21

6 0 0
                                    

You stupid! Eyes on the road.

Ang loko nagmamaneho pala pero nagagawang magreply sa text ko. Nandito kasi parents niya sa Baguio ngayon, mukhang siya yata pinagdrive. Sabi niya kasi kanina, punta muna siya ng SM kasama sina Mama at Papa niya bago niya i-memeet mga kagrupo niya.

Kakarating naman namin ng Bakakeng, magsshoot kami para sa music video namin sa Politics na subject namin. Sa town sana kami pero hindi kasi pinayagang lumabas ng bahay yung kaklase namin kaya dito nalang kami sa malapit sa kanila.

Wala eh eyes on you ako ☺️

Kumain ka ng lunch ah?
Nagloloko mga CCTV ko jan.
Walang nagrereply asar.

Hay nako. Ikakamatay mo
yang eyes on me na yan.

Hindi ako bata na kailangan
mong pabantayan Ziv.

Ibinaba ko muna ang cellphone ko dahil magddirect ako kung anong gagawin.

"Like this. From here maglalakad kayo hanggang doon, sobrang sweet ah?" sabi ko kina Kevin at Moira.  Hindi dapat si Kevin ang leading man pero punishment niya sa pagiging late at muntik na hindi pagsipot.

"Grabe naman yan!"angal ni Moira habang tumatawa. "My gosh Kevin! Magtino ka ah!"

"Oo naman bes! Para sa grade kaya natin ito."

"Ready na kayo?" tanong ni Camila sa kanila. Ready na lahat sila nalang, may dalawang camera na naka standby tapos yung mga maghahawak ng manila paper kung saan nakasulat ang script nila.

Malapit na naman ang final exam namin, at kung kelan naman mag-eexam na, sandamakmak na kung ano ano ang pinapaproject sa amin.

Bago pa kami magsimula at naramdaman kong nagvibrate cellphone ko kaya binuksan ko muna.

Yyella!!!!!!

Ayun lang yung message kaya di ko muna nireplyan, isa pa nagsignal na rin ang dalawa na ready na sila kaya nagsimula na kami.

Nasa malapit kami sa isang simbahan kung saan may maliit na garden. Tahimik rin kaya ok na, for at least wala unnecessary na sounds.

Naka apat take kami dahil laging natatawa si Moira, lalo na kapag magsasalita na si Kevin. Nung pangalawa natapilok pa si Kevin kaya lahat kami ay tumawa.

Nang matapos kami ay nilapitan ako ni Kit. Lagi ko palang kagrupo itong tukmol na ito ah.

"Replyan mo na, tinatadtad na ako. Pakisabi wala na akong load." ika niya habang ngiting ngiti.

Napabuntong hininga ako. "So kabilang ka nga sa MGA CCTV niya?"

"Si Kevin din naman." suplong pa niya. Nilingon ko si Kevin na nakahawak ng cellphone. Pati rin ba siya? "Ano na lagay ni Reyes sayo?"

Lagay? Gusto ko siyang ilagay sa kabaong kasama niyo.

"Ewan." sagot ko at iniwan ko na siya, sinundan ko yung iba na nagpunta sa lilim kung nasaan ang mga gamit namin. Hinugot ko rin ang cellphone ko sa bulsa ko.

Yyella!!!!!!

Yyella!!!!!!

Ohh!! Para ka na namang nawawalang
baka! May ginagawa ako.

Matgal nakong patay sayo 😁☺️😏

Kanina pa dapat yan, tagal mo
magreply eh.

Nagsshoot kami, remember?

Oo na, kumain ka na?

Napakunot nalang ako ng noo, napaka OC talaga nito. Wala pa ngang 11 eh, kulang nalang gusto yata niya minuminuto akong lumalamon.

Nasan ka na? Ano oras practice niyo?

Kararating ko lang Burnham,
Kung dito sana kasi kayo ehdi
puntahan muna kita. Si Jacky
at Nicco palang ang nandito.

Wala eh, layo nga dito.

Pagkasend ko ng reply ko nakatanggap naman ako ng text galing kay Jacky. Tinatanong niya kung ano raw ang isusuot ko sa defense namin ng research sa lunes. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung anong isusuot ko kaya ang reply ko....

Hindi ko alam pa sa akin.
ikaw ba? Pag ako tinopak magppanty
at bra nalang ako oh WAHAHAHHA

Pati ako napangiti sa reply ko. Habang naglalakad kami papuntang bahay nila Camila para maglunch.

"Ganda ng ngiti natin ah, sino yan? Si Reyes?"  natauhan ako nang sitahin ako ni Kevin. Lahat naman ng mga kasama pa namin nag-'ayiieee"

"Loka hindi ah. Si Jacky katext ko." depensa ko. Totoo naman ang reply ko kay Jack yung nginingitian ko.

"Pero katext mo si Reyes diba? Kinikilig ka eh." aniya habang tinutusok tusok tagiliran ko. Hindi naman ako nakikiliti. "Dedeny ka pa eh."

"Kulit! Hindi nga si Ziv. Si Jacky yun."

Hindi ko nalang pinansin pa ang mga pang-aasar nila. Nakatanggap ulit ako ng mensahe kay Zivriel.

Kung ano-anong tinetext mo kay Jacky!

😂😂😂😂😂

Hoy!!!

Haahahahahha oh bakit?!

Hindi mo ba alam yyng salitang
Privacy?????

Bt ka nagbabasa ng text ng may text!?

Baka iphone nag pop up?
D ko naman inopen kaya
d mo masasabing privacy un

Kainis ka talga! Hhaha

Wag ka nga kasi nanghihiram
ng phone nila, may phone ka naman

She insisted -.- pinahawk nya
saakin :3

K K K . Nevermind, wala kang
nabasa

hahahahah Di ko hiniram siya
nag pahawak at may pinatwagan

Oo na nga, pero wala kang
nabasa diba??? 😊😊😊

Haahhaah bukod sa panty at bra 😂

Bastos toh! Wala ka nga kasing
nabasa diba? Hahahah

Ahahahah " pag ako tinopak panty
at bra nalang 😂😂😂😂

Sige, magpanty at bra ka

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon