2

35 2 0
                                    

Katatapos lang ng klase namin at nandito na kami ngayon sa foodcourt ng building. Pinapanood ang bawat estudyante na dumadaan at lumalabas na ng gusali, uuwi  na. Ang iba anman ay mas pinipiling manatili muna dito sa loob, may kalakasan din kasi ang ulan sa labas.  Ultimo naka jacket na nga ako,  nilalamig parin ako. Samantalang kami, over time para matapos ng poster namin ngayon.

Unang palapag kasi ng building namin ay ang foodcourt, kaya naman kung minsan, bago ka pa makarating sa classroom amoy ulam ka na. Sa ikalawang palapag naman ay ang administrative office. Mula naman 3rd floor hanggang 9th floor na ay mga classrooms.

"Haynako! Ang mga babae kasi kadalasan, puro duda, mali naman ang hinala." biglang banat ng taong nasa tabi ko. Kaya napapoker face ako. Ang tahimik kasi namin lahat sa mesa, nakatutok ka kaniya kaniyang ginagawa tapos bigla siyang babanat ng ganiyan?

Nilingon ko naman si Nicco na nasa harapan namin. Wala lang? nagkukulay parin.

"Sa panahon kasi ngayon, mahirap na magtiwala, kung paglaruan kasi ng mga lalaki ang mga babae parang bola sa larong basketball, pagkatapos bolahin at pag gipit na sa laban pinapasa na sa kaibigan." gatong ko rin.   Maldita ako,  pero pinipilit kong maging mabait, kaya please lang sana, wag mong i-trigger bes!

Napahilamos siya  ng mukha at ibinaba ang hawak niyang pastel. "Wag mong lahatin Yyella, iba ako, ball huger ako. Alam mo yung ball huger?"

"Pakialam ko sa ball hugger mo? Basta isa lang ang alam ko, isa ka ring bolero."

Yes! Note to self: Distansya kay Zivriel, hindi siya mukhang matino. Duda ko, isa rin siya sa mga tinatawag na Fuckboy at Babaero. So ako nalang mismo lalayo. Nagsisimula na ngang manlantud eh.

"Psh! Makinig ka muna kasi! Ball hugger ako, ako yung tipo ng lalaki na hindi basta basta pinapakawalan ang bola. Hindi ko pinapasa kahit sa kaibigan ko pa, kasi ako gusto ko saakin lang."

"Oy! Ano ba? Umawat na nga kayong dalawa." suway ni Nicco bago pa ako makasagot. Salubong na ang kilay nito. Realtalk, mukha siyang geek na nerd.

Nagkibit balikat itong si Zivriel at umaaktong mukhang inosente. "Tama na kasi Yyella."

"Bakit-"

"Awat na sabi! Tapusin na muna natin itong poster bago kayo magtalo, ako nalang gumagawa eh, iniwan na nga lang tayo nung dalawa."

Naasar na ako ah. Madali lang kasi akong maiinis o maasar. At ayoko nun. Isa pa yun, iniwan kami ng dalawa pa naming mga kagrupo.

Madaming mga medical students ngayon dito sa food court, yung iba, nag-uusap yung iba naman nagbabasa na ng libro nila, samantala, di kalayuan may isang grupo rin na gumagawa ng poster tulad namin.Hindi ko kilala ang mga mukha nila kaya sa ibang section malamang sila.

"Anong kulay ng background?" Tanong ko bilang pagsang-ayon na magkulay na ako. Inalis ko naman pansalamtala ang salamin sa suot ko, masakit na mata ko. Gusto ko na rin umuwi dahil magluluto pa ako. Wala rin naman kasi akong ibang inaasahan dito dahil nagbboarding house lang ako.

"Pink." agarang sagot ni Nicco. Inilapag pa ang kulay pink sa harap ko.

"Ano kamo? Pink? Bakla ka ba?" wala sa oras na bulaslas ko. Napatawa rin naman si Zivriel sa tabi ko.Biro ba ito? Yung totoo kasi? Poster tapos pink ang background? Seryoso ba ito? Ang pangit nun!

Sa totoo lang medyo awkward pa ako dito sa dalawa, mantakin mo naman kasi, dalawa silang lalaki at mag-isa kong babae. Hindi naman kami close sa isa't isa pero may feeling close na isa.

"Oh bakit? Anong masama sa pink? Eh yun nalang yung kulay na natira eh. Natadtad na ng red, blue, black, brown, green at yellow ito, pink nalang yung siguradong magkakasya sa background, kulang din kasi tayo ng kulay." giit niya. May pagkaweird din talaga ito, di ko mabasa mukha niya, di ko tuloy mawari kung seryoso siya o sabi niya lang.Geek! Nerd!

"Wag. hindi, kahit na combination nalang ng yellow at green tutal yun yung medyo mahaba pa. Pangit pag pink." sagot ni Zivriel. Inilapag narin niya ang dalawang kulay sa cartolina, ibinalik niya rin sa lagayan yun pink.

"Kaya nga."

"Ikaw, kababaeng tao mo ayaw mo sa pink?"baling niya sa akin, habang sinisimulan na ang pagkulay ng kulay berde. Hindi rin naman kasi lahat ng babae, gusto ang Pink. Marami sa kanila mas gusto pa ang kulay itim o kulay bughaw. Tulad ko, hindi kailan man ako nagkagusto sa kulay rosas.

"Oo, bakit?" hawak ang kulay dilaw, sinimulan ko na ring magkulay.

"Babae ka eh, dapat gusto mo yung pink."

Naningkit ang bilugin kong mata sa sinabi niya. Inuulit ko, Hindi lahat ng babae gusto ang pink, karamihan sa kanila marahil ay ayaw sa kulay na yan at isa na ako doon. "Ayoko nga po sa pink masyadong girly. Blue nalang, astig yun tapos malamig sa mata."

"Tomboy ka ata kaya di ka pa nagkakaboyfriend."

Napa-facepalm nalang ako sa sinabi niya. Papansin talaga ito.

"Study first kasi ako kaya di pa ako nagkakaboyfriend. At di ako tomboy."

Napahalak-halak siya kaya tinignan ko siya, umiling naman ang loko. "Galing kong manghula, sabi na eh, di ka pa nagkaboyfriend."

Napa-Facepalm na naman ako ng wala sa oras. Tukneneng na tao ito oo.

"Ako na nga rin, study first na nga rin ako. Ang mga babae kasi ngayon, ginagawa kaming mga atm nila." bulaslas na naman niya. Narinig ko nag-'tsss' si Nicco kaya nilingon ko.

Napansin ko rin na paunti na ng paunti ang mga estudyante pero hindi pa rin natila ang ulan sa labas. Hanggang kelan pa ba iiyak ang langit? Nakakagutom din ang amoy dito, samo't saring pagkain ang naamoy ko. Nakakagutom. Mas nilalamig narin ako, parang pati lamig nang-aasar ngayon.

"Wag mong lahatin, bakit nagirlfriend mo na ba lahat?" Ibabalik ko lang yung linya niya kanina. Bawian lang ng slight.

"Yan na naman kayo eh!" muli, pagputol ni Nicco sa pagtatalo namin. Lahatadong iritado na siya sa aming dalawa, hindi rin naaman siya halos na-iimik. kami lang talag ni Zivriel ang maingay.

"Si Zivriel kasi,"

"Anong ako? Ikaw kaya!''

"Magkulay ka na nga lang!"

"Ikaw rin kaya."

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon