26

9 1 2
                                    

" Sobrang hilig mo talaga sa poetries." Sabi ni ate Elaine habang binabasa niya yung journal ko ng poetries habang nakahiga sila sa papag. Dalawa iyon, hawak din ni Ivy ang isa. Habang nakaupo naman ako sa paanan nila at nakahawak ng cellphone, katext si Zivriel.

Nandito kaming tatlo ngayon sa kubo, compound kasi kami dito tapos sa likod may gate doon palabas sa sakahan na pagmamay-ari ni tito Topher, bunsong kapatid nina mama. Paglabas naman ng gate, may mangga at sa silong nun ay bahay kubo. Dito kami namamalagi dahil presko at sariwa ang hangin, dama mong nasa probinnsya ka dahil wala kang ibang matatanaw dito kunti puro sakahan. Sa bandang gitna pa ng sakahan, gawing kanan, tanaw ang babuyan doon, alaga nila mama at lola. May mga taga-alaga roon na nagbabantay.

Kaming tatlo ang palaging magkakasama, ang iba kasi sa aming mga pinsan eh may pasok na. Second week na rin kasi ng June. Ang iba naman ay may trabaho na. Samantala, pare-parehog August - May naman ang pasok naming tatlo kaya nagbakasyo sila ngayon dito sa probinsya.

"Binibinyagan ko na kayo, pag maging kayo man.." biglang umupo si Ivy mula sa pagkakahiga. "Magbbreak din kayo." ika nito. 

"Promise." Pahabol pa nito. 

Nagkibit-balikat nalang ako. Di ko alam kung maipipinta pa ba yung reaction at emosyon ko ngayon. Marami parin talaga akong pag-aalinlangan kay Zivriel.  Alam ko sa sarili ko,  I already like him. Pero hindi ko magawa, may part kasi sa akin na nagsasabing huwag muna, kasi natatakot ako na baka pinagtritripan niya lang ako, na baka isa rin siya sa mga lalaking yung "yes" lang ng babae yung goal nila, - yung pagsinagot mo na game over na, hindi na nagbabait-baitan, wala na yung efforts and everything. Isang issue pa sa akin yung puro ang daming niyang kaibigan na babae. Iniintindi ko na ma komportable siyang kausap ang mga babae, pero ewan ko, parang ang sama sa kalooban ko na malalaman o makikita ko siyang may katuwaan na ibang babae.

Kung magiging kami man, ewan ko kung magtatagal nga. pero kung alam ko naman nang hindi, hindi ko ipupush na magiging kami. 

Pumasok ako ng kwarto
Iniwan ko si Hiro sa labas :3
Naasar na kasi ako ang
kulit kulit niya >_<

No woner pag-iniwan mo rin
ako kasi literal na mkulit ako

Gatong ko sa text niya. Si Rice pala yung aso niya, puting puti kasi ito. Ipinakita na niya rin minsa sa akin sa picture noon. 

Hah! No way!

Ang tagl tagal kita hinanap,
kung saan saan pa ako napadpad,
tapos mawawala ka na naman
sa akin?  Hindi ako papapayag!

Daming sinabi, iiwan mo rin naman ako

Anong iiwan? pinag sasabi mo?

Baka ikaw ang mang-iwan sa akin

Oo na, hindi na, hindi kita iiwan. Go sing !

Hindi ko alam alam kung maiintindihan niya yung sinabi kong sinag. Pero sa isipan ko, may kinakanta akongpamilyar na isang kanta, hindi kita iiwan, hindi pababayaan, hinding hindi ka sasaktan, oh akin ka lang.... Hindi ko alam kung anong pamagat ng kantang niyan pero lagi ko kasing naririnig sa radio mula pa bata ako kaya alam ko ang chorus.

Panandalian akong tumayo at lumabas, I can't help but to smile nang magre-read ako ng conversation. Ayokong makita nila akong  ngiting ngiti.  Tulad ng inaasahan ko, hindi niya alam ang kantang sinasabi ko, bagkus ay nakatanggap  ako ng isang parte ng liriko ng isang kanata ng bandang One Direction. Alam niya kasing crush ko ang isang myembro ng boy band na si Harry Styles.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon