~*~
Grei
Naririnig ko ang boses ni Althea na may kausap. I'm just faking my sleep.
I've already fight my own weakness. Pytane already taught me how to overcome it.
"Stop pretending. I know you're awake." Malamig na saad ni Althea.
Minulat ko na ang aking mata at nakita kong meron siyang kasamang babae na maganda.
"Did Pytane test this to you?" Tukoy ni Althea sa akin sa mga nangyayari sa kasamahan namin. I nodded kahit naguguluhan kung paano niya nakilala si Pytane.
*boom* *boom*
Sunod sunod na pagsabog ang narinig ko.
Luminga linga silang dalawa sa paligid.
"They are attacking now!" Sigaw nung kasamahan niyang babae.
"Athena, ikaw muna ang mauna." Seryosong saad ni Althea.
"Grei, hintayin mo silang magising." Saad nito at nakatitig sa akin.
Naglakad siya patungo sa akin at niyakap ako. May binigay siya sa aking kwintas.
"Please be safe. Protect them at all cost." Saad niya at humiwalay na sa yakap at biglang nagteleport.
3rd Person's POV
Nagteleport si Athena sa harap ng gate. Ginamit niya ang kanyang magic na illusion sa mga kalaban.
Lahat ng tao ay nagsisigawan sa sakit na dulot ng magic na yun.
"Aaaargh." Daing lahat ng mga napasailalim sa magic niya.
"Well, well, well. Is that you, Athena?" Isang nakaitim na babae, papalapit sa kanya. May hawak itong latigo.
"Virgo." Malalim na boses na saad ni Athena.
Virgo mocked at her. "You still remember me! Oh my gosh!" Biglang nandilim ang aura ni Athena.
She was surrounded by a black aura.
"Oh-oh. She's getting mad." In a sing-song tone.
"You really are a loser, Virgo. Joining to the darkness just to get more power. A pathetic woman." Umiiling na saad nito.
"What?! You!" Duro nito kay Athena.
"Now, who's getting mad?" gaya ni Athena sa tono ni Virgo.
Hinampas niya ng latigo si Athena. Di napansin ni Athena ang paparating na atake kaya natamaan ito sa pisngi.
"Is that what you got?" Mapanghamon na saad ni Athena kay Virgo. Mas lalong nagalit ito kaya nilatigo niya ng paulit ulit si Athena.
Sobrang bilis ng pagkalatigo nito. Meron din itong makamandag na lason na galing sa ahas.
Punong-puno ng galos ang natamo ni Athena. Nakahawak ito sa kaliwang braso na matindi ang pagkakadugo.
"You look so weak. Hindi ka na makakilos ano." Saad ni Virgo at tumawa.
Nagsummon si Virgo ng mga poisonous snakes para atakihin si Athena. Tumatawa ng malademonyo si Virgo sa kaniyang nakikita. Walang kaawaawa niya itong pinapanood habang ang mga ahas ay nakapalupot sa kaniyang biktima.
"Is that what you got?" Bigla niyang rinig sa kanyang isipan. Paulit-ulit ito at palakas ng palakas.
Napahawak sa sintido si Virgo at napapikit ng nariin dahil sa sakit na dulot nito. Sumisigaw na rin siya sa kirot na nadarama sa kanyang ulo. Parang binibiyak at hinahati sa dalawa. Lumuluha na rin ang kaniyang mata.
BINABASA MO ANG
The Time Keeper
FantasyPROPHECY ~*~ The time keeper will be So extraordinary 'Cause it's legendary She's lost But she'll return Her choice will be The destruction of the opposite Light or Dark ~*~ Credits to the real owner of the cover photo.