3

18 2 0
                                    

"Lintik kasi na General Mathematics to!" bulaslas ni Danica sa tabi ko. Kaklase ko na kagrupo ko sa group assignment. Dalawang beses ko nang ipinaliwanag sa kanila kung paano magsolve ng Inverse Function. Pero di parin nila maintindihan kung paano ko naderive yung sagot.  Hindi ko rin naman forte ang Mathematics, sa katunayan, hirap ako sa subject na ito, pero meron pa palang may mga mas hindi nakakaintindi ng subject na ito kesa sa akin.

Napagtanto ko lang, ang hilig ng mga teachers namin sa group work. Malapit na rin akong sumuko dahip hindi na ako natutuwa, palagi rin kasi akong nailuluklok bilang leader sa bawat grupo na mapupuntahanan ko. Ikalawang linggo pa lang naman pero sandamakmak na ang ginagawa, pasakit pa na ako ang tumatapos sa mga gawain na hindi nagagawa ng mga kagrupo ko para lang makapagpass ng output on time.

"I-open mo kasi yung isipan mo. Hayaan mong intindihin niya yung nakasulat sa harap mo. Close minded po kasi kayo." usal ko naman.  Totoo naman yung sinasabi ko. Maiitindihan mo naman kasi kung iintindihin mo talaga. Hindi kami close ni Danica kaya medyo awkward.

"Kasi! Close minded daw kayo! Umayos nga kayo, amin na ulo mo Danica, buksan natin bungo mo." sagot ni Riana sa sinabi ko sabay tawa. Pinagsisihan ko tuloy na nagsalita pa. Simula palang ayoko na sa babaeng ito, napaka ng pag-uugali niya.

Yumuko nalang ako at di umimik, ayoko makipag-away. Katulad ko, di rin umiimik ang dalawa pa naming kasama, sina Chester at Kaila, alam naman kasi nila ang lesson.

Ganito ba talaga ang mga estudyante sa University na ito? Aware naman akong mahirap magkolehiyo, pero hindi ako na-inform na kasama doon yung mahirap pakitunguan na kaklase.

"Ambagel ito, ikaw ang umayos oy! Di mo nga rin naiintindihan eh." Sagot ni Danica sa kaniya. Close sila dahil dati na sila magkaklase.

"Pucha! Di naman ako kasing genius niya." sagot nito tapos ay dinuuro ako. Bakit ako? Ano ginagawa ko?

Biglang kumulog ng malakas kaya may mga sumigaw sa klase, kasabay ng galit ng langit ay ang pagkaasar na nabubuo sa akin.

"Hindi mo ako kailangang iduro, hindi ako katalinuhan. Sadyang tamad ka lang." sabi ko tapos nilisan ang pwesto ko't bumalik sa upuan ko. Nagsi-ayusan na ng upan dahil nagpaalam na rin si Sir. Pasensya siya, hindi ako pasensyosa, maikli pasensya ko.

Nakakainis!

Nakakaasar!

Hindi naman niya kailangang gawin yun eh.

_

Laking pasasalamat ko dahil hindi bumuhos ang malakas na ulan kanina. Wala pang alas tres ng hapon pero mukhang mag-aalas singko na dahil sa makulimlim na langit, nagbabadyang ano mang minuto ngayon ay uulan na.  Binilisan ko pa ang paglakad, madami rin kasing tao ngayon dito sa terminal, may mga kapwa estudyante na kagaya kong pauwi rin siguro ngayon sa probinsya nila, mga mga kararating lang na marahil ay turista na sinasabayan pa ng mga nagbebenta na palakad-lakad.

Buti nalang nakasakay na ako ng bus, saktong pag-upo ko sa tapat ng bintana ay biglang bumuhos ang ulan sa labas. 2:50 pm yan yung oras nang matama ko ang tingin ko sa digital clock sa harap.

Sampung minuto nalang aalis na.

Nagtext na ako sa papa ko na hintayin na niya ako sa crossing sa Binalonan hanggang 5pm bago makauwi sa Tayug. Nasa bahay kasi siya ng lola ko ngayon sa Manaoag.

Obviously, taga Pangasinan ako, at nandito ako sa Baguio nag-aaral ng MedTech. After MedTech plano kong magderetsyo ng Medicine proper. Pangarap ko kasin maging Pediatrician, mahilig kasi ako sa bata.

"Yyella."

"Uhm?"  agad akong napabalikwas nang marinig ko ang pangalan ko.

May biglang umupo sa tabing upuan, si Zivriel.

"Ang lakas ng ulan." mungkahi niya.

"Kaya nga."

"Di mo sanibi na uuwi ka ngayon, ehdi sumabay sana ako sayo kanina. Ehdi di sana ako nabasa." pinagpag niya ang ulo niya sa aisle na basa sa tubig ulan.

"Nagtanong ka ba? Isa pa, taga saan ba pala?"

"Pugo. Pwede naman na sabihin mo lang."

"Malay kong may paki ka pala sa pag-uwi ko. Isa pa ang sosyal mo naman, Pugo lang pala eh, may ordinary bus naman ah" La Union lang naman kasi, kalapit lapit eh.

"Umuulan eh, sorry naman daw." aniya sabay ngiti.

"Rich kid be like."

May kasabay na malakas na hangin ang ulan sa labas, kung sabagay, tag-ulan na rin naman kasi talaga kaya di na kataka-taka.

Naputol ang pag-uusap namin ng umandar na ang bus. Di siya tumutol sa richkid na sinabi ko, so for sure, rich kid nga siya.  At last aalis na, excited na kasi akong umuwi. Dalawang linggo rin akong wala sa bahay, nakakamiss din, mag-isa ko kasi sa boarding house, wala rin akong choice kundi pagtiisan ang luto dito, wala pa kasi akong masyadong gamit dito kaya di ako makapagluto.

Traffic dito sa Marcos Highway kapag ganitong oras, nasabayan pa ng ulan kaya halos di umuusad ang sasakyan. Tahimik kong pinapanuod ang buhos ng ulan at mga di gumagalaw na sasakyan sa labas habang naglalaro naman ng piano tiles ang katabi ko.

"San po kayo?"

"Kuya, Binalonan po, estudyante."

"Sa Pugo po, estudyante rin."

Nang maiabot sa amin yung ticket ay nagpatuloy pa si kuya sa likod.

"Pero seryoso nga Yyella, wala ka pa talaga nagiging boyfriend?" tanong sa akin ng katabi ko. Hanggang nagyon parin ba, nagdududa siyang hindi pa ako nagkakaboyfriend? Napunta kasi sa ganyang usapan ang usapan naming tatlo nila Nicco noong gumagawa kami ng poster last week pa.

"Wala pa nga po." sagot ko ang kulit naman nito. Eh ano naman kasi kung di di pa ako nagkakaboyfriend?

"Pano pag may nanligaw sayo dito?"

Ililigaw lang ako nun for sure, ayokong maligaw ng landas.

Kunot noo ko siyang nilingon. "Alam mo po kuya Zivriel, pag-aaral ang pinunta ko dito sa Baguio, hindi magpaligaw, kaya kung meron man, bahala sila sa buhay nila."

"Naks, study first nga." opo, study first, kaya kung modus operande mo ang manlandi, back off kuya.

"Ayokong maging failure ng mga magulang ko. Tatapusin ko muna pag-aaral ko."

"Sus! Pano kung one day, hindi ka pa tapos sa pag-aaral mo, pero nanjan na si the one." pagpupumilit niya. Konti nalang, iisipin ko ng crush ako nito si Zivriel.

"Chaka nalang. Pero sa ngayon, ayoko muna."

"Wag muna magsalita ng patapos ate. Pero tama ka naman study first, para sa future mo,- natin."

Nanlaki yung mata ko, pero syempre di pahalata, anong ibig niyang sabihin? Bago pa ako makapagsalita biglang sumulpot si kuyang kondoktor sa gilid. Wala sa katinuang iniabot ko ang bayad ko sa kaniya.

"Ading yung bayad niyo."

"Ito po kuya oh."

Ano raw? Biro lang naman ni Zivriel marahil pero kinilabutan ako sa kaniya. Buong biyahe na hindi na namin pinag-usapan yung bagay na yun, ayoko namang magtanong kung may ibang ibig sabihin itong mokong na ito dahil baka magmukha lang akong aasuming. Ang dami niya ring tanong, tapos bago siya bumababa ng bus, nagconclusion pa siya na ang dami pala naming similarities, like mahilig sa aso, bata, isama mo na na pareho kaming gustong maging doctor at marami pang iba.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon