17

5 0 0
                                    

Habang abala ka sa pakikipag-usap sa kaniya,
Inaaliw ko naman ang sarili ko sa bawat imahe na ipinapakita ng mga letra sa pahina ng mga libro na aking binabasa.
Habang nagsasaya ka na kasama niya,
nawiwili naman ako sa bawat numero na aking nabibilang sa pagsasagot ng lohika ni matematika.
Habang nakikipagkwentuhan ka sa kaniya,
natutuwa akong nakikinig sa bawat leksyon na hatid ni mam maestra.
At habang nakikipaglandian ka sa kaniya,
abalang-abala ako sa pag-aaral kaya pakiusap kaibigan,
ako sana ay iyong tantan
dahil wala kang maintindihan
sa leksyon na ating pinag-aaralan
o dahil hindi mo nasagutan ang takdang aralin at di ka niya matulungan
o di kaya wala kang papel at ballpen at di ka niya mapahiraman at mabigyan.
Dahil alam mo kaibigan?
Para sa akin, kilala mo lang naman ako sa tuwing ikaw ay may kailangan.
Sa totoo lang,
minsan naasar na ako.
Pero wala naman kasi akong karapatan para umangal,
kaya sana wag kang magtataka kung bakit minsan ako'y umiiwas na.
Paumahin ha?
Hindi kasi ako robot para di makaramdam ng inis sa tuwing ako ay iyong naalala lamang tuwing ikaw ay nangangailangan.

Dahil narin sa inis ko, nakapagsulat ako ng isang maikling spoken poetry. Hindi ko alam pero inis na inis talaga ako, lalo sa matabang isda na yun, napakapabebe.

Idagdag mo pa yung exbespren kong kilala nalang talaga ako ngayon pag may kailangan. Nakakaleche! Exbespren na dahil pinuputol ko na ang pagiging bespren namin mula nung ipagpalit niya ako bilang kaibigan sa Matabang ishda na yun!

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon