19

4 0 0
                                    

Pauwi na ako ng ng boarding house ngayon, wala kina Jacky at Francine ang kasabay ko, bagkus si Zivriel ang kasama ko ngayon. Sa malapit lang sa school ang dorm niya pero nagprisinta siyang ihatid ako pauwi.

Bitbit niya ang bag na may lamang laptop na dala ko habang naglalakad kami papuntang sakayan ng jeep.

Hindi ito ang unang pagkakataon na inihatid niya ako, noonb una ay kasama si Francine.

Pagdating namin sa terminal ay sakto namang kararating ng jeep.
"Mauna ka." sabi niya kaya nauna akong pumasok sa jeep.

Puno agad ng pasahero ang jeep dahil maraming mga naghihintay na nakapila, buti nalanb at umabot kami sa pila.

Sa katunayan haggang ngayon windang parin ako sa sistemang ito. Sanay naman akong laging meron si Ziv na umaaligid pero hindi pa rin nagreregister sa utak ko ang mga katagang liligawan niya ako.

Sa isang iglap bigla nalang ulit nagbago ang takbo ng mundo.

"Pahiram ng phone." ani ko nang makaalis na ang jeep.

Matagal pa ito, dito pala sa Magsaysay, traffic na.

Inabot niya sa akin ang cellphone niya kasama ng earphones niya. Nakaregister ang finger print ko sa phone niya, minsan pa nga daliri ko ginagamit niyang pang unlock ng phone niya. Ikinabit ko sa tenga ko ang isa at sa kniya ang isa naman nito.

Habang nagmumusic inopen ko ang Photos, alam kong marami na namang bagong laman ito dahil nakita kong pinagppicture ng mga kaklase namin.

Agad ko siyang nilingon sa unang bumungad sa akin, maliban sa mga bagong pictures ay may bago ring folder. Named "BES".

Pagka-open ko nito ay tumambad ang mga pictures nila ni Fatrisha. Nakakapang-init ng ulo na mga litrato.

"Hindi ako may gawa niyan." depensa niya.

"Eh bat may mukha ka dito?"  tanong ko.

"Syempre, ang hirap naman tanggihan pagsinabing picture diba? Sabi ko nga sayo, mabait ako sa mga babae." sagot niya.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Ehdi doon ka sa mga babae mo."

"Anyan ka na naman eh. Anong mga babae mo? Sabi ko sayo diba, Ikaw lang." pagpapaalala niya sa akin. Lagi niya iyang sinasabi sa akin lalo kapag sinasabi kong napakadami niyang babae. "Chaka lumalayo na nga ako kay Fatrisha, siya naman itong lapit ng lapit sa akin."

"Gusto mo naman?"

"Hindi naman sa ganun, pero syempre kaibigan parin naman."

Kaibigan. Kaibigan mukha mo. Baka naman Ka-ibigan?

Nagpunta nalang ako sa AllPhotos, dahil nauumay lang ako sa paulit ulit na mukha ni Fatrisha. Hindi ako natutuwa sa pagmumukha niya.

Pero mas naasar pa ako dahil puro mukha ng mga babae ang tumambad sa akin. Nang-aasar ba talaga ito? Hindi ko alam kung bakit pero nakakainis na puro mukha ng mga babae ang laman ng cellphone niya.

"Ano to?"

"Mga kaklase natin yang mga yan." sagot niya.

"Kaklase mo rin naman ako ah."

Napahilamos siya ng mukha. "Ayan ka na naman Yyella eh. Amin na nga idedelete ko yang mga yan."

Inaabot niya yung cellphone pero tinabing ko kamay niya. "Hindi na, doon ka sa mga babae mo."

Inagaw niya sa akin yung cellphone at may inopen na litrato bago ibinalik sa akin. "Iyan yung babae sa buhay ko. "

Kami yung nasa litrato. Kuha iyon noong isang araw noong laboratory namin sa Biology namin. Kapwa kami nakasuot ng labgown habang naka face mask pa siya. Sa likuran kasi ang pwesto namin ngayon sa Lab, kaya nung lumabas si mam ay hinila niya ako sa malapit sa bintana, kinuhanan naman kami ng litrato ni Chester.

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon