22

5 1 0
                                    

"Ziv, what if, you're just wasting your time on me pala?"out of the blue na tanong ko kay Zivriel. Wala lang, bigla ko lang naisip. Pababa kami ng hagdan ngayon. As usual ihahatid niya ako hanggang La Trinidad.

Minsan sinasadya na nila Jacky at Francine na iwan ako. Si Ziv na raw bahala maghatid sa akin. My tiwala raw sila kay Ziv na hindi ako pababayaan nito kahit napakapasaway at sutil ko.

Kanina, bago sila umalis sinabi na naman sa akin ni Francine na alam daw niyang makakauwi ako ng boarding house ng ligtas kasi si Ziv daw ang kasama ko, as usual sinabi na naman niyang mahal na mahal ako nito. Pinapamigay na nga nila ako kay Zivriel eh.

"Oo nga eh kaya kahit niloloko mo ako ikaw padin." sagot niya sa akin.

"Ang martir mo naman kung ganun." natatawa kong sagot. How I wish totoo ang mga sinasabi niya. Hindi kasi mawala sa akin ang pag-aalinlangan.

" I don't mind and I don't care."  tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil rin ako tapos tinignan ko siya. "Basta sinabi ko sayo, ikaw ang gusto ko, di mag babago yun kahit itaboy mo ako."

Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad.

Nakikita ko parin silang malimit magkatabi ni Fatrisha. Pero nakikita ko naman na iniiwasan niya nga ito, pero minsan sinusundan siya. Napaka talaga ng babaeng iyon. Wala naman siyang ginagawang masama sa akin, pero simula't sapul ayoko talaga sa kaniya.

" Pano kung may time pa na dumating na magbabago pa isip mo?"

Napabuntong hininga nalang siya. "Halika nga rito."

Hinila niya ako para magkasabay kami sa paglakad, medyo nahuhuli kasi ako ng mga dalawang hakbang. Buti nga walanb ibang tao dito sa hagdan, kaming dalawa lang. " Ikaw naman lagi gumagawa ng paraan para mag bago eh.  Kaso hindi parin eh  kaya stop trying di ka mag susuceed."

"Pano pag may makilala ka pang iba?"  nakilala niya lang rin kasi ako diba? Nandito na ako sa puntong alam kong mangyayari at mangyayari. Unti-unti na akong nagkakagusto sa kaniya. " If I will not succeed, can you? For years?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko patuloy parin kaming naglalakad hanggang sa makalagpas kami ng foodcourt at makalabas ng building. Marami paring estudyante dito kahit na papalubog na ang araw, ang iba ay nagsisipag-uwian na rin gaya namin.

" Kahit naman may makilala ako kung yung connection sayo naka connect, di parin sila makakapasok sa buhay ko. Isa pa, talagang hindi ka mag susuceed na pasukuin ako."

Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Pero patuloy parin ako sa pangungulit. " Pano pag nawawala na yung connection na sinasabi mo?"

"Kahit ilang years yan na hihintayin kita, 'di mo ako mapapasuko."

"Malay mo.. Along the journey of chasing our dreams, bigla pang magbago isip mo... " Hindi ko alam kung saan ko rin kinukuha ang mga sinasabi ko. Pero gusto ko malaman sagot niya. "Madali kasi magsalita, mahirap sa gawa."

" Hindi nga mawawala yung connection ko sayo,  kahit putulin mo pa." sabi niya. Sinilip ko mukha niya, gusto ko makita expression niya pero ngumiti lang siya tapos ginulo ang buhok ko.  "Hindi na rin magbabago isip ko."

"Paano ako maniniwala kung puro iba't ibang babae naman nakikita kong kasama mo?"

"Kasama ko lang sila, pero ikaw gusto kong kasama habang buhay."

Bigla akong na- mental block sa sinabi niya. "If you say so."

Panandaliang nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Na para bang kahit na maraming nakakasalubong at nakakasabay sa paglakad ay kakaming dalawa lang. Hanggang sa pagliko namin pababa ng General Luna nagtanong ulit ako.

"Kahit pa wala tayong mode of communication? For months or even years? Kahit pa hindi mo ako nakikita?"

"Alam mo Yyella, pinapagod mo lang sarili mo sa pagtataboy sakin." tawa niya. " Walk the talk ako noh."

Kung ano ano pang napag-usapan namin haggang makarating kami ng boarding house. Nabanggit niya sa akin na lagi niya raw akonb kwinekwento sa pinsan niyang nasa Hawaii tuwing nagkakausap sila. Lalo pa sa mama niya, lagi niya raw akong kwinekwento.

Madalas nga raw siyang asarin sa kanila eh. Ika pa niya, gusto nga raw akong makilala sa personal ng mama niya, na agad ko namang tinanggihan.

"Wag ka mag hahanap ng iba hah?" bigla niyang sabi habang binubuksan ko yung gate.

Nang matanggal ko na yung padlock, nilingon ko siya. " Hindi ako maghahanap ng iba basta hindi ka rin gago na sasabihing ako lang, tapos kung sino sino palang babae mo ang kinakatagpo mo.  Ganun lang. "

"Oo naman. Pasok ka na sa loob."

"Yes po, thank you sa paghatid. Uwi ka na ha? Doon ka sa dorm mo umuwi hindi sa ibang bahay."  ani ko bago pumasok. Hindi ko pa tuluyang nasara yung gate nang tinawag niya ulit ako sa pangalan  ko.

"Yyella, qwertyuiopp" may biglang dumabog na pintuan at nagsigawan sa kapitbahay kaya hindi ko narinig yung sinabi niya.

Nag-aaway na naman ba yung mag-asawa sa kapitbahay? Everyday bulabog yan eh.

"Ano?" tanong ko sa kaniya.

"Wala. Sige pasok ka na." pinanliitan ko siya ng mata pero pumasok na rin ako.

Diretsyo kwarto ako, nagbihis lang ako at humilata na. Nakakapagod. Gusto ko pa sanang maligo muna pero pagod katawan ko.

Hindi ko namalayang naka-idlip pala ako. 8:20 na nang magising ako at puno ng text message ang cellphone ko. Puro galing kay Ziv.

Nireplyan ko muna at sinabing maka-idlip ako bago ako lumabas at nagpunta ng kusina. Meron pa akong left over kahapon kaya ininit ko nalang.

Bumalik naman ako ng room para i-check kung may Paracetamol ako. Parang lalagnatin kasi ako.

Kumain ka na ng dinner mo?

Wala talagang kawala ang pag kain ko sa taong nito. Mas malala pa siya kina mommy kunb magmonitor sa akin.

Nag-iinit palang ako ng
pagkain.

Masama pakiramdam ko :(

Rice yan ha?

Uminom ka na ng gamot
pagkakain mo :)

May gamot ka pala jan?

Meron po Itay.

Habang kumakain katext ko siya, kung ano anonb napag-uusapan  naming dalawa. Syempre hindi nawawala ang pagkapilosopo ko at malimit ko siyang binabara sa mga sinasabi niya. Ewan ko ba kung paano ako nito nagpagtitiisan.

Pagkakain, naghugas ako ng nagkainan ko at nagtoothbrush bumalik ulit ako sa pagkakahiga pagkatapos ko uminom nb gamot.

Wait ka nga pala, anong
Yyella naman yunb kanina?

Wala d mo narinig sinabe
ko bayaan muna :)

-___- ano ba sinabi mo?

NVM po un di ka nanaman
maniniwala :)

Sabi mo eh,
ehdi di ako maniniwala

See kaya wag na di ka naman
naniniwala sa laht ng sinasabi ko :3

Gulo mo rin, kasing gulo ko.
You told me to believe in you,
now that I'm trying myself to
deduce whatever you will tell,
sasabihin mo 'di rin lamang
ako maniniwala,

Sabi ko kanina " I LOVE YOU" :3 -.-

_______________

I love myself too. Goodmorning:)

ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon