~*~
Althea
At ang ...
Ang gwapo. He have green eyes, red kissable lips, pointed nose, fair skin, light brown hair with green, at naka brown suit. In short perfect!
"Nice tummy, prinsesa ng mga hayop. Hahaha." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito.
"You can understand them?" sabi kasi ng nga hayop na yan na ang prinsesa lang ang nakakausap sa kanila.
"Yes, why not. I'm the — Ooops, di ko pa pwede sabihin sa iyo." Sabi niya at muntikan na madulas ang dila niya.
"Kasamahan mo rin ba yung babae na nakablue gown?" Tanong ko at pinagmasdan siya.
"Yes, sasabihin namin yun sa tamang panahon." Sabi niya sabay winked. Ang cute niya.
"Okay." Sabi ko na lang. Wala na ako masabi eh.
"Althea Lene Torres diba ang pangalan mo." Sabi niya. Tumango na lang ako.
"Althea dear, lapit ka dito." Sabi niya. Lumapit naman ako.
Nanlaki yung mata ko sa ginawa niya ...
-
-
-
-
-
bigla niya akong niyakap!
"Uhm. Bakit niyo po ako niyayakap?" Tanong ko.
"Umiiyak ka kasi. Something trigger your heart, para maiyak ka. You can sense the feeling of other people when they are sad, and don't have any comforter kaya inaako mo lahat. That is one of your magic. Sense of feeling and comforter, an Empathy." Sabi niya.
Hinawakan ko yung pisngi ko at basa nga. Umiiyak nga ako.
"Ganito rin po ba yung nangyari sa akin nung kasama ko si Ms. Blue?" Ms. Blue ang tawag ko sa kanya kasi more on blue siya.
"Yes, Ganito rin. Yung umiiyak ngayon, you are comforting him or her now." Sabi niya. Hinihimas-himas niya ang likod ko. I feel comfort to him and to Ms. Blue.
Kumalas na ako sa yakap.
"Thank you po sa pag comfort." Sabi ko at ngumiti.
"Your welcome." Sabi niya at bigla niya akong hinalikan sa noo.
"A-ah." Shocks nauutal ako.
"Hahaha. Huwag kang mag aalala. Let me be an older brother to you." Sabi niya sabay gulo sa buhok ko.
"Okay, kuya ang tatawagin ko sa iyo." Sabi ko at nagsmile. Nag thumbs up naman siya.
"May ibibigay pa pala ako sa iyo." Sabi niya at may sinabi siya sa hangin at biglang nagkaroon ng pendant na green sa kamay niya. "Ito oh. Ilagay mo jan sa necklace mo." Tapos binigay niya sa akin. Tinanggal ko yung kwintas at nilagay ang pendant na yun doon. Sinuot ko ulit.
"Thank you po." Masigla kong sabi.
"Paalala, huwag kang mag papauto sa pang labas na anyo ng tao. Kilalanin mo siya ng mabuti." Seryoso niyang sabi.
"Okay po kuya." Sabi ko. Ngumiti naman siya.
"Magpapaalam muna ako sa iyo pansamantala. See you again." Sabi niya.
"See you again too, kuya." Sabi ko nag waved ng hand.
"Bye!" Sabi niya at bigla siyang naglaho.
Napagpasyahan kong bumalik na sa academy, baka abutan pa ako ng gabi.
Dumaan ako sa shortcut. Ayoko ng bumalik sa illusion forest. Di ko nakita ang shortcut kanina.
Habang naglalakad papuntang Headmistress' Office, may nabunggo ako sa hallway. Nahulog yung eyeglasses ko. Shemay, okay lang iba ang mahulog huwag lang yung eyeglasses ko.
"Sorry." Sabi ko at hinahanap ko yung eyeglasses. Nakayuko ako sa kanya.
"Are you looking for this?" Tanong ng lalaki. Familiar yung boses niya.
Tiningnan ko lang yung kamay niya, ayoko kasi na may makakita ng mata ko.
Yung eyeglasses kasi gawa ko yan. High-tech kasi yan. Kapag sinusuot ko 'di nila mahahalata ang kulay ng mata ko. Parang color black lang yung mata ko pero kapag wala akong suot na eyeglasses, makikita nila yung kulay ng mata ko. Minsan blue, ash gray, green, light yellow, red and gold.
"Look at me, miss." Sabi niya at hahawakan na sana niya yung chin ko nagbackward step ako.
"Akin na po yung eyeglasses ko." Sabi ko at nilahad ko yung kamay ko.
"Pakita mo muna yung mukha mo sa akin bago ko ito ibigay." Ang tigas din pala ng ulo nito.
"Please, bigay mo na. Sumasakit na yung mata at ulo ko." Pangdadahilan ko.
"Okay." Binigay niya sa akin yung eyeglasses ko.
Sinuot ko agad ito. Muntikan na iyon. Buti naniwala siya.
"Pwede ko na ba makita ang mukha mo?" Tanong niya. Bakit gustong gusto niya makita mukha ko?
Inangat ko yung ulo ko para makita niya yung mukha ko.
"Oh, ikaw pala yan, nandito ka na pala." Sabi niya na ikinunot ng noo ko.
"Do I know you?" Mataray kong tanong.
"No, but I know you." Sabi niya at nag winked pa. Hindi effective yan. Mas effective yung kay kuya.
"Okay." Tipid kong sabi at akmang aalis na ako pero hinawakan niya ako sa braso. I feel an energy run through my veins, it's like I'm being assessing just by merely touching.
"Power of touch." Bigla kong nasabi. Saan galing yun?
"Paano mo nalaman? Walang tao ang nakakaalam na ginagamit ko ang magic ko kapag hinahawakan ko sila." Sabi niya.
"I sense an energy running in me na parang ina-assess ako." Paliwanag ko.
"Okay, huwag ka munang umalis magpapakilala muna ako." Sabi niya. Tinanggal ko yung kamay niya sa braso ko at ang daming information na pumunta sa utak ko, information about sa lalaking yan.
"George Streit, 18 years old. Earth elementalist. Second magic, power of touch. Prince of the earth kingdom." Nasabi ko yan. Hala. saan galing yan.
"Wow, kilala mo pala ako." Sabi niya at nag smirk.
"Excuse me, aalis na ako." Sabi ko at tumakbo papuntang dorm, bukas na lang ako pupunta sa headmaster room.
Nasa kwarto na ako ngayon. Ang sakit ng ulo ko.
Ang daming information about him.
Ang dami kong magic, time, mind telepathy, mind to reality, empathy, at power of touch.
Ang dami na. Ano ba talaga ako? Sino ba talaga ako?
Kainis.
Nagpalit ako ng damit ko at pumunta ng cafeteria. Gutom na ako. Tumunog ng malakas yung tiyan ko kanina. Nakakahiya.
Kumain na ako sa cafeteria at dumiretso sa dorm at natulog.
Itutulog ko na lang muna. Ang sakit na kasi ng ulo ko kakaisip. Hihintayin ko rin yung tamang panahon na sinasabi ni Ms. Blue at kuya. Sasabihin nila lahat sa akin.
~*~
BINABASA MO ANG
The Time Keeper
FantasyPROPHECY ~*~ The time keeper will be So extraordinary 'Cause it's legendary She's lost But she'll return Her choice will be The destruction of the opposite Light or Dark ~*~ Credits to the real owner of the cover photo.