1

52 3 1
                                    

Sobrang cliche na ng pangyayari na naliligaw ka sa bago mong paaralan sa unang araw ng pasukan. Sobrang cliche na rin ng pakiramdam na kinakabahan bago pumasok sa silid-aralan, nag-aalangan kung tama na ba ang silid na tutuluyan. Di na rin bago ang kinaiinisan ng bawat mag-aaral na introduce yourself, pero ito ako ngayon nasa harap ng mga iyan. Ang saya diba?

"Yyella, dito na ako ah? Sa dulo nalang naman na kasi yung room mo." Sabi ni Hazel. Hindi ko siya kaibigan, dating kamag-aral o kakilalla lang. Nagkabungguan kami kanina sa harap ng school gate, pareho kaming hindi alam kung saan yung classroom namin kaya nagtulungan kaming maghanap. Nang malaman namin na nasa iisang floor lang pala kami pero magkalayo ang room.

"Sige lang. Ingat." paalam ko sa kaniya, nagpalitan kami ng ngiti bago siay tuluyang pumasok ng silid.

Hay, nalulula parin ako sa dami ng mga mag-aaral kasama kong nagkakagulo dahil sa paghahanap ng classroom. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa natapat ako sa pintuan na may A605 sa taas ng pintuan, bukas ang pinto at nakatayo roon ang isang guro na di katangkaran, maiksi ang buhok, medyo may katabaan ngunit maamo ang mukha.

Nag-alangan akong lumapit sa kaniya pero ngumiti siya kaya kahit papaano gumaan ang loob ko. "Estrella po mam?" tanong ko.

Estrella  yung Section na kinabibilangan ko. Samantala, Macalintal naman si Hazel. Hindi siya ang unang kakilala ko dito. Pero hindi naman kasi kami close ni Yssel kaya 'di na ako nag-atubili na sumabay sa  kaniya, dati ko siyang kaklase noong nasa elementarya pa ako.

"Yes. Let me see your form." Agad kong inabot sa kaniya yung from na hawak ko.Doon nakalagay ang subjects, subject codes, schedule at section pero to-be-announce kasi ang classroom.  Kaya nakipagsisika pa kami sa bulletine board sa labas ng building kanina.

"You get inside na, some of your classmates are already here."

Sumilip muna ako sa loob. Marami nang nandito kaya naman agaw atensyon ang pagpasok ko. Nakayuko akong tumungo sa pinakadulon upuan sa harap ikalawang hanay. Malapit ito sa bintana kaya tanaw ko parin ang buhos ng mahinang ulan sa labas.  Pagkaupo ko, agad kong pinampag ang damit kong medyo nabasa sa ulan. Nakakapanibago rin ang lamig dito kumpara sa amin sa probinsya. Maulan at malamig ngayon dito sa Baguio, August din naman kasi at tag-ulan, isama mo na sa susunod na buwan simula na ng Ber-months. Napakatahimik dito sa loob, kaluskos at ingay lamang ng mga mag-aaral sa labas ang maririnig.

Ang bilis magbago ng ihip ng hangin, napairap nalang ako. Pagkapasok na pagkapasok ko, isang malakas na tawa ang sumalubong sakin mula sa isa kong kaklase na Angela yata ang pangalan. ang klase na akala ng adviser namin at akala ko na rin na tahimik ay magiging maingay rin pala. Merkules na ngayon, at merkules palang pero regular na ang klase namin sa halos lahat ng subjects.

Limang minuto nalang at 8:00 na, ibig sabihin, time na.

"Yyella." narinig kong may bumulong sa pangalan ko sa likuran kaya lumingon ako, si Lasalethe at Ennovy pala. Tinignan ko lang sila, wari'y tinatanong kung bakit. Mukhang naintindihan naman nila dahil tinuro nila yung bakanteng upuan sa tabi ni Ennovy.  Tinuro ko rin yung dalawang bakanteng upuan sa tabi ko, pero sabay silang nag-pleaseee kaya ako yung lumipat sa ikatlong linya mula sa kina-uupuan ko. Dito kasi sa pwesto namin ngayon, kita mo ang kabuan ng pisara, may dalawang linya ng tiglimang upuan sa harap at kita rin ang mga nakaupo sa una hanggang ikalawang linya ng upuan sa unang hanay sa bandang kanan. Nasa gitna ako ngayon at si Lasalethe ang malapit sa bintana.

"Mas maganda kaya sa harap." protesta ko pa. 

"Ok na dito, at least madagdagan yung view, hindi lang pisara makikita mo. " Paliwanag ni Lasalethe sa akin. At sinundan pa ng pagsang-ayon ni Ennovy.

"Pero mas masaya sa harap." hindi ko alam pero nagbubulungan kaming tatlo nang biglang pumukaw sa pansin ng buong klase ang pagpasok ng aming guro sa Life Science. Si mam Perpecto.

Sabay-sabay namin siyang binati ng goodmorning. Binati niya rin kami pabalik at sinabing pumunta sa aming mga kagrupo at magpulong tungkol sa reporting for 20 minutes tapos magddiscuss na siya. Kahapon, hinati-hati na niya ang klase sa pito. Iyon ay nakabase pa sa aming birth months. Magkakarooon kami ng reporting. Bawat grupo ay may assigned na planeta. Nagkakagulo na naman kami sa paglilipat. Nagtungo naman ako sa bandang likuran kung naasan ang mga kagrupo ko.

"Uy Chix!"

"Hindi ako sisiw." sagot ko sa bagong kaklase ko. Tumawa naman ang loko.

Namataan kasi niya ang screenlock wallpaper ng cellphone ko nang makaupo siya sa tabing upuan. Iyon ay ang stolen shot ko na nakasuot ako nag swimsuit at nasa beach noong nakaraang bakasyon. Hindi naman revealing, sports bra at swimshort lamang ang suot ko.

May nagtext kasi kaya umilaw ang cellphone ko na nakalapag sa lamesa ko.

"So, ano nga, paano ang gagawin natin?" panimula ko sa grupo. Meron kasing group work na naiatas sa aming klase, bawat grupo ay may kaniya kaniyang assigned na planeta na siyang gagawan namin ng report sa makalawang tagpo namin sa Science.

"Kayo, ano ba gusto niyong klase ng pagrereport?" sagot ngunit patanong ulit ni Zivriel. Ang kaklase kong nagsabi ng chix kanina.

Ito ang ayaw ko, yung turuan kung ano o paano ang gagawin, mas gusto ko pang individual work nalang eh. Magtatanong ka pero sasagutin ka rin ng patanong, hindi ba pwedeng statement din? Kapapasok ko lang na naman sa bagong paaralan, pero umiiral na naman ang katarayan ko. Hindi pa naman ganun kahalata pero malapit na lumabas, yata?

"Ganito nalang siguro, kaniya kaniyang research muna tayo ng details sa Mars, tapos bukas collab tayo. Ok lang ba?" tanong ko. Pumayag naman sila. Naputol ang pag-uusap dahil nagsalita na si mam sa harap. Nagsimula na siya sa panimulan ng Aralin para sa amin first semister.

Wala rin akong ibang magawa kundi tumingin sa labas ng bintana dahil wala pa yung teacher namin na susunod.

"Yyella, paano pala yung sa poster?" maya'y lumapit sa akin si Jacky, classmate ko rin. Ilan palang silang mga kilala ko rito, siguro mga sampo palang.

"Ano ba yung theme?"

"Si Zivriel nagsulat nun kahapon eh. Zivriel!!" ikinumpas pa ni Jacky kamay niya para tawagin si Zivriel.

"Oh bakit? "

"Yung theme sa poster? Pag-usapan na muna natin. Wala pang teacher eh." sagot ko.

"Ah wait, kunin ko notebook ko." bumalik siya sa upuan niya para kunin yung notebook niya.

"Saang school ka pala galing Yyella?" tanong sa akin ni Jacky.

"Tayug National High School, ikaw?"

"Mt. Carmel Montesory. Saan yang school mo?"

"Pangasinan. Taga-Pangasinan ako. Ikaw?"

"Dito lang rin sa Baguio."

Ngumiti nalang ako bilang sagot. Hindi pa rin kasi ako palaimik lalo na kung kakakilala ko palang sa tao.Pero asahan niyong may pagkamean ako pagclose na tayo.

"Ito oh." inabot niya sa amin yung notebook niya. Agad ko namang inilabas muli ang cellphone ko para picturan ito.

Nakakatamad kasi magsulat.

"Ganyan ka pala pag sa labas ng school. Dito sa room ang nerd mong tignan." muli puna ng lalaki na nakatayo sa gilid ko.

Dulot na rin siguro ng glasses ko na may makapal na frame kaya niya ako natawag na nerd. Pero hindi ako nerd, malabo lang kasi ang paningin ko.

At oo nga pala! Nandito na naman siya, kagroup ko pala siya pati dito, ano bang problema ng lalaking ito sa litrato ko?

Huling  subject kasi namin sa kahapon ang Filipino. Ayon kay Sir, hindi muna siya maglelecture ngayong first week, pero kapalit nun ay ang paggawa namin ng poster bilang output.

"Haist! Whatever!" giit ko nang di siya nililingon.

Matapos kong kunan ng litrato ang notes niya ay nagpunta ako sa settings.

Mapalitan na nga lang yung screenlock wallpaper. Ayoko ng laging napupuna yun.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon