9

5 1 0
                                    

"Plagiarism." ani ko kay Zivriel. Binato ko pa siya ng Ballpen pero nasalo niya lang ito. Nakakainis!

Nahuli ko kasi siya, hiniram ko ang phone niya at hindi inaasahang naka-unlock na ito at nasa isang album na panay mukha ko ang laman kasama ng litrato rin ng isang bata. Ang tuknenng, nangmahuli niya ako, biglang inagaw ang phone niya. Kagabi pa siya eh.

"Anong Plagiarism ka jan?" sagot niya sa akin habang tumatawa. Tukneneng na bakla ito, ito na naman siya sa kabaklahan niya.

"Wala kang copy right!"

"Yyella. Di ba nga kasi, anything you upload in the internet is not only yours now the moment na ini-upload mo." pangangatwiran niya sa akin.

Asar talaga itong lalaking ito. Wala siyang ibang ginawa kundi kontrahin at inisin ako. Muli niyang inopen ang cellphone niya at ngumiti chaka tumingin sa akin ng nakakaloko. Malamang ay ini-unlock na naman niya ang PhotoVolt ng Iphone niya at binuksan ang litrato doon at hadang ipakita ulit sa akin.

"I-delete mo nga kasi yan! Delete pleaseeeee." pagsusumamamo ko, nagbabakasakaling burahin nga niya ito kahit malabong mangyari.

Hindi siya sumagot bagkus ay tinignan lang ako. Naloloko na talaga ito, kung anong meron sa mga litrato ko at sinisave niya. Hindi ako natutuwa, lalo na't meron doon yung isanh litrato ko na nakaswimsuit noong nasa beach kami. Kung paano niya nakuha?, sa FB. Kamanyakan ng baklang ito, inggit na naman siya kasi sexy ako. Pero nga kasi! Kamanyakan! Wag na sana pati iyon, ano yun pinagnanasahan niya iyong litrato ko? My ghaddd no!!

"It's already mine. Sorry." sa wakas nagsalita na pero wala parin talaga.

"Kakasuhan kita ng pagnanakaw ng hindi mo property. Plagiarism yan Zivriel. Plagiarism." pagmamaktol ko.

"Plagiarism your face Yyella. Hindi ko kaya sinave, hindi ko kinopya. Screenshot iyon." dipensa nito sa mga paratang ko. Naiinis ako. Naiinis talaga ako. Basta naiinis ako.

"But still! You duplicated the pictures!"

"You own the original, but I made my own copy from it."

"Kaya nga plagiarism diba! Di naman kita pinahintulutan na gumawa ka ng sariling kopya mo ng pictures ko."

Nagsimula ang pagtatalo sa Facebook. Kagabi kasi, ikonomento niya sa isang post ang pangalan ko. Ang post ay isang litrato ng babae na nakasnapshot ng aso at tekstong nakalagay na "Tag mo yung kilala mong pinaka maganda aso."

Kasama kasi ng pangalan ko sa comment ay ang litrato kong na may filter ng aso sa snapchat, noong isang buwan pa yata yun noon nung pinost ko. At nagulat ako na meron siyang kopya.

Ngayon mabilisan niyang ipinasilip ang lamang ng photovolt, ang iba rito ay litrato ng pamangkin niyang si Hachiko. Subalit karamihan dito ay litrato ko. Hindi ko alam kung bakit pero bilang ko hindi lang yata iyon sampo.

Aagawin ko sana phone niya pero napindot niya na pala ang home bago ko ito makuha, kaya hindi ko rin lamang mabura. Hindi ko alam ang passcode ng volt, kaya sinubukan ko pa ang password ng phone niya na 7777 pero hindi rin. Dengwang tao ito.

Tinignan ko siya ng masama pero nginitian lamang ako nito.

"I have my copy right Yyella. I own it now kaya di ko idedelete."

Nagwalk out ako sa harap niya. Uwian na rin kasi, at iilan nalang kami dito sa classroom. Nauna na ring umuwi ang dalawa, nagpaiwan pa ako kasi nakikipagtalo ako sa bisugong bakla na iyon.

Bahala siya sa buhay niya, hindi ko siya papansinin.

Hindi parin mawaglit sa isip ko yang krung krung na Zivriel na yan. Hindi talaga kasi ako natutuwa sa pagssave niya ng mga litrato ko. For what? bakit crush niya ako? Pero hindi ako na-o overwhelm sa ginagawa niya. Hindi ako natutuwa talaga.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon