20

6 1 0
                                    

Seryoso ako Yella NASAN KA?

Hindi ko mapigilang ngumiti sa text message na natanggap ko. Iniisip ko kung anong hitsura na naman ng taong ito ngayo'y tinataguan ko siya at pinaghahanap kung nasan ako.

Ziv hindi ko talaga alam

Ewan ko, Ziv ang dilim T_T

Ilang araw nalang finals na namin. Submittion of final manuscript namin ngayon sa Research namin kaya abala ang lahat, sa kabilang banda, tapos na ang grupo ko at ang grupong kinabibilangan ni Ziv. Hinihintay lang namin ang ibang ka-klase namin na kasama naming gagawa pa ng project sa Personal Development.

Kaming dalawa lang ang magkasama at napagdesisyonan namin kaninang bumili ng ice cream sa foodcourt chaka ulit kami umakyat ng building. Ang kaso, nang makabalik kami ng floor, kinausap siya nila Nicco at akong si loko, pumasok ako sa isang bakanteng room at isinara ang pinto.

Ang usapan kasi namin, dito kami didiretsyo sa A611 dahil bakante ito, walang nagkklase. Nalimot niya yata iyon kaya nagpunta ako rito ng mag-isa.

Higit dalawang buwan din ang pakikipagtuos ko sa lalaking iyon, kung tutuusin hanggang ngayon. Lahat ng kalokohang alam ko, ginagawa ko, magkusa lang siyang lumayo. Dahil walang silbi ang paulit-ulit na pagsampal ko sa kaniya ng katanggang "ayaw ko sa kaniya".

Pati mga kaibigan ko nakumbinsi na niya, si Francine, minsan wala sa usapan, bigla-bigla nalang nitong sinasabi, "Iyang si Zyvriel, mahal na mahal ka niyan."

Hindi ko alam kung anong pinakain niya sa kanila at bigla silang nagkaganyan.

Seryoso raw siya sa sinabi niyang liligawan niya ako. Ang ganda ngang biro eh diba? Sinong maniniwala? Kung tutuusin laging babae ang kasama niya, maliban pa kay Fatrisha niya. Kung makakilos sila, sobrang sweet nila, tapos bigla nalang siyang magsasabi na gusto niya ako?

Isa! Hindi ako nakikipagbiruan sayo,
nasan ka, bumaba na akong foodcourt
pero wala ka. Hindi ko alam kung
Saan ka hahanapin!! -_-

Yella!!!!!! Malapit na matapos sila Jacky!

Nasan ka!!!!!!?????!

Ziv! Hindi ko alam!

May humila sa akin, ang dilim dito


Iniinis ko lang na naman siya, jan naman ako magaling eh. Pilit ko parin siyang itinutulak palayo kahit bigo na ako sa loob ng dalawang buwan. Ang bilis ng araw, parang kelan lang nung nakikipag debate talaga ako lagi sa kaniya, ang hangin niya eh, ang yabang pa. Ngayon sawa na ako. Sawa na rin sa kaniya.

Mamaya pa biglang bumukas pintuan, akala ko siya na, pero hindi pala. Si Kit pala. Ngiting-ngiti ito nang makita ako. Kinumpas ko naman sa bunganga kong i-zipper niya ang bunganga niya at wag sasabihin na nandito ako.

Hindi ko alam kung naghahanap talaga si Ziv o sabi niya lang.

Ikaw babae ka, nakakarami ka na ah.

Ziv! Hindi ko talaga alam.

Ang dilim. Wala pa ako makita na iba dito.

I

kaw wag mo nga akong tinatakot,
Lumabas ka na, ISA!

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon