4

14 2 0
                                    

Lunes ngayon at nagpalate ako ng labas sa boarding ng limang minuto lamang, may program kasi sa school kaya irregular class naman. Ngayon, nagsisisi ako na nagpalate pa. Mag-iisang oras na naipit ang jeep na nasakyan ko sa traffic.

Meron kasing tinatawag na freshmen day sa school, may mga activities at program ngayong araw. Tinext ko sina Ennovy at Lasalethe na malelate ako ng pasok dahil traffic.

Ngayon ko lang nakita kung gaano ka-traffic ang Baguio City pag ganitong oras tuwing may pasok. Sa La Trinidad pa kasi ang boarding house ko kaya may kalayuan. Kasalukuyang nandito palang ako sa Lower Magsaysay, maglalakad pa ako mamaya hanggang school proper, at kailangan pang umakyat sa 6th floor ng building kung saan ang classroom namin para sa checking ng attendance. Walang Elivator, sira.

Nasa 4th floor na ako nang makasalubong ko yung ibang boys na kaklase ko pababa ng hagdan.

"Punta na ba ng gym?" hingal kong tanong.  Lahat kasi paakyat, puro hagdan, mula sa babaan sa Center Mall hanggang sa dito sa school.

"Oo, pero sa room muna, magchecheck ng attendance." si Zivriel ang sumagot, habang abala ang iba sa pinag-uusapan nila at walang balak na pansinin ang tanong ko.

"As in?"

"Oo nga --"

Di na ako sumagot bagkus ay ipinagpatuloy ko na ang pag-akyat sa hagdan.

Nang makarating ako sa tapat ng room namin, nagsisilabasan na sila.

"Sino nagchecheck ng attendance?" tanong ko kay Lasalethe.

"Si Francine, sa gym na daw. Hay nako Yyella, kapapasok mo palang haggard ka na."

"Anooo?" Hindi ko pinansin yung panghuli niyang sinabi, bwiset na Zivriel yun ah! Ang gandang ihulog sa hagdan mula 6th floor hanggang basement! Kung bibilangin mo, anim na palapag tapos dagdagan mo ng apat na under ground pa. Bat hindi niya sinabi????!!!

"Nakasalubong mo ba yung mga boys? Sinabihan sila na sabihin sa mga makakasalubong nila na sa gym na ang checking ng attendance." sagot niya.

Sayang yung pagod at effort kong umakyat ng building. Sanabihan pala sila eh, napaka nun ah. Wala naman akong matandaanang kasalanan ko sa tukmol na yun para parusahan niya ako ng ganito. Ang hirap hirap kaya umakyat ng hagdan.

Kung late na ako, mas late pa si Ennovy. Nasa gymnasium na kami nung dumating siya. Binatukan ko pala ang mokong na si Zivriel tumatawa pa. Rason nito, hindi ko raw siya kasi pinatapos nung huli, oo nga naman, tiknakbuhan ko nga pala. Pero kahit na, bibiro biro pa kasi siya.

Nakikinig ako sa nagsasalita sa stage nang may kumalabit sa likod ko. Pagtingin ko, may dalawang tao.

Si Nicco na nakatingin sa stage at si Zivriel na nagcecellphone, pawa ko silang tinignan. Bago ko mabalik  ng tuluyan sa stage ang tingin ko nang may kumalabit na naman.

"Zivriel!"

"Oh bakit?" painosenteng tanong niya. Kunwari walang kaalam-alam. Ano bang trip nitong mokong na ito?

"Anong bakit? Kalabit ka ng kalabit. May kasalanan ka pa sakin ah." sagot ko.

"Anong kalabit ng kalabit ka jan? chaka anong kasalanan ko sayo?"

"Akala limot ko na yung kanina ah? Hindi no, pinagod mo pa akong umakyat sa 6th floor." sumbat ko. Chivalry is dead na talaga, nasaan ang pagiging gentleman niya sa ginawa niya sa akin? Tapos ngayon...

Ok. Yyella, inhale, exhale. Relax ok?

"Di mo kasi ako pinatapos magsalita kanina eh. Tapos di Hindi naman ako. Si Nicco yun." aniya sabay kamot ulo. Tapos ay sinilip ulit ang phone niya. Nagawa pa mag-open ng piano tiles.

"Oh? Bakit na naman ako ngay?" biglang singit ni Nicco. Nakita ko kung paano panlakihan ng mata ni Ziv si Nicco at kung paano naman kumurap kurap lang ang mata nito. 

"Aish!!" di ko nalang sila pinansin. Timingin nalang ulit ako sa may stage. Tapos na magsalita yung guest speaker nang may kumalabit ulit. Kasabay nun ang lintaya ng isa pang kaklas3 namin na lalaki na hindi ko pa rin alam ang pangalan " gago, tumigil nga kasi kayo, mamaya magalit yan."

"Zivriel!" sa pagkakataong ito, sinuntok ko na yung paa niya.

Napakamot siya ng ulo niya. Frustration. "Hindi naman ako yun! Si Nicco yun."

"Sino ba talaga kasi?" Frustrated na rin ako. Pinipilit kong magpaka-anghel dahil kalilipat ko lang na naman ng school pero prino-provoke nila ang kamalditahan ko.

"Si Nicco nga! Makaalis na nga lang, ako nalang lagi nasisisi." angil niya at tumayo at lumipat sa tabi ni Kevin nang tumawa si Nicco.

Tinignan ko siya ng masama. Siya ang salarin. Ngumiti siya aa akin, "Sorry na."

Leche!

The next morning, everything went back to normal.

Deadline namin ngayo  kay mam Perpecto ng Journal 2 namin at magq-quiz ng about sa last week's topic. Samantala, may performance task naman kami sa Filipino na reporting mamayang hapon. May Quiz rin kami sa Philosophy namin pagkatapos ng Life Science.

Grabe, ang daming requirments, sakit sa ulo.

Pagpasok ko ng room abala ang iba sa pagrurush na magsulat sa green padpaper para sa journal kabilang na si Lasalethe na kinukulit pa si Ennovy na pahiramin siya ng pen dahil naiwan niya ang ballpen niya.

Nasa masipag mood pa ako ngayon kaya tapos ko na yan. Ewan ko nalang ulit kung saan ako hahagilap ng kasipagan pag tapos na ang first quarter, tamad kasi akong estudyante.

"Lagi kang nagrrush ng requirments. Try doing everything ahead." lintaya ko kay Lasalethe. Ang totoo kasi niyan, mag-iisang buwan palang kami pero saksakan na siya ng katamaran. Sa katunayan, lagi siyang nakadepende sa amin ni Ennovy, madalas din siyang late. Ano ba yan!

"Eh kasi nga bebegirl! Nalimot ko eh." realtalk, pabebe pala siya. Oo kahit nagagalit ako, bebegirl ang tawag niya sa akin. Like what the fudgebar, pabebe po pakinggan oy.

Si Lasalethe ay isa lamang sa mga babae na nilamon ang sistema ng BTS at madalas kumakanta ng alien language, kanta daw iyon ng bias niyang si Tae Hyun ba yun? Ewan di ko kasi kilala.

Nilingon ko si Ennovy, ngumiti lamang siya kaya ngumiti lang tin ako. Si Ennovy ay babaeng wall flower kung maituturing. Di makabasag pinggan kung kumilos sa sobrang hinhin. Kung gaano kadaldal si Lasalethe ay ganun ito di masyadong umiimik. Kung tutuusin, ayoko sa mga kagaya niya, sobrang bait na madalas inaabuso ng karamihan.

Ganun pa man, mas gusto ko silang kasama, makikita rin kasi na hindi sila plastic tulad ng iba at karamihan. Hindi rin naman kasi ako social climber. Kaya hindi kaso kung ano ang estado sa buhay o hitsura ng nagiging kaibigan ko.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon