10

11 1 3
                                    


Monday ngayon, second week na ng 2nd Semester  namin. At dahil ginaganahan akong pumasok, ang aga ko rin pumasok. Lima palang kami dito sa room.

Nakadungaw ako sa bintana habang minamasdan ang kabuuan ng Baguio. Sa tapat ng room namin matatanaw mo yung public market.

Ang lamig din ng hangin na humplos sa mukha ko galing labas.

Narinig kong bumukas yung pintuan kaya lumingon ako, si Zivriel lang pala kaya tumingin ulit ako sa labas ng bibtana, hinihintay ko kasi si Jacky.

"Yyella." tawag ni Nicco sa akin.

"Kayo na ba?" biglang tanong niya sabay turo kay Zivriel.

Huh? Ano raw?

"Anong kami na?" balik kong tanong.

"Ang ganda ng ngiti ni Zivriel. Kayo na? Sinagot mo na siya?" aniya habang ngiting ngiti. Tinignan ko naman si Zivriel at nakatingin lang sakin, nagpipigil ngiti.

"Ay oh! May something sa inyo??" biglang singit ni Pauline sa usapan.

"Wala naman." sagot ko sa kaniya.

Ewan ko ba kasi kay Nicco, lagi niya kaming inaasar ni Zivriel. Eh sa huling tanda ko wala namang malisya sa amin ni Zivriel. Maliban lang sa lagi niya akong kinukulit.

"kayo ba?"

"Hindi nga." si Zivriel ang tinanong niya pero nauna akong sumagot ng hindi.

Nakakaasar ka Nicco.

Pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay yung mga issue issue na ganyan. Pakiramdam ko tuloy namumula na ako.

"Ay shocks talaga Yyella at Zivriel, may hindi kayo sinasabi."

Namumuro na mga tao rito kasasabi ng kami na ni Zivriel ah. Tanda ko nung byarnes last week, si Jericho naman nagsigaw niyan, Habang naglalakad kami pauwi na. Sabi kasi nila ni Kevin, ihahatid nila kami nila Francine at Jacky, magkakalapit lang rin kasi mga dorm nung dalawa sa boarding house.

"Tapos na ang isang linggo ng 2nd sem. Sana huling linggo na next week para bakasyon na. " ani ni Kevin habang pababa kami ng hagdan sa isang building na punasukan namin para maka-shortcut ng daan papuntang terminal ng La Trinidad.

Hindi taga- La Trinidad ang dalawa sadyang gusto lang raw nilang maglakwatsa muna, hindi naman kaso ang late na pag-uwi sa kanila dahil mga lalaki naman sila.

"Ay kagrabe mo naman Kevin. Kasisimula palang ng pasukan eh, bakasyon na agad gusto." sagot naman ni Jacky sa kaniya.

"Kaya nga. Hindi mo ba kami namiss? At gusto mong bakasyon na ulti.?" pagsang-ayon ko naman sa tinuran ni Jacky, ako kasi maliban sa namiss ko yung klase kahit naiinis ako sa kaingayan eh namiss ko rin mag-aral.

"Eh si Reyes? Namiss mo siya.?" gatong sa akin ni Jericho. Ano raw?  Binatukan ko agad ang loko. Nag second sem lang nag Nicco II na rin siya.

Hindi ko alam kung bakit pero lagi ako inaasar ni Nicco kay Zivriel at ganun rin ang pang-aasar niya kay Zivriel sa akin.

"Anong meron kay Reyes?" tanong ni Francine. Nakarinig ang ate, nasa likuran kasi namin sila ni Kevin, nagsasapakan kanina. Nang-aasar kasi si Kevin na tumaba raw si Francines.

"Ano na namang kinalaman ni Zivriel dito?" depensa ko.

"Kayo na." Sigaw niya sakin sakin. "Diba kayo na?"

"Sabi na eh. Kaya pala ang sweet niyo nung last day nung last sem." ani ni Francine.

Nung last day ng sem, ang totoo niyan hindi kami sweet, inaaway ko siya dahil winala niya yung ballpen kong cute. Itim iyon na ballpen na nakakorteng balloon yung takip nito. Hiniram niya kasi ng umaga nun tapos pagbalik niya ng classroom kinahapunan sabi niya nawala niya raw. Hindi ko siya pinapansin kaya kung ano ano pinaggagagawa niya para pansinin ko siya, kung ano-anong ,memes ang pinapakita niya sa akin.

"Anong sweet doon? Nag-aaway kami noon noh." pagtatapat ko.

"Ang sweet niyo kaya eh, bagay kaya kayo." sagot ni Francine sa akin. "Meron pa nga noon inaayos niya buhok mo."

"Sabi kasi sa inyo eh. Sila na." singit ni Jericho kaya hinila ko buhok niya.

"Ikaw kuya, wrong information yang kinakalat mo."

"Masakit yun ah. Isumbong kita kay Reyes eh."

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon