15

6 0 0
                                    

Tatlong araw nalang exam na naman namin. At magbuhat nang huling pagtatalo namin ni Ziv, di na kami masyadong nag-usap. Naging madalang na rin na magkausap kami sa chat di tulad noong 1st sem na kung tutuusin noon ay halos araw-arawin naming magkausap sa chat.

Nakakapanibago.

Kung hindi mali ang aking bilang, ikatlong linggo na yata ngayon. Palaging si Jacky at Francine kasama ko. Minsan rin ay si Zysia ang kasama ko, kaklase ko rin na ngayon ko lang nakaclose. Malimit si Ziv at Fat ang nakikita kong magkasama.

Minsan napapa-iling nalang ako. May pumalit na sa pwesto ko. Ako noon yun, yung lagi niyang kausap, kinukulit. Hindi na ako yung kaibigan niya, nawalan na naman ako ng kaibigan. Pakiramdam ko nga hindi lang sila magkaibigan, mukhang nagkakagustuhan narin atah sila.

Nabalik ako sa wisyo nang marinig kong may nabasag at tili sa labas. Agad akong lumabas ng kwarto ko.

"Ate, ok ka lang?" tanong ko sa kasama kong dito sa bahay na nadatnan kong namumulot ng piraso ng basag na tasa. 3rd year college na siya sa school din namin.

"shocks! Oo ading, nabitawan ko lang yung cup." sagot niya sa akin. Kakaming dalawa kasi, umuwi yung isang kasama namin dahil walang pasok sa school nila bukas, byarnes.

Lumapit ako para tulungan siya pero sumenyas siyang wag na."Malapit na exam niyo, magreview ka na. Ako na dito." aniya.

"Sige po." bumalik na ako sa kwarto ko.

Nadatnan ko ulit yung phone ko na naka-ilaw pa. Hindi ko pa pala na-exit yung meseenger. Nasa taas parin at nangunguna parin ang dalawang litrato sa "my day" ng messenger.

Kina Zivriel at Fatrisha. Kapwa screenshots na magkavideo call sila. Kahapon pa ito subalit ngayon ko lang nakita, ilang minuto na lamang rin ay mag-eexpire na ang mga ito. Kaya pala di na ako pinapansin, busy na pala siya.

Biglang napalitan ang litratong lumilitaw doon sa pangalan ni Fatrisha.

Dahil sa aking kyuryosidad binuksan ko ito.

May nakalagay na "with Bes!"

Magkasama sila, nasa SM sila ngayon. Laman ng litrato ay si Zivriel, naglalaro ng basketball sa Quantum.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon