6

17 2 0
                                    

Naisuklay ko sa buhok ko ang kmaay ko dahil sa frustration. Doon ko naalala na hindi pa nga pala ako nagsusuklay. Buhol-buhol pa kasi buhok ko. Kamamadali ko kanina nakalimutan ko nagsuklay, nadulas pa ako sa jeep kanina dahil bigla umandar ang jeep at di pa alo nakaupo, hindi rin makahawak dahil ang dami kong bitbit. Ni di pa ako kumain ng agahan.

6am palang paalis na ako kanina ng La Trinidad, buti nang maaga ako at dito sa school ko tapusin ang nira-rush kong project, deadline kasi ngayon at hindi pa ito natatapos. Tuesday ngayon at sa Thursday, prelim na namin. Wala pa akong narereview kagagawa ng mga project, marami kasing group kaya nauubos ang oras sa collaboration.

"Bat ikaw lang ang gumagawa niyan?"

Nag-angat ako ng tingin sa bagong dating na si Zivriel. Isa't kalahating oras ang aga ko sa pagpasok, nagbabakasakaling matapos ko ito. Buti  naman may kasama na rin ako.

"Aww!" napaso pa ako sa glue stick na hawak ko, wala kasi akong glue gun kaya umaasa ako sa kandila. Nagdidikit  designs sa ginagawa kong explosion box, ang version ko ng scraptbook.

Agad siyang nagmadali papunta sa akin, inabot niya ang kamay ko at inihipan. "Oh, ingat nga kasi."

Napapikit nalang ako, masakit yun ah. Natuluan ng glue stick yung gilid ng kamay ko. "Teka lang." sabi niya

Inilabas niya yung isang boteng tubig sa bag niya at isang band-aid. "Tanggalin ko na yung glue."

"Sige." sige pero aray ko po! Ang hapdi.

"Wala naman akong maasahan sa mga kagroup ko. "

Totoo yan! Wala akong mapiga sa kanila, as in. Kahit yata magalit ako, sasabihin nila wala silang masearch na infos para dito project.

Pero ayun, last minute kagabi, may nahanap ako, kinailangan ko pang basahan yung buong teksto tapos nasulat pa ng mga kailangan. At tinatapos ko na.

Gamit ang panyo niyang binasa niya ng konting alcohol, dinadampian niya pakonti-konti ang napasong balat ko kaya napapangiwi ako. Matapos ang ilang dampi ay binalot niya ito ng band-aid.

"Hay nako naman. Ayan na, mahapdi parin yan. Iyan ang hirap pag masyado kang mabait eh. Isumbong kaya kay mam." ani niya. May punto siya, ang akin lang kasi, ang hirap magtiwala, yung tipong ipagkakatiwala mo sa mga taong pabaya yung grade mo? Hindi ako grade concious pero ayokong maging failure sa mga magulang ko.

"Magsusumbong naman talaga ako." lintaya ko saka uling ipinagpatuloy ang pagsusulat. Sadyang ayoko kasi na naghihirap ako para sa project tapos pag pinasa ko sa iba, wala pa sa average ang kalalabasan, nakakapanghinayang lang sa loob.

"Dapat lang, iniwan ka nila sa ere eh." pinulot niya yung isnag side ng box na di ko pa nadikit.

Bigla nanan ulit bumukas ang pituan. Si Aiselis, maaga siya ngayon ah. Palagi siyang late sa klase. Ngumiti ako sa kaniya, nag-uusap din kami nun paminsan-minsan.

"Kasi nga diba, nagsipagsakay kami sa eroplano, tapos nung magtturbulance na, nagsipag parachute sila. Iniwan nila akong mag-isa sa erpolano." himutok ko kay Zivriel sa sinabi niya.

"Yan yung pangit pag mabait ka eh, lagi kang inaabuso." Nagsalita ang hindi mabait. Yung tipong taong hindi marunong humindi. Kahit magpabalik-balik pa siyang akyat baba ng building gagawin niya pag inuutusan nila siya.

Kung makapagsalita ito, kala mo di rin mabait. Huling tanda ko, ni minsan wala pa yata siyang sinabihan ng hindi. Laging oo, di naman tumatanggi.

Siya kasi, palibhasa kagroup sila Chandrea at Kaila. Kaya naman hindi siya nagproproblema, bukod sa masipag yung dalawa, organisado pa sila gumawa ng proyekto. Tapos maasahan mo talaga sila.

Hindi na ako umimik at tila ba hindi pa siya nakontento. "Isa pa, ikaw kasi yung tipong, lagi nalang si "ako"; ako na yan; oo nalan, ako na; mali yan, ako na"

Loko nito, sesermonan na naman ba ako? Hindi naman siya pari ah. Hindi na nga ako umimik, humirit pa. Tinignan ko siya ng masama. "sorry naman daw itay. Ikaw rin kaya sa posisyon ko."

"Matuto ka nga kasing tumanggi." ani niya at umupo sa harap ko. Inilapag niya yung side ng box. Naglabas siya ng guntin at kinuha yung isang construction paper.

Kung kagroup ko nalang kasi sana siya eh noh?

7:15 am na nang dumating si Yrrich. Isa sa mga kagrupo ko. Agad siyang pinagsabihan more like pinagalitan ni Zivriel nang magtanong ito kung tapos na yung scraptbook namin sa Filipino.

Pinagsabihan din ako nito ulit. Hinila niya ako, at pinaupo sa upuan ko. Hayaan ko raw si Yrrich na magtuloy na nung ginagawa ko sa lapag. Hayaan ko ras sila. Nang dumating si Ennovy ibinilin pa ako nito at sinabing babalik daw siya kaya wag matigas ulo ko.

Bossy ang tatay ko ngayon. Pero ganun pa man, bumalik ako sa doon kay Yrrich. Mas takot sakin si Ennovy. Kaya wala siyang magawa. Tinatapos ko na ang takip ng box habang abala si Yrrich sa pagsusulat.

"Hay nako po. Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng ito. "Napatingin ako sa Zivriel agad ng marinig ko ang boses niya sa likod ko.

Umiiling itong lumapit sa akin. "Kainin mo yan. Alam kong di ka pa kumakain. "

Inabot ko yung hawak niyang Vita Milk na may kasamang Tuna Sandwich, buti naman tuna, alam yata niyang may allergy ako sa chicken. Gutom na rin ako, kaya di na ako tumanggi "Thank you. Magkano ito?"

"Basta kainin mo na."

"Ay nag-sweet kayo met." Biglang sumingit sa tabi si Nicco kasama si Chester. Pawang mga kagrupo ko na pabigat. Mga di mautusan.

"Oy! Tumulong nga rin kayo dito. Di niyo tinutulungan si Yyella, tapos may grade kayo?" si Zivriel itong galit na galit eh di naman siya yung nadedehado.

Hinayaan ko siyang talakan yunb mga kasama ko, abala akong kumakain. Kung ganito palang may libreng sandwich at soya milk tuwing di ako magkakapagbreakfast ehdi araw-arawin ko na kaya? Kidding.

"Yyella ano pa gagawin? At nang di na kami pagalitan ng asawa mo."pabirong lintaya sa akin ni Chester.

"Asawa mukha mo. Wala na, di na kita isususlat sa list of names." sagot ko naman.

Aasarin na ba nila ako kay Zivriel sa lagay na yan?

____

(Literal na ginamit ko yung ginawa kong explosion box na project, sorry for it is being sooo girly>_<)

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon