14

6 0 0
                                    

Galit ka? Sorry, nakalimutan ko kasi :(

Yang ang bumungad aa messenger ko pagdating ko ng bahay. Otomatiko kasing nagcoconnect ang cellphone ko sa wifi ng boarding house.

Nakakagigil lang kasi, ako na halos gumagawa ng gawain namin sa laboratory para di mapasama ang grade ko sa pagbagsak ng grades nila. Ang akin lang, sana naman, tulungan nila ako.

Hindi ako nagreply, bagkus sineen ko lang ang message niya. Itinabi ko ang cellphone ko at nagluto ng makakain ko.

7pm na pala ng mapagpasyahan kong silipin ang cellphone ko. Katatapos ko lang manuod ng movie.

Uy Yyella, sorry na.

May ginagawa ako, isend ko sayo.

Gagawin ko na po pangako.

Yyella.

Uy Yyella

Yella plz.

Yyella, magreply ka po.

Ok. Send mo ASAP

Sinimulan ko nang mag-encode para sa pananaliksik namin, sobrang daming kailangang gawin at tapusin.

Makalipas ang siguro tirenta minutos, may natanggap na akong write up mula kay Zivriel.

Sorry kunti lang, nagpapagawa kasi si Fatrisha ng assignment.  Pakiayos yung grammar. Peace na Yyella ah.? :D

Pahabol pa niya.

Nakakapang init talaga ng ulo. Mag-sama sila ng Fatrisha niya.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon