8

13 0 1
                                    

Prelims na namin ngayon sa first sem. Last day. Hindi ako nagreview ng maayos at natulog talaga ako ng maaga kagabi. Nakakatamad din kasi magreview ng magreview tapos di rin lamang lalabas lahat ng nireview mo sa exam.

"Naks! Ang aga natin ah." pabiro sa akin ni Kit. Ayos din siya eh, nakaharap sa laptop at naglalaro ng kung anong laro na di ko alam imbes na magreview, mas malala sakin ito eh.

"Eh ikaw rin kaya.'' sagot ko. Siguro kanina pa siya dito sa room. Kung tutuusin nga, ang creepy pa sa hallway ng building. Ang tahimik tapos wala kang ibang makikitang tao.

Dumiretsyo ako sa upuan ko. Wala pa si Ennovy at Lasalethe, kung sabagay, lagpas isang oras ang aga ko ngayon. Tatatlo palang kami dito aa room. Magrereview nalang muna ako, tutal di ko pa talaga nareview yung Filipino namin. First subject na i-eexam sa last 3 subjects.

Pagbukas ko ng notes ko, napahikab ako. Inaantok na naman ako kahit walong oras na akong tulog kagabi. Inilabas ko nalang ang  cellphone ko, maglalaro nalang ako ng Brain Dots, pampalipas oras, di na pala ako magrereview.

Lumipas ang tatlo g na madugong oras. 1Hour and 30minutes kasi per subject ang exam namin. Maski hulog siguro ng karayum maririnig mo kanina, ang tahimik eh, sana ganun lagi.

Break time. Bumili na ako ng makakain kanina, Vita Milk at Banana bread, tinatamad akong mag-akyat baba sa hagdan. Sira na naman kasi ang elivator.

"Yyella." di mabasa ang mukha ni Lasalethe na lumapit sa akin tapos niyakap ako, "yung Philosophy ko Yyella, wala akong nasagot."

"Ha? Eh nireview na kita kahapon ah." tugon ko, maski ako rin naman ay walang naiintindiha  doon pero may nasagot parin maman ako sa exam kanina. P.E nalang, last.

"Eh di ko talaga naiintindihan eh. "

"Halika na, bili na tayo ng makakain, ikain mo nalang yan." pag-aya ni Ennovy. "Maski ako rin naman hindi ko nasagutan lahat, masakit sa ulo yung tanong lalo na sa defend mo yung sagot sa essay."

"Kayo nalang, nakabili na ako kannina. Tinatamad din ako bumama." sagot ko.

"Ay nako bbgirl, halika na."

Sumenyas akong ayaw ko. "Lumayas na kayo at bumili ng makakain. Dali layas"

"Ay grabe siya."sabi ni Lasalethe habang tumatawa naman si Ennovy.

Kumakain na silang bumalik dito sa room. Magrereview raw sila sa P.E. Ako tinatamad eh, kaya naman inatupag ko nalang ang paglalaro ng games sa phone ko. Sisiw lang yan.

Di nagtagal ay naramdaman kong may humawi sa buhok ko. Paglingon ko ay nasa likod ko si Ziv. "Nilalaro mo?"

"Brain Dots."

"Pahiram ng buhok mo." kinumpol niya ang lahat ng buhok ko at sinusuklay gamit ang kamay niya.

"Huh? Anong gagawin mo? Magreview ka kaya." mungkahi ko. Pero hindi ako nito pinansin. Nagpatuloy siya sa ginagawa niya, huli ay tumayo siya at nagtingo kay Trish, sinusundan ko lang siya ng tingin. Humingi siya ng elastic bands.

"Mag-aaral akong magbraid ng buhok. Chaka nakareview na ako. " sagot niya pagbalik niya rito sa pwesto ko.

"Nababakla ka na Ziv? Mag-aaral magbraid ng buhok ka jan." napakunot noo ako sa sinabi niya. Anong nakain ng lalaking ito ngayon? "Dadagdagan mo na yung kabaklahan mo sa multo? "

Noong nasa Tayug pa ako yung kaklase kong nahilig sa pag-aayos ng buhok ay bakla, nababakla nga talaga kaya itong lalakong ito? Pero kahit papaano, nacucutan ako rito kay Zivriel. Bibihira ang lalaki na willing gumawa ng girl stuffs, hindi sila bakla sadyang gusto lang siguro nila. Lalo na yung may mga girlfriends. May nililigawan kaya ito, kaya ganito?

"Hindi ako bakla. Talikod ka nalang sakin." muli niyang hinawi ang buhok ko.  Bahala siya jan, ang kaso nga kang baka antukin ako mamaya nito.

Ewan ko kung mababaklahan ako sa kaniya o ma-cucutan ako eh. Simula't sapul kasi, gustong gusto kong nakakakita ng lalaki na marunong mag-ayos ng buhok ng babae, kayang lagyan ng make-up yung girlfriend at maski kahit mag-apply ng nail polish. Pero hindi ko talaga lubos inakala na si Ziv talaga ay may interes na mag-ayos ng buhok ng babae.

"Ay ang sweet niyong tignan." ika ni Francine.

"Sweet ka jan, nababakla na si Ziv eh." sagot ko. Nakoo, kung malaman ko lang talaga, baka nga bakla talaga itong unico hijo ng nanay niya.

"Hindi ako bakla oy!" pagtatangol naman niya sa sarili niya. Base sa mga kumpas ng kamay niyam fishtail ang ginagawa niya. Biruin mo, marunong siya nun? Eh ako nga hirap ako gumawa nun eh, hindi matino gawa ko.

"eh kaya nga Yyella, ang cute niyo nga eh. Kayo ba?"

Kinabahan ako sa sinabi ni Francine, dengwa kung boyfriend ko itong bakla na ito. Baka mas babae pa mamaya siya sa akin. "Huh? Sinasabi mo Francine?"

"Kayo ah. Last day na ng exam gumaganyan na kayo."

Hindi maitatanggi na namula ako sa sinabi niya. Literal na umiinit na ang pisngi ko kaya umiling nalang ako. Sinuway naman ako ni Ziv dahil ang kulit daw ng ulo ko, tumatabingi ang gawa niya.

Ngiting nanloloko naman si Francine bago siya umupo sa upuan niya at nagbukas ng notebook. Di ko na malaro ng maayos itong nilalaro ko kaya kung ano-ano nalang pinaggagagawa ko rito sa cellphone ko. Ginugulo ko si Ziv sa pamamagitan ng paggalaw-galaw ko ng ulo ko. Binatukan naman ako nito, ang huli ay hinila niya buhok ko kaya medyo nasabunot ako. Bakla neto.

Sakto nang dumating si mam ay natapos niyang i-fishtail ang buhok ko. "Wag mong tatanggalin yan."

"Pano pagtinanggal ko?" pilyo kong sagot.

"Hindi mo tatanggalin yan. " paninigurado niya, nakangisi pa ito sa akin, waring siguradong sigurado na hindi ko nga talaga tatanggalin. Dagdag pa niya, "Pag iyan tinggal mo, tignan mo diretsyo makakalbo ka. "

"Yes, bumalik ka na sa upuan mo Zivriel bago kita kalbuhin jan so we can start na, last subject na ito." ika ni mam kaya tinawanan ko siya. Iling-iling naman itong nagmartsya papunta sa upuan niya.

Madali ko lang natapos ang exam sa PE kaya nakaupo nalang ako ngayon. Hinawi ko paharap ang dulo ng buhok ko. Sinundan ko ang bawat hibla nito, maayos din naman ang pagkakagawa niya. Para akong nahipnitismo sa pagkakafishtail ng buhok ko na di ko namamalayang ang tagal kong nakatitig dito.

Nakaramdam ako ng pares ng mata na nakatingin sa akin. Inayos ko muna ang glasses ko bago ko iginala ang aking tingin. Namataan kong pinapanood ako ni Zivriel, saglit kaming nagkatitigan chaka ko itinaas ang isa kong kilay. Anong tinitingin tingin niya?

Ngumiti ito ng tipit bago nag-iwas ng tingin.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon