"Aba himala, may kasabay si Chloe."
"Kaya nga eh. 'Yan ata 'yong nilipat sa class natin."
"For sure kinabukasan 'di na 'yan lalapit sa kanya. Wala namang nakakatagal sa Chloe na 'yan."
Dineadma ko na lang ang naririnig kong usapan habang naglalakad papunta sa room. Pagdating namin, sarado pa ang room. Kaya pala nasa hallway ang mga chismosang 'to.
Sumandal na lang muna ako sa pader para maghintay. Ang aga naman kasi naming umalis ng bahay. Pagtingin ko, 7:30 pa lang at 8:00 pa ang class namin. Nakita ko naman na umupo sa tabi ko si Jazer habang kinokopya ang notes ko kahapon dahil absent siya sa Math 121.
"Hindi ka ba nangangawit?" biglang tanong niya habang nakatingala.
"Hindi."
Lumipas ang ilang minuto at sumasakit na ang legs ko kaya naman unti-unti akong umupo sa sahig at ang bwisit na lalaking 'to, nakikita kong nagpipigil ng tawa. Kunin ko 'yang filler ko sa'yo eh!
"Subukan mong tumawa," sabay tingin ko nang masama sa kanya.
"Sorry." Tumingin siya bigla sa kabilang direksyon at bumuntong-hininga pagkatapos ay tinuloy niya na ang pagkopya sa notes ko.
"Bakit pala parang hindi ka gusto ng mga kaklase mo?" mahina niyang tanong habang nagsusulat. Kinuha ko naman ang earphones sa bag ko at sinaksak ko sa tenga ko.
"Hindi ko rin naman sila gusto kaya quits lang. Dalian mo nga dyan. Baka mamaya magpa-quiz na naman siya tapos wala na naman akong masagot."
"Okay."
After five minutes ay natapos na siya sa pagsusulat at binigay niya sa akin ang filler ko. Nakita ko pang nakatingin sa amin 'yong iba ring naghihintay buksan ang room kaya sinamaan ko sila ng tingin. Bago pa may isipin na kung ano ang mga chismosang 'to ay tumayo na ako at lumipat ng pwesto.
Habang nagrereview ako ng lesson kahapon about integrals, naalala ko bigla 'yong drawing na nakadikit sa ref kagabi. Hindi ko akalaing makakapagdrawing si Czanelle ng ganun dahil three years old pa lang siya. Actually, she's really smart for a three-year old kid.
May dumaan namang staff ng building at binuksan na niya ang rooms kaya nagsipasukan na lahat ng nakatambay sa hallway. Isa ako sa mga huling pumasok at pumwesto ako sa pinakagilid malapit sa bintana at pinto. Pagkaupo ko, nagulat ako nang pumasok si Jazer sa room at tumabi sa akin. Akala ko kanina pa nasa loob ang isang 'to! Sinamaan ko siya ng tingin pero ang loko, ni hindi man lang natakot.
"Lumipat ka," mahina kong sabi dahil nararamdaman ko na palihim kaming tinitignan ng mga epal na tsismosa.
"Bakit?" inosenteng tanong niya. Napabuntong-hininga na lang ako dahil hindi siya marunong magbasa ng sitwasyon. Pakiramdam ko mauubos ang energy ko kapag inexplain ko pa sa kanya.
"Basta."
"Gusto ko dito," sabay ayos niya ng gamit niya.
Napapikit na lang ako at pinipilit kong kontrolin ang inis ko pero no'ng nakita kong nakakunot ang mga kilay ng mga babae ro'n sa kabilang aisle ay tinignan ko sila nang masama.
"Lumipat ka na kasi—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang pumasok ang prof namin. Bigla namang lumingon sa akin si Jazer kaya napalayo ako nang konti.
"Hindi ako lilipat kasi ikaw lang naman kilala ko rito," bulong niya. "Hindi ko alam kung paano makisama sa kanila."
Hindi naman ako kaagad nakapag-react pero dahil sa sinabi niya, hindi na ulit ako nagsalita. Tinignan ko ulit ang mga babae sa kabila at nakatingin sila kay Jazer. No'ng lumipat ang tingin nila sa akin, I smirked. Napansin ni Ma'am na medyo nag-iingay sa kanila kaya pinagsabihan sila at lalo akong ngumiti sa kanila. Hah! Nakakatawa mga mukha nila. Kulang na lang lumabas ang usok sa tenga nila.
BINABASA MO ANG
The Forgotten's Envy (Masquerade Girls, #1)
Teen Fiction𝗠𝗮𝘀𝗾𝘂𝗲𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗚𝗶𝗿𝗹𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸#𝟭 || Formerly known as 𝗕𝗮𝗯𝘆 𝗠𝗮𝗱𝗻𝗲𝘀𝘀 || All her life, Chloe felt abandoned and forgotten by her parents. She lived with their house helpers while her parents would only come home once...