16

5 0 0
                                    

"Bring out one whole sheet of pad paper. We're going to have a quiz." sabi ng Calculus teacher namin kaya biglang nagprotesta ang buong klase. Maliban sa akin. Siguro.

Naririndi kasi ako sa babaeng pabebe sa likod ko.

"Sher, eh bukas na. Eh ang hirap kaya sher." ani pa nito. Napakapabebe ng boses idagdag mo pang baka brashes daw kasi siya. Aish! Nakakapeste.

"Take the quiz or leave the room, choose." sagot ni sir kaya nagliparan ang salitang grabe naman yan sir.

"Penge ng papel." dinig ko sa likurang bahagi ko."Bes, wala na akong papel" sagot naman ng taong marahil ay kausap niya. Boses ng kaibigan ko noon, oo noon. Di na niya kasi ako kilala ngayon.

"Damot!...... Ay shems! Tinangay pala yung pinsan ko yung ballpen ko." kausunod nito ay isang pacute na tawa, mukhang tawa ng mangkukulam na nagbabalak ng masama.

"Fatrisha pahiram nalang ng pen."

"Ayoko nga."

"sige na. Ballpen lang."

"Yaw!! Wag ka magquiz."

"Hay nako babae ka. Pahiram na kasi."

"May pang comshop ka, wala kang ballpen at papel?" angil ng babae.

"Boompains Zivriel!" sigaw ni Kevin tabi ko. Girl-Boy kasi
Ang seatplan ngayon.

Ako-Kevin-Zysia ang magkakatabi, sa likuran naman namin sina
Fatrisha-Zivriel-Trisha

Makakadukduk ako ng lalamunan. Napaka nilang dalawa! Buti naman sana kung napakagandang pakinggan ng malamangkukulam na nagpapacute na boses ng babae sa likod ko.

Hindi ako bitter. Hindi ako bitter ha? Leche lang kasi sila.

Nagsimula na akong magsulat, ilang segundo na ring natahimik ang dalawang naglalandian sa likuran ko. Ano ba kasing naisipan ng adviser namin at inilipat sila dito sa bandang harap? Tapos sa likod ko pa sila? Nananadya ba ?

"Yyella. May ballpen ka?" tinignan ko yung taong nasa harap ko ngayon.

Kakalabas ko lang ng ballpen at papel ko, naririndi ako sa boses ng babae sa likuran ko.

"Meron"

"Extra?"

"Bakit?"

"Pahiram please."

Tinignan ko lang siya at nagbukas ng bag. Kinuha ko yung Faber Castle nq extra pen ko. Kasunod nun ay ang pag detach ko ng 5 pcs ng paper sa one whole pad paper ko.

Iniabot ko sa kaniya  ng walang imik at walang emosyon sa mukha.

"Thank you Yella." sambit niya at ngumiti bago lumisan sa harap ko.

"Buti pa si Yella. Di kagaya mo. " Dinig kong bulong niya sa matabang isdang katabi niya.

Hindi ko na sila pinansin, pinagtuunan ko nalang ng pansin ang quiz.

Matapos ako ay inilapag ko na sa teacher's table yung papel ko.

Chaka ako nagnap sa desk ko.

Di nagtagal ay may kumakalabit sa braso ko. Pag-angat ko ng ulo ay si Ziv, hawak niya yung pen.

"Thank you." aniya at inilapag sa space ng desk ko.

Pinulot ko yung pen at lumingon sa likurang bahagi. Sakto namang paupo na siya.

Medyo pabagsak kong inilapag sa desk niyan yung pen. "Sayo na yan."

Muli kong isinubsob mukha ko sa kamay ko sa desk ko.

Naaasar ako!!

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon