Saturday. Ang tahimik kong weekends, maingay na simula ngayon.
Isang linggo na simula nang may dumating na tatlong tao rito sa bahay at isang linggo na rin nilang ginugulo ang buhay ko. Tulad na lang ngayon.
"Ate, let's watch this . . . this . . . please?"
Nandito ako sa sala at nanonood ng How to Get Away with Murder na dinownload ko dahil ayokong manood sa laptop pero itong bubwit na 'to ay kumuha ng DVD ng Barbie at gusto niya raw manood. 'Di ko siya pinapansin pero patuloy niya pa ring hinaharang sa mukha ko 'yong DVD kaya tinignan ko na siya nang masama. Magsasalita na sana ako pero napasigaw ako nang biglang nilagay ni Jazer sa lap ko si Clark.
"Sa'yo muna siya, iihi lang ako."
"H-Hoy! Teka—" Hindi ko na natapos ang pagrereklamo ko dahil mabilis siyang tumakbo papunta sa C.R.
Bigla namang umakyat si Czanelle sa sofa at tumabi sa akin kaya lalo lang akong hindi nakagalaw. Anong gagawin ko sa mga 'to? Teka, hindi ba mahuhulog 'tong si Clark kapag 'yong kamay niya lang ang hawak ko? Shit naman, wala akong alam sa pagtingin sa mga bata!
"Hoy lalake! Dalian mo!" sigaw ko pero wala akong narinig na reply. "Dalian mo sabi!"
Nagulat naman ako nang biglang nag-mumble si Clark habang nakatingin sa akin. Pinilit niyang tumayo at humawak siya sa damit ko kaya lalo akong nagpanic. Hinawakan ko na lang siya sa hips niya kahit na nanginginig na ako.
"JAZER!"
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang pagmamadali niya kaya naman nang kinuha niya na sa akin si Clark ay nakahinga ako nang maluwag. Pero ang nakakainis ay narinig ko ang pagtawa niya.
"Hindi ko alam na sobra kang magpapanic."
"Akala mo nakakatawa? Anong nakakatawa? Ha?" sabay tingin ko sa kanya nang masama at naging seryoso rin ang expression niya.
"Ate—"
"Isa ka pa!" Bigla naman siyang nanahimik at nakita kong paiyak na rin siya kaya bago pa ako may masabing hindi maganda ay tumayo na ako at nagmartsa palabas ng bahay. Nagtuluy-tuloy ang luha ko at naiinis ako dahil hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Bwisit.
Pumunta ako sa kubo at doon ako nagpalipas ng sama ng loob. Pinunasan ko kaagad ang luha ko dahil baka may makakita pa sa akin. Ayoko pa naman sa lahat ay kapag may nakakita sa aking umiiyak.
Nang kumalma na ako ay doon ko narealize na nag-overreact ako sa ginawa niya. But, it was his fault! I don't know anything about handling or taking care of kids. What if I made a mistake and Clark fell? Oh God, I don't want to imagine that.
I know that they're just trying to be close with me but I think I've already closed my heart ever since our parents left me. Alam kong hindi nila kasalanan at wala naman pa silang alam sa mga nangyayari pero nababaling sa kanila ang galit ko kapag nakikita ko sila.
"Hey."
Nagulat naman ako nang may narinig akong boses sa likuran at alam ko naman kung sino 'yon. Dahil nakaupo ako sa loob ay alam kong nakatayo siya sa labas ng kubo, sa bandang likuran ko.
"What?" pagalit kong tanong.
"Sorry sa nangyari kanina. Hindi ko alam na gano'n ang magiging reaksyon mo." Umirap ako kahit hindi niya ako nakikita. "Pero hindi naman tama 'yong ginawa mo kay Czanelle. Kanina pa siya umiiyak doon."
Napaalis naman ako sa pagkakasandal ko nang narinig ko 'yon. She's crying? Did I shout at her too much?
Lumingon ako sa kanya at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin. Gusto ko sanang sabihin na hindi lang naman si Czanelle ang umiyak pero ano namang pakialam niya roon? Isa pa, bakit ko sasabihin na umiyak ako?
BINABASA MO ANG
The Forgotten's Envy (Masquerade Girls, #1)
Fiksi Remaja𝗠𝗮𝘀𝗾𝘂𝗲𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗚𝗶𝗿𝗹𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸#𝟭 || Formerly known as 𝗕𝗮𝗯𝘆 𝗠𝗮𝗱𝗻𝗲𝘀𝘀 || All her life, Chloe felt abandoned and forgotten by her parents. She lived with their house helpers while her parents would only come home once...