~*~
3rd Person's POV
Sa wakas natapos na ang digmaan sa pagitan ng liwanag at dilim.
Makikita mo sa mga ngiti ng bawat tao na nagtagumpay sila. Magkakaroon na ng katahimikan. Katahimikan na hinahangad ng lahat.
Umiiyak si Grei habang yakap yakap niya ang katawan ni Althea na wala ng buhay.
Naghihinagpis siya sa pagkawala ng kanyang minamahal.
Napatingin sa kanya sina Reen, Art, George at Anthony. Malungkot na nakatingin. Nalulungkot rin sila sa pagkawala ni Althea.
'Is this the time?' Tanong ni Art sa sarili habang nakahawak sa gioma stone.
Lumapit siya kay Grei. Hinawakan niya ito sa balikat.
"Grei. Pwedeng kami muna ni Althea." Saad niya rito at ngumiti.
Hiniga ni Grei ang katawan ni Althea sa lupa at umalis ng umiiyak pa din.
Tinignan ni Art ang katawan ni Althea at lumuhod. Tinanggal niya ang kwintas na gioma at sinuot kay Althea.
"Thy diom life revione sentuma heboir." Art cast the spell.
Lumiwanag ang stone at kasabay ang pagbagsak ni Art sa sahig. Nawalan ito ng malay.
Biglang nagbago ang kapaligiran. Naging masagana uli ang kulay at ang mga halaman sa paligid. Lahat ng nasirang gusali o imprastraktura ay biglang naayos. Bumalik uli sa magandang kalupaan ang mundong ito.
Tumakbo papalapit sila Grei sa kanila.
Lumapit si George kay Art at tiningnan ang pulso kung tumitibok pa ito. Nakahinga ito ng maluwag dahil nahimatay lamang ito. Habang si Grei naman ay bigo pa din ang mukha dahil wala na talagang pulso si Althea. Patay pa rin talaga siya.
Binuhat ni Grei si Althea at naglakad patungo sa garden. Umiiyak ito habang tinitignan ang mukha ni Althea.
~*~
Lumipas ang mga araw at buwan ngunit wala pa ding buhay si Althea.
Nasa isa siyang glass na lalagyanan at doon nakahimlay.
Punong puno ng kalungkutan ang mga mata ng bawat isang tao sa kanya.
Siya ang Time Keeper. Ang kanilang tagapagligtas na ngayon ay binuwis ang buhay upang sa kalagayan ng mga tao. Isang kadakilaan ang kanyang ginawa.
"Wala na bang pag-asang mabuhay uli si Althea?" Tanong ni Grei sa kawalan. Umiiyak na naman ang kanyang puso sa sobrang sakit dahil nawalan ito ng kabiyak.
Naiwan si Grei mag isa kasama si Althea na nakahimlay sa kanyang lugar.
Malungkot na ngumiti si Grei at kinuha ang isang bagay sa kanyang bulsa.
Bago pa man mawala si Althea. Binigay nito ang Royal Drace sa kanya. Ang binigay ni Clark kay Althea.
Napaluha si Grei habang tinititigan ang mahiwagang bagay na yun.
Hindi sinasadyang mapatakan ng luha niya ito.
Biglang may lumabas na liwanag dito. Unti unting lumalakas ang sinag nito.
Napapikit na lang si Grei at nabitawan iyon. Lumutang ito papalapit kay Althea. Tumagos ito sa glass at pumunta sa puso ni Althea.
Nanlaki ang mata ni Grei sa nagaganap. Hindi siya makapaniwala na nangyayari iyon. Nakalutang si Althea sa hangin.
"Grei?" Rinig niyang saad ng isang babae. Pumatak ang mga hindi inaasahang luha galing sa kanyang mga mata.
"Althea." Saad niya at nakita niya ang isang bulto ng babae na papalapit sa kanya.
"Grei!" Saad nun at tumakbo papunta sa kanya at dinambahan ng yakap.
"Althea!" Saad niya at niyakap niya rin ito.
"Salamat at buhay ka pa." Saad niya at umiiyak pa. Natawa na lang si Althea sa kanya.
Namiss niya ng tuluyan si Althea. Ang pagmamahal niya sa dilag ay wagas at hindi mawawala.
"Hindi na ako mawawala Grei. Ako ang Time Keeper diba?" Saad ni Althea at kinurot ang pisngi ni Grei at hinalikan siya nito.
Malalim at puno ng pagmamahal ang pinagsaluhang halik nilang dalawa.
Walang makakapantay sa lakas ng pag-ibig kahit maraming balakid ang dumating.
THE END
~*~
Author's Note:
Yehey! Tapos na ang THE TIME KEEPER. Salamat sa pagbabasa nito. Alam kong lame ang story na toh pero salamat dahil pinagtiisan niyong basahin.
Waaaaaaaaaah! Lablab ko kayong lahaaaaaat. Lalo na mga characters ko dito.
Baka wala na itong Book 2 pero meron pa rin akong mga upcoming fantasy stories. Abangan niyoooooo.
Waaaaaaaah. Tapos na talaga ito. Kaya, paalam sa inyong lahaaaaaat.
BINABASA MO ANG
The Time Keeper
FantasyPROPHECY ~*~ The time keeper will be So extraordinary 'Cause it's legendary She's lost But she'll return Her choice will be The destruction of the opposite Light or Dark ~*~ Credits to the real owner of the cover photo.