Nagmadali naman ako sa first class ko dahil late na akong nagising. Hindi ko kasi na-set ang pesteng alarm clock ko kagabi. Buti na lang at halos sabay kami ng prof ko na dumating sa room.
"Umabot tayo."
Right. Kasama ko ring tumakbo si Jazer dahil classmate kami sa Math 121. Umupo agad kami at nagsimula naman ng lecture ang prof. Nagturo lang siya about double integration and after some exercises ay dinismiss niya rin kaagad kami.
"Nakopya mo ba 'yong last slide?" tanong niya kaagad pagkalabas namin ng klase kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi mo 'yon nakopya?" Halos naipakita ko nang na-judge ko ang buong pagkatao niya sa tono ko.
"Sinolve ko pa kasi 'yong huling item na binigay."
Inirapan ko siya nang makaupo na kami sa bench. Ni hindi ko nga alam kung kailan nagsimula pero after ng subject na 'yon ay lagi na kaming dumidiretso rito. Bwisit, bakit ba ako nagpapadala sa lalaking 'to?
"Tss," I reacted while shoving my notebook on him.
"Thanks," he beamed and started copying my notes.
Nanahimik naman ako ro'n pero sandali lang nangyari dahil may dumaan na tards sa harapan namin. At aba, inirapan pa ako ng isa! Pasalamat siya, kalalagay ko lang sa case ng ballpen ko kundi itutusok ko 'yon sa mata niya.
Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang nangyari noong Saturday. For the first time, I was curious about what had happened when I left them. Sana lang at huwag na nila akong guluhin dahil pinagbigyan ko na sila.
"Thank you," sabi naman niya at binalik niya sa akin ang notes ko.
Sumandal siya sa bench at bigla siyang pumikit. Napakunot naman ako nang gawin niya 'yon. Don't tell me . . .
"Hoy. Matutulog ka?" tanong ko at dinilat niya ang kaliwa niyang mata.
"Oo. Dalawang oras pa bago ang next class ko, eh."
"Dito ka pa matutulog ha? Tignan lang natin."
"Nandyan ka naman," sabay ngiti niya. Pinatong niya ang notebook sa mukha niya at natulog nga akong loko.
Aba, at ginawa niya pa akong tagabantay ha? Ano ako, babysitter? Bwisit na 'to.
Dahil isang oras pa bago ang next class ko ay nilabas ko na lang muna ang phone ko apra may mapaglibangan. Hindi ko alam kung bakit pero bigla kong naalala ang nangyari noong weekend. When I fell to the ground while playing, I realized Czanelle accidentally stepped on the remote of the speaker, turning it on. What pissed me off was that I kept on being the 'it' because of this guy.
Napunta naman ako sa photos at nakita ko ang kinuha kong picture ng lalaking 'to pati na rin nina Czanelle at Clark. Bigla namang bumigat ang pakiramdam ko.
Matapos akong iwan ng mga magulang ko rito ay hindi na kami nagkaroon ng family picture. The last one was taken when I was three years old. Hindi ko naman magawang humingi ng pagkakataon na makapagpicture man lang kami kapag umuuwi sila rito hanggang sa lalo nang lumayo ang loob ko sa kanila at hindi na ako umasang mangyayari pa 'yon.
Right now, it felt weird having some photos of my family members on my phone.
Nagbukas na lang ako ng social media sites bago pa mag-iba ang pakiramdam ko at nakita ko namang trending sa newsfeed ko ang Queeñigo kaya naunahan ako ng inis. I read some posts about them but all I got was they were together in the cafe last Saturday.
Ano ba 'yan, pati ba naman 'yon, big deal sa fans nila?
Halos ilang minuto rin akong nagbabad sa Youtube kaya naman nang malapit na ang klase ko ay niligpit ko kaagad ang gamit ko. Napatingin naman ako kay Jazer na ngayon ay tulog pa rin.
BINABASA MO ANG
The Forgotten's Envy (Masquerade Girls, #1)
Teen Fiction𝗠𝗮𝘀𝗾𝘂𝗲𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗚𝗶𝗿𝗹𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸#𝟭 || Formerly known as 𝗕𝗮𝗯𝘆 𝗠𝗮𝗱𝗻𝗲𝘀𝘀 || All her life, Chloe felt abandoned and forgotten by her parents. She lived with their house helpers while her parents would only come home once...