Nagising ako dahil sa isang masamang panaginip pero hindi ko na kaagad maalala kung anong nangyari. Pumunta agad ako sa banyo at nag-ayos ng sarili. Buti na lang at Saturday na ngayon. Makakapagpahinga ako nang maayos at wala akong makikitang bitches sa school.
Agad-agad akong lumabas ng kwarto ko para magbreakfast pero pagkabukas ko ng pinto ay napatigil ako. Nakaupo sa harap ng kwarto ko si Czanelle at nagulat pa siya no'ng nagkatinginan kami.
"Ate! You're awake!" sabay tayo niya at ngumiti siya sa akin.
"So what?" Tinaasan ko siya ng kilay at naglakad ako papunta sa hagdanan.
Nakita ko naman na nakasunod siya sa may likuran ko at tinataas niya ang pajama niya dahil naaapakan niya. Tsk. Nakakairita. Bakit ba sumusunod ang bulinggit na 'to?
"What do you want?" Huminto ako sa hagdanan at hinarap ko siya.
"Kain, Ate? I don't want to eat by myself."
Tinignan ko lang siya. For a three year-old kid, she's pretty smart. Hindi siya masyadong nabubulol sa pagsasalita at nakakabuo siya ng sentences nang maayos. Pero ano bang pakialam ko?
"Look. We may have the same parents but you really annoy the heck out of me. If you want a company, go to Nanay Meling."
Tinalikuran ko siya pero napasigaw ako no'ng biglang may mukhang sumulpot sa harapan ko. Buti na lang at napahawak ako sa railings kundi nadulas na ako at gumulung-gulong sa hagdan dahil sa sobrang gulat.
"What the heck are you doing here?!"
"I'm here for my job."
Isa pa 'tong Jazer na 'to! Nawala sa isip ko na dito pala 'to titira sa pamamahay namin. At sinong mag-aakala na nag-apply siya as babysitter? Heck, none!
"You're Czanelle, right? Come here. Let's eat together."
Hinawakan ni Jazer ang kamay ni Czanelle at nakita kong naka-pout siya. Is she crying? Oh, whatever. Magsama sila. Bumaba sila sa hagdan pero huminto si Jazer at lumingon sa akin.
"Alam mo, kapatid mo pa rin sila. You should try to be nice to them." Bigla namang umakyat ang BV meter ko dahil sa sinabi niya.
"Alam mo rin, wala kang alam sa pamilya ko kaya h'wag mo akong pangaralan. Do your job and don't meddle with my life," sabay martsa ko pababa at inunahan ko sila.
Umagang-umaga, sira na agad ang araw ko. Nakakainis! Parang kahapon, excited pa ako kasi Friday na tapos biglang pag-uwi ko, may tatlong taong susulpot dito sa bahay na sisira ng buhay ko.
Nakarinig naman ako bigla ng pag-iyak at no'ng nakita ko si Nanay Meling, karga-karga niya si Clark habang pinapatahan niya.
Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso ako sa fridge. Kumuha ako ng fresh milk at nagtoast ako ng tinapay. After that ay lumabas ako ng bahay at dumiretso ako sa garden namin.
'Yong garden namin ang pangalawa sa pinakafavorite kong place dito sunod sa kwarto ko. Mahilig kasi si Mommy magtanim dati ng iba't ibang uri ng bulaklak habang si Daddy naman, gumawa siya ng parang kubo dito at may papag pa sa tabi. Ito lang ata ang magandang nagawa nila simula noong iniwan nila ako rito.
Nagsimula akong kumain at buti na lang ay dala ko ang phone ko. Nagpatugtog ako habang finifeel ang ambiance ng garden. Now this is the life I wanted to live.
Napaisip naman ako bigla doon sa Jazer na 'yon pati na sa dalawang kapatid ko. Alam kong wala naman silang kasalanan at kina Mommy at Daddy lang ako dapat magalit, pero kapag nakikita ko sila, nauunahan ako ng inis at galit. Ako ang unang anak, pero halos buong buhay ko ay hindi ko nakasama ang parents ko. Oo galit ako sa kanila at sa mga kapatid ko pero sumagi rin sa isip ko na katulad ko rin sina Czanelle at Clark—iniwan ng mga magulang. Imbes na magalit ako sa kanila ay dapat nakikisimpatya ako pero hindi ko kaya. Kasi kapag nakikita ko sila, naaalala ko sina Mommy at Daddy. Naaalala ko ang mga taon na wala sila sa tabi ko habang kasama nila 'yong dalawang kapatid ko at nagpapakasaya sila sa ibang bansa.
BINABASA MO ANG
The Forgotten's Envy (Masquerade Girls, #1)
Teen Fiction𝗠𝗮𝘀𝗾𝘂𝗲𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗚𝗶𝗿𝗹𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸#𝟭 || Formerly known as 𝗕𝗮𝗯𝘆 𝗠𝗮𝗱𝗻𝗲𝘀𝘀 || All her life, Chloe felt abandoned and forgotten by her parents. She lived with their house helpers while her parents would only come home once...