfair naman kung ikaw lang diba? Hahaha!”

Napasapo ako sa noo dun sa sinabi niya. Babaeng to talaga.

Nahiga siya sa bench sabay takip sa mata niya para proteksiyon sa sinag ng araw. Aba? Matutulog pa ang babaitang to ah?

“Jell? Alis na muna ako ah?” Nabaling ang atensiyon ko kay Ehan.

“Baket? Saan ka pupunta?” Tanong ko pa.

“Di naman ako aalis ah?” Rinig kong usal ni Jezreel. Napatakip naman ako ng bibig. Rinig ko ang mahinang tawa ni Ehan kaya naman sinamaan ko siya ng tingin at ilang sandali lang ay nawala nanaman siya.

Asan nanaman kaya ang punta nun.

“Uy Jell? Umamin ka nga? May nakikita ka bang di ko nakikita?”

Agad akong napalingon kay Jezreel dahil sa tanong niya. Masyado ba akong halata? Sasabihin ko na ba? Maniniwala kaya siya?

“Uhm.. Ano.” Di ko alam kung anong sasabihin ko. “Relax. Joke lang naman. Wag ka na maingay, matutulog ako.” Nakahinga naman ako nang maluwag sa sinabi niya.

Magsasalita pa sana ako ngunit di ko na nagawang ituloy nung marinig ko ang hilik niya. Huwaw, bilis makatulog.

***

Kakauwi ko lang sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko saka nag bihis at humiga sa kama. Nakakapagod nga talaga ang araw na'to.

Isang malakas na hampas ng hangin ang naramdaman ko kasabay nun ay sumulpot sa harapan ko ang isang multo. Si Ehan. Malawak ang ngiti nito at tila ba ang saya saya niya.

“Jell nakita ko na!”

To be continued..

A/N: ....

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon