12

14 1 2
                                    

"Sino pwede bumaba? Wala tayong Gumamela stem." tanong ko sa mga ka-group ko. Ngayon ko lang kasi napansin na kulang kami ng isang material para sa experiment namin ngayon.

Tulad nga ng inaasahan, ako ang pinuno sa grupong ito.

"Uy. Bababa raw." siko ni Chester kay Kit.

"Bakit ako? Fatrisha kuha ka ng gumamela stem." baling naman ni Kit kay Fatrisha na nakatutuk sa phone niya. Hindi pa yata aiya mamamansin kung hindi siya tinawag ni Kit.

"Uhm, kayo nalang tinatamad ako. " ani nito. Napabuntong hininga nalang ako. Last hope.

"Zivriel, please."

"Ano? Bakit ako.?" kamot niya ng ulo niya. Kung maari lang sana na hindi siya ang utusan ko eh. Lagi nalang siya yung nauutusan ko sa grupong ito. Dahil maliban sa kaniya wala na akong ibang mapakinabangan sa grupong ito.

Lalo na kay Fatrisha.

"Pakuha ng gumamela stem sa baba. Sa Mini Garden sa gillid ng Centenial Bld." Sabi ko sq kaniya, umaasang papayag siya.

"Psh. Lagi nalang ako, ikaw rin Kit."

"Please.. Ikaw lang inaasahan ko sa grupong ito." pagsusumamo ko sa kaniya.

"Yyella, di ko alam ang hutsura ng gumamela."

"Ziv please, di tayo makakaperform kasi kulang gagamitin natin." sagot ko. Napaka imposible na kasi ng dahilan niya na di niya alam ang gumamela.

"Seryoso nga ako, di ko alam ang hitsura ng gumamela." kamot nito sa ulo niya.

My gosh! People of this group! Napapoker face nalang ako.

"Fatrisha, samahan mo siya."

"Ikaw nalang. Tinatamad ako naglakad ng hagdan." sagot nito sa akin na ikinaiinit ng ulo ko.

Mula activity 1 hanggang ngayon hindi ko siya mautusan. Wala siyang ginagawa, hindi siya tumutulong, eh anong gusto niya?

Ay ayoko makipagtalo.

"Fine. Sumama ka para alam mo ang hitsura ng gumamela." Nagpaalam ako kay mam na may kukunin lang kami sa locker. Hindi ko sunabi yung gumamela dahil mapapagalitan lang kami.

Mula 7th floor, halos takbuhin na namin ang hagdan. Under maintainance kasi ang elevator kaya no choice. Halos liparin na rin ng mga estudyanteng nasasalubong namin ang hagdan. 8:10 na kasi, malamang late na sila.

"Yan ang gumamela." turo ko sa kaniya at kumuha ng tangkay nito. Mantakin mo, tanda tanda na eh, di niya alam.

"Alam ko tinatawanan mo ko, pero di ko nga kasi alam yung puno nito. Bulaklak lang ang alam ko." sanguni niya sa akin.

Tumawa nga ako, sino may sabing puno ang gumamela? "Halaman yan, timang ka talaga."

"Tara na nga lang, baka nagsimula na sila sa taas."

Hingal na hingal kaming nakabalik ng room. Pagdating namin, tapos na si mam na ipaliwanag ang gagawin sa experiment.

"Anong gagawin?" tanong ko sa tatlo na naiwan.

"Hindi alam, di ako nakinig eh." agad na sagot ni Fratrisha.

"Hindi ko nagets." lintaya naman ni Chester. Habang nagkibit balikat si Kit.

"Ay punyemes!" nasapo ko nalang ulo ko. Mga walang pakinabang.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon