25

16 1 5
                                    

Gaya ng sabi niya, hindi ko nga hinubad sa kamay ko yung rosary bracelet niya. Kagigising ko lang at una ko itong tinignan. Ang sarap pang humilata at magbalot ng kumot kaso mataas na ang araw sa bintana ng kwarto ko. Ang lamig eh, may mahinang  ulan na naman kasi kaninang madaling araw.

Inuna kong inabot ang cellphone ko sa paanan ko para magtext kay mama na uuwi na ako ng probinsya bukas, ngayon sana kaso tunawag si ate Elaine, pinsan kong taga-Laguna na papasyal  sila ngayon dito sa Baguio, birthday niya kasi.  Sunod inopen ko ang kadalasang conversation na inoopen ko, sobrang aga naman nito magising.

At dahil OC ang lolo sa oras ng pagkain, bumangon na raw ako at kumain kung ayaw ko raw na bigla na lang siyang lumitaw rito at ipagluto pa ako. Binilinan pa ako na picturan ko raw pagkain ko at isend sa kaniya sa messenger bilang proweba na kumain nga ako. Walang tiwala!

Gutom na rin naman na ako kaya bumangon nalang ako at nagluto ng makakain. Gising na rin ang mga boardmates ko dito. Kaniya kaniyang gayak sila kasi may mga lakad din, ang dalawa ay may pasok pa.

"Kelan uwi mo?" Tanong sa akin ng isa kong boardmate na kasabay kong nagluluto ngayon. Fried rice at egg lang, ok na. 

"Bukas pa po ate." Sagot ko.  3rd year college na siya ng Agriculture sa BSU. At ang bango ng adobong niluluto niya. Nagkwentuhan kami hanggang sa pagkain, agad naman ako nagsend ng picture sa boss ko bago ko binawasan ang akin.

Matapos kong maghugas, pumasok ulit ako ng kwarto ko at nagsimula ng magligpit ng mga gamit. May ibang mga gamit akong iuuwi. Isa pa, may mga kailangan na rin akong itabi tilad ng mga unnecessary na papers ko sa school, para mabawasan ang abubut ko rito.

Nang makapglinis ay naligo na rin ako, wala pa naman akong pupuntahan kaya nanatili nalang muna ako rito sa boarding house. Mamayang hapon pa kasi sila ate Elaine sa Baguio kasama sina tito at tita. Magkapatid pala ang mama ko at mama niya na pawang lumaki sa Tayug kaya naman tinawagan ako ni mama kanina na sumabay na raw ako sa kanila pauwi, dahil uuwi rin lamang sila sa  tayug bukas para magbakasyon.

Samantala, sinundo si Ziv ng kaiyang mga magulang kanina, nagtext pa nga ito at inaaya akong sumabay sa kanila na kumain ng tanghalian sa labas, gusto raw kasi ako makilla ng mama niya.. Agad ko naman itong tinanggihan, nahiya rin naman daw ako ah, sinabi ko nalang na kailangan ko pang mag-ayos ng mga gamit ko dito sa boarding house.

"Ate Elaine!" Bungad kong pagbati. Sinalubong ni IVy, nakababatang kapatid niya habang nasa kotse naman kumamakaway sina tito at tita. Niyakap ko agad si ate Elaine, halos tatlong taon ko na rin siya di nakikita magbuhat lumipat sila sa Laguna noong magkokolehiyo na siya. "I miss you." mungkahi ko.

"Namiss din kita. Dalaga ka na eh." ika niya nang humiwalay na kami sa isa't isa mula sa pagkakayakap.

"Ikaw nga jan 19 na eh. Happy Birthday pala." pagbati ko sabay abot ng cake na binili ko kanina. Natuwa naman siya.

Sunod namang yumakap si Ivy. "Abah ang isang ito tumangkad pa lalo." kumento ko. Halos abutin na niya ako eh limang taon ang tanda ko sa kaniya.  

Nang pumasok na kami sa kotse, nagkamustahan kami habang nagmamaneho na si tito. Sa Fok n' Dagger daw kami kakain sa Camp John Hay sabi nila. Nadiskubre raw iyon ni tita sa facebook. Sa hotel naman magpapalipas ng gabi kasama ako. Mamamasyal lang ng konti bukas at dadaanan ang gamit ko sa boarding house bago uuwi. 

Habang nasa byahe katext ko naman si Ziv. Sobrang kulit nito at hindi na naawat sa pagpapaalala na kumain ako on time at marami raw dapat akong kainin. Hindi raw pala natuloy ang uwi nila kanina, ipinagpaliban daw ito ng mama niya at sinabing bukas nalang sila bbyahe.

Nang hindi ko ito nareplyan agad, nakatanggap ako ng limang text.

  Yvella!

bat di ka na naman nagrereply? 

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon