Chapter 21

87.8K 3.7K 354
                                    


"OMG nabasa mo na ba 'yong confession?"

"About kay Queenie? Grabe 'no?"

"Totoo kaya 'yon?"

"Hindi ko rin alam."

Bwisit. Imbes na mag-aral ang mga 'to, nag-chichismisan lang naman. Sana hindi na lang sila sa library tumambay. Naiistorbo ang mga nag-aaral at gustong matulog nang matiwasay.

Nilagay ko na lang ang earphones sa tenga ko para kahit papaano ay hindi ang boses nila ang marinig ko. Sana makatulog ako—

"Chloe?"

Damn it.

Tumingala ako para makita ang mukha ng bwisit na lalaking 'to at binungad niya naman ang ngiti niya. Umupo siya sa tapat ko at saka niya inilabas ang readings niya. Makiki-upo lang pala, tinawag pa ako. Istorbo.

Pinatong ko na lang ulit ang ulo ko sa lamesa pero kahit ang tagal ko nang nakapikit ay hindi pa rin ako makatulog. Nakakainis. The presence of this guy triggered my memories about that night.


***


Pagkatapos kong umiyak dahil sa pagtawag ni Mommy ay tinakpan niya lang ang mukha ko ng kumot at hinatak niya ako papunta sa sala. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakababa sa hagdan nang hindi nahuhulog no'n dahil madilim at natatakpan pa ng luha ang mga mata ko. Ang alam ko lang, nakarating kami sa sala at dinalahan niya ako ng baso ng tubig.

I was trying hard not to sob but I was hurt . . . really hurt. I already knew that they treasure my younger siblings more and I was slowly accepting that fact but why did she have to say it like that? Tinanggap ko na nga na nagkaroon ako ng mga kapatid kahit na hindi nila ako naalagaan simula pagkabata ko, tapos ganito pa ang gagawin nila?

Paano naman ako?

I thought she has finally took notice of me when she called that time but maybe I just got my hopes up. Maybe she just felt guilty. When I told her about Czanelle's condition, she sounded like a paranoid mother, and yes, I felt jealous. Bakit pagdating sa kanila, gano'n siya? Pero bakit 'pag ako, parang wala lang? I'm also her daughter.

"Tubig," mahina niyang sabi at nakita ko naman ang baso ng tubig sa loob ng kumot. Kinuha ko 'yon pero hinawakan ko lang dahil tuluy-tuloy pa rin ang mga luha ko.

"Leave me alone," I muttered between my sobs.

"Ayoko," sagot naman niya. "Baka mamaya kung anong gawin mo."

Kahit 'di ko siya nakikita ay sinamaan ko siya ng tingin. I would never inflict physical pain to myself, if that was what he was implying.

Ilang minutong katahimikan din ang lumipas bago may nagsalita sa amin.

"Dahil na naman ba sa parents mo?" he carefully asked.

"What's new?" sagot ko naman.

"Mahirap talaga, lalo na 'pag panganay ka. Naiintindihan kita sa gano'ng aspeto."

"This isn't about who's the eldest," I retorted and I had to stop myself before saying my next thoughts. It's about whether they care about me or not at all.

Kung noong mag-isa pa lang ako ay hindi na nila ako kayang alagaan at bigyang pansin, paano pa kaya ngayong nasa mga kapatid ko na ang atensyon nila? Maybe I was right. Maybe they didn't love me. Maybe I was a mistake.

Nagulat naman ako nang bigla kong naramdaman ang kamay niya sa ulo ko. My upper body was still hidden beneath the blanket but I could feel the way he caressed by head and for a second, I was frozen.

The Forgotten's Envy (Masquerade Girls, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon