Bonus Chapter

103K 3.5K 1.2K
                                    

I wrote a song for Chloe and her mother. Hope you like it!

Here's the bonus chapter I promised.


***


[ K A T R I N A ' S  P O I N T  O F  V I E W ]


"Congratulations, Chloe!"

"You really did it, you brat!"

The crowd erupted in cheers while Chloe sat confidently in the stage prepared for her. Tumabi si Jazer sa kanya at nagsimula na silang asarin ng mga tao.

Nakapagtapos na si Chloe at nakuha na niya ang Master's degree niya sa NUS. Sabi niya, mags-stay na raw siya for good sa Pilipinas dahil magiging CIO na rin siya sa isang subsidiary company nila rito.

Habang nagce-celebrate sila ay hindi rin naiwasan na itanong kung kailan nila balak mag-settle down ni Jazer. Magt-twenty six pa lang naman siya pero excited masyado ang mga tao sa paligid nila.

"Naku, mukhang mauunahan pa kayo nina Queenie at Iñigo, ah!" sigaw ni Kuya Larry.

Nagsimula na naman silang magsigawan at syempre, napunta sa dalawa ang attention.

"Not yet!" sigaw ni Queenie. "Saka na kapag nagka-boyfriend na 'yong isa r'yan!"

She and Chloe snickered while Jazer and Iñigo both looked at my direction. Ugh, these couples really like to make my life miserable.

"Ha-ha, okay then, huwag na kayong magpakasal," I replied while raising my drink.

"Don't worry, ako na ang maghahanap for you!"

Nang bumalik na ulit kina Chloe ang spotlight ay saglit akong napangiti. My life isn't going to the path I wanted to take but I'm thankful that I met them. Nang nag-decide ako na lumuwas sa Manila noong college, akala ko magiging okay ang lahat. Sinubukan kong lumapit sa mga sikat na personality sa campus dahil gusto ko ring maranasan 'yon. I heard a lot about Iñigo and Queenie so I got curious about them. Nang makita ko siya for the first time, na-attract agad ako. He was close to my ideal type, however, he already had a girlfriend.

Napalapit din ako kay Chloe dahil sa isang subject. Actually, nagulat nga ako dahil sabi nila, masama raw ang ugali niya, pero nang nakausap ko siya ay na-realize ko na straightforward lang talaga siya. She doesn't like pretenses and I think that's one of her charms. But I didn't expect na magkakilala pala sila ni Jazer.

I admit, hindi ko in-expect na makita sa Manila si Jazer. Siya pa lang ang inaasahan ng pamilya niya noon kaya akala ko ay hindi siya lalayo sa kanya, lalo na at kailangan siya ng mga kapatid niya. It turned out he got a job here as his mother's substitute.

"Hello, Miss."

Napatingin naman ako bigla sa kanan ko dahil may tumabi sa akin. His smug face was irritating me so I glared at him in return. Naaalala ko ang mukha niya at isa siya sa mga workmate nina Iñigo at Jazer.

"What do you want?"

He started inching closer to me and was about to put his arms around my shoulder when a guy suddenly seized that jerk's shoulders. Nagulat kami sa ginawa niya kaya sabay kaming napatingin sa kanya.

"What the hell? Get your—"

"Uncomfortable, isn't it?" he asked, a mocking smile pasted on his face. "Get lost, dude, she's my friend."

The Forgotten's Envy (Masquerade Girls, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon