#13: Royal Drace

2.3K 74 3
                                    

Author's Note:

Sorry kung pinag-antay ko kayo ng matagal. Sorry talaga.

Meron lang akong ipapaliwanag.

Ang isang araw sa Academy (kung saan nag-aaral sila) ay isang buwan sa gubat na napuntahan ni Althea.

Gets?

Kung hindi, basahin niyo uli at intindihin.

Thank you!

~*~

Althea

One month na rin ang nakalipas nang umalis ako sa Academy.

Nakaka-miss ang mga kaibigan ko doon. Pati na rin sina mama at papa. Kamusta na kaya sila?

Hayy...

Nakolekta ko na rin lahat ng pendants. Yung blue, green, yellow, red and white.

Ang astig nga nung kinuha namin yung white pendant ni Miemie.

Ganito kasi iyon.

"Miemie, saan ba natin makikita yung isa pang pendant? Ang sakit na ng paa ko." Sabi ko kay Miemie sa tabi ko.

"Al, hindi ko rin alam kung saan natin makikita iyon." Balik na saad ni Miemie.

Napa-pout na lang ako.

Isang linggo na namin hinahanap iyon matapos namin makuha yung yellow pendant.

Habang naglalakad may nakita akong puti na parang foam na malaki.

"Miemie, tignan mo yun oh. Punta tayo doon." Masiglang sabi ko sa kanya.

"Sige po, Al." Magalang na sabi nito.

Pumunta na kami doon. Umupo ako at pinaupo ko rin si Miemie doon. Ang lambot upuan.

"Al, isa itong magical cloud na galing sa Cloud Island." Saad ni Miemie.

Namangha ako dahil bigla itong tumaas.

"Miemie, tignan mo yung forest sa baba. Ang ganda." Saad ko. Ang ganda kasi niya kapag nasa taas ka.

"Mag-ingat ka, Al." Sabi nito kasi kanina pa ako tingin ng tingin sa baba.

Pagtingin ko naman sa taas, may nakita akong sobrang laking ulap. Para na itong isang isla pero made of clouds yung parang lupa.

Bigla naman kaming dinala doon ng magic cloud. Nung nakatungtong na kami sa cloud island. Puro clouds ang makikita mo.

"Woah." Mangha kong saad.

"Hello, young lady." Biglang may nagsalita sa gilid ko.

Napatingin naman ako at ang bumungad sa akin ay isang babaeng maganda.

Ito ay nakasilver na long-sleeve gown. Meron siyang white and silver na buhok. Meron din siyang mapupulang labi at matangos ngunit maliit na ilong. Maputi at makinis na balat.

"H-hello." Nauutal kong saad.

"Is it beautiful?" Tukoy niya dito sa cloud island.

The Time KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon