#3: Three Magic?

3.8K 117 3
                                    

~*~

Althea

Natapos na kaming kumain ng lunch at pumunta malapit sa park. Magpipicnic daw kami dito.

Nagbonding kami dito sa park. Nagpicture, naglaro, at kumain. Hihihi. Snacks lang naman yung kinain namin. Dampot dampot lang kapag nagugutom.

Habang nag uusap kami, nakita ko uli yung dalawang tao. Yung babae na may white highlights at yung lalaki na may red highlights ang buhok. Sinusundan ba nila ako?

Palapit sila ng palapit dito. Oh my. Pumunta ako sa tabi ni papa at niyakap siya. Gusto kong magtago.

Nasa tapat na namin sila. Nanlaki yung mata nila. Para silang nakakita ng multo.

"Mr. Willy Torres?" tanong nung babae kay papa. Napakunot naman ako ng noo. Kilala niya si papa?

"Oh, Princess why are you two here? What brought you here?" Tanong ni papa. Wait. Kilala ni papa sila? At princess yung tawag niya sa babae. Ang gulo.

"Is she your daughter?" Tanong nung lalaki.

"Yes, anak namin siya." Sabi ni mama.

"Kaya pala siya may magic dahil may magic yung magulang niya." Sabi nung babae habang tumatango tango.

"May magic siya?" Di makapaniwalang tanong ni papa. Ano ba pinag-uusapan nila?

"Yes, Mr. Torres." Sabi nung babae.

"Ah. Ano naman magic niya?" Tanong ni mama.

"Hindi niyo po alam?" Tanong naman nung lalaki.

"Hindi, kasi di pa namin nakikita na may magic siya at wala siyang sinasabi." Sabi naman ni mama.

"Dadalhin po namin siya sa Academy." Sabi nung babae.

"Okay." Sabi ni mama sa kanila at tumingin sa akin. "Sweetie sumama ka sa kanila." Sabi ni mama.

"Bakit po?" Tanong ko. Sasama ako sa kanila eh, hindi ko naman sila kilala. Kanina pa ako naguguluhan sa kanila. So, may magic den si papa at mama?

"Ipupunta ka nila sa academy. Doon ka mag aaral." Sabi ni papa.

"Paano naman po sa school na pinapasukan ko?" Tanong ko. Maiiwan ko yung bestfriend ko.

"We'll take care of it. Sumama ka na lang sa kanila and you'll find the answer." Sabi ni papa. Tumango na lang ako. Kahit ayaw ko sumama, kailangan pa rin.

"Sweetie, remind ko lang sa iyo. Don't trust anyone." Sabi ni mama at ngumiti ng tipid. Ito na naman 'yang don't trust anyone chuchu.

"Okay ma." At kiniss ko siya sa cheeks.

"Ipadadala na lang namin doon yung mga gamit mo. Take care. I love you." Sabi ni mama at niyakap so nakisali na rin si papa.

"I love you too." Sabi ko at sumama na sa dalawa.

Habang naglalakad hinawakan ako sa kamay nung babae.

"Hi! My name is Art Mae Austen but you can call me Art." Sabi niya. At ngumiti siya. Mukha namang friendly 'tong babae.

"Hello." Sabi ko at matipid na ngumiti.

"Anong pangalan mo?" Tanong niya.

"Althea, Althea Lene Torres" Sabi ko.

"Okay, Althea. Mag teteleport tayo." Sabi niya.

"Okay." Sabi ko at ngumiti.

Shet, naeexcite ako.

The Time KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon