#8: Suspicious

2.8K 87 0
                                    

~*~

Althea

Nagising ako sa malakas na kalabog sa pinto.

Walanjo naman oh. Ano ba nangyayari sa labas?

Sinuot ko yung salamin ko at binuksan yung pinto. Nakita ko silang lahat na worried ang mukha? Napakunot naman aking noo.

Bakit?

Bigla akong niyakap ni Art at Reen ng mahigpit.

"G-guys, can't breath." Sabi ko at kumalas naman sila sa pagkayakap.

"Bakit kayo katok ng katok natutulog yung tao dito eh." Pagmamaktol ko sa kanila.

"Kanina pa kami katok ng katok. Umabot na ng limang oras bago mo kami pagbuksan. At alalang alala kami kasi di ka umiimik." Sabi ni Reen na hinahawakan ang kamay ko.

Eh? Okay? Limang oras? Tagal naman nun.

"Sorry, ang sarap kasi ng tulog ko eh. Ano na bang oras?" Tanong ko na lang sa kanila.

"2pm." Tipid na sabi ni Grei sa isang tabi.

Nanlaki ang mata ko. Omo~

"Did I sleep too much?" I asked.

They nodded.

"I think your hungry now." George said.

"N—." Natigilan ako nung tumunog yung tiyan ko. Gutom nga ako.

"Halika na. Meron kaming naitira na pagkain para sayo." Sabi ni Art sabay hila sa akin.

Pagpunta namin sa kusina, agad akong kumain. Tinawanan lang nila ako maliban kay Grei na poker face pa din.

Natapos na ako kumain. Busog na ako. Sobrang Busog.

"Thanks sa pagkain. Ang sarap. Sino ang nagluto?" Tanong ko. Ang sarap kasi eh.

"S-si Grei. Siya lang naman marunong magluto dito eh." Sabi ni George na nakahawak sa batok.

Oh, si Grei. Ang galing naman niya.

"Anong petsa na ba ngayon?" Tanong ko.

"Monday, first day of the school." Sabi ni George na nakangiti ng nakakaloko.

"What?! Bakit di kayo pumasok?" Tanong ko. Hinintay pa nila ako magising?

"Gusto kasi namin kasama ka kapag pumasok." Sabi ni Reen.

"Awww. Ang sweet niyo." Sabi ko. Ang sweet naman nila. Kailangan pa talaga kaming magkakasama kapag papasok.

"Gala tayo." Aya ni George. Ayan na naman sa kalokohan si George.

"Ayoko. Dito muna ako. Masakit pa ang katawan ko." Pagtanggi ko kay George.

"Huh? Bakit?" Tanong nila.

Oopss. Bawal pala sabihin.

"Namamanhid pa ito yung katawan ko kasi diba nga one week akong nakatulog." Pagdadahilan ko.

"Okay, see you na lang bukas." Sabi ni George at sinama sina Anthony at Grei.

Tumango na lang kami. Pumasok na ako sa kwarto ko. Gusto ko pa kasing magpahinga.

×××

Second day namin ngayon. I'm excited na kinakabahan pag pasok. Baka kasi ayaw sa akin ng mga estudyante.

Sinuot ko na yung uniform. Ang cute nga eh. White na long sleeves at may color red, white and black checkered vest. Yung palda ay checkered din katulad nung vest, at 3 inches above the knee. Knee socks ang susuotin, kulay black.

Ang cute diba.

Lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko sila Art at Reen na kakalabas lang din.

Sabay sabay kaming pumunta sa klase namin.

Habang naglalakad may narinig akong bulungan.

"Nakakahiya naman sa kanya, sama sama pa sa mga royalties." Girl 1

"Oo nga, or alipin lang siya." Girl 2

"Right girls. Or gusto lang niya maging sikat. What a famewhore and a b*tch." Girl 3. Bago nagsitawanan sila.

Mukhang nasagot ang tanong ko. Di nila ako gusto.

"Huwag mo silang pansinin. Naiinggit lang sila sa iyo na kasama ka namin." Sabi ni Reen sabay tapik sa braso ko. Tumango na lang ako.

Pagpasok namin sa classroom, nakita ko yung tatlong boys.

"Althea!" Sigaw ni George sabay wave ng hand sa akin. Lahat ng students na babae ang sama ng tingin sa akin. Kung nakakamatay lang ang sama ng tingin kanina pa ako nakabulagta.

Nag wave na lang din ako ng kamay pabalik. Pinabayaan ko na lang sila. Hanggang sama lang naman ng tingin sila eh.

Umupo kami sa third row. Malapit ako sa bintana. Yung boys nasa fourth row so ang nasa likod ko ay si Grei.

Nagsimula na yung klase, normal classes lang naman. Yung mga subject sa mortal world pero may nadagdagan.

Potions, magics and training.

Natapos naman ng matiwasay ang klase. Pupunta na sana ako sa dorm pero bago muna doon pupunta muna ako kay headmaster. May sasabihin pa ako sa kanya.

Nasa tapat na ako ng office ni headmistress.

Kumatok ako ng dalawang beses, at bumukas ito. Namamangha pa rin ako dito. Pumasok ako.

"Good afternoon po headmistress." Sabi ko ng may galang.

"Good afternoon din, hija. Bakit naparito ka?" Tanong niya habang nakangiti.

"Tanong ko lang po kung may nakatira sa Enchanted tree." Sabi ko at nanlaki yung mata niya.

"Bakit mo naman na itanong yan?" Tanong niya.

"Noong pumunta po ako doon, may nakita po akong lalaki." Paliwanag ko. Si kuya yung tinutukoy ko na lalaki. Kilala niya kaya si kuya?

"Pumunta ka sa Enchanted tree? Alam mo bang walang makakapunta doon except sa nawawalang prinsesa?" Nagulat ako sa sinabi niya. Sinabi rin ng mga hayop sa akin yan.

Yung prinsesa lang ba talaga ang nakakapunta doon?

"Ganon po ba?" Tanong ko.

"Dinaanan mo ba ang illusion forest?" Tumango na lang ako.

"Nakakapagtaka naman, lahat ng pumapasok sa illusion forest ay hindi na makalabas or napatay na siya ng mga hayop doon." Bulong niya pero narinig ko.

Nakakarinig din ako ng mahihinang bulong. Pati na rin yung pinakamahinang bulong. Ang weird diba?

"Yan lang ba ang sasabihin mo?" Tanong niya at tumango na lang ako.

"Hindi pa kasi ako nakakapunta doon kaya hindi ko alam kung may nakatira doon." Sabi ni headmistress.

"Okay po. Alis na po ako." Sabi ko at tumalikod na.

"I need to say this to Willy." Mahinang sabi ni headmistress nang makalabas ako.

Bakit niya sasabihin kay papa? Why? Is there anything problem in what I've said?

Gosh, marami na naman akong tanong.

Ang suspicious ni headmistress. She's hiding something. What is it?

I'll find it out.

~*~

A/N:

Sorry kung maikli lang ang chapter na ito. Gomen. Mianhe. Patawad po.

Hahahah.

Tinatamad kasi ako gumawa kaya maiksi lang. Hihi.

(^_^)v

The Time KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon