#7: Sword Training

2.9K 94 4
                                    

~*~

Althea

"Althea, hold your sword tightly. Sa lahat ng mangyayari, huwag mong bibitawan yan. 'Yan ang iyong weapon for offensive and it can be for defensive." Paliwanag ni kuya. Mag wa-one on one kasi kami.

"Okay, kuya. Ready na ako!" Sigaw ko. Nasa kabilang dulo kasi siya at nasa kabila naman ako.

Nasabi ko na ba sa inyo na, black belter ako sa karate? Pwes ngayon, oo.

"Let's start!" Sigaw niya pabalik at sumugod papunta sa akin. Sumugod din ako noh.

He pointed his sword to me pero blinock ko yun gamit itong sword.

"Nice. Wala pa akong tinuturo, ang galing mo na." Sabay smirk sa akin ni Kuya.

Di ko siya sinagot kasi madidistract lang ako.

Inikot ko yung sword para bumaba yung sword niya and it's a success, I took a chance to kick his tummy but he step backward. Nice reflexes.

Magkahiwalay na kami ni Kuya. Tinitignan niya ang bawat galaw ko.

I smirk. Sumugod ako sa kanya. Nagkatamaan yung sword namin and it produce a loud and irritating sound. I push hard the sword to him and he did the same. So tumalon ako, nasa taas na niya ako. He looked around kasi di niya napansin na ang ginawa ko at talon. Nasa likod na niya ako and I pointed the edge of my sword to his neck.

He slowly turn and wearing a smile.

"Nice, ang galing mo. Saan mo natutunan yung mga galaw na iyon?" Tanong niya na nakangiti.

"Sa pinapanood kong action movies." Sabi ko. Actually, sa anime ko napapanood.

"Oh. Bukas tuturuan kita ng iba pa. Matulog ka na. Kailangan mong magpahinga." Sabi niya at dinala niya ako sa isang kwarto.

Yung sword, sinabi niya na iwan ko na lang iyon doon, kung saan ko ito kinuha.

I yawned. Ano na kaya ginagawa nila?

Natulog na ako kasi ang sakit na ng katawan ko.

Reen

Si Art nakatulog na sa sofa dito sa kwartong tinutulugan ni Althea.

Kailan kaya magigising si Althea? 1week na rin ang nakalipas. Ganun ba kalala ang lagay niya?

Nakaupo ako sa gilid ni Althea. May upuan kasi sa tabi ng kama niya. Pinagmamasdan ko na lang yung mukha niya. Mukha siyang anghel. Ang amo-amo ng mukha niya. Parang napaka inosente at walang kamuwang muwang sa mundo.

Biglang bumukas yung pinto. Niluwal nito sina Grei, Anthony at George.

Nakatingin lang si Grei kay Althea. Mukhang nahulog ito sa kanya ah. Ang swerte ni Althea.

"Reen, magpahinga ka na. Kanina pa kayong umaga nakabantay kay Althea. Kami na lang muna." Sabi ni Anthony. How sweet. Napangiti ako sa isipan ko.

Ang hirap itago ang nararamdaman para sa isang tao. Mahal ko ang lalaki na iyan. Kahit serious may tinatagong kakulitan yan sa loob. Di ko alam kung mahal din ba niya ako. Ayoko rin naman tanungin dahil baka umasa akong gusto niya ako, baka umasa ako sa wala.

"Okay, punta na ako sa kwarto ko." Sabi ko. Tumingin naman ako kay George. "George, buhatin mo si Art. Dalhin mo siya sa kwarto niya." Tumango na lang siya.

Binuhat na ni George si Art at nag teleport.

Bago ako nagteleport narinig ko yung bulong ni Anthony na ikinabigla ko.

The Time KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon