Chapter 17

99.5K 3.5K 433
                                    


After hours of rest, I finally woke up and when I checked the time, it was already 9 PM. Agad naman akong nagpunta sa CR para magpalit at pagkatapos no'n ay dumiretso ulit ako sa kama. Nakita ko mga gamot sa bedside table ko at naalala ko ang bilin ni Dr. Reyes kanina.

"Dito ka lang."

Crap. Why did I remember that? Ugh. I must be delirious a while ago to say those words. Kinikilabutan ako! At sa lahat ng pwedeng sabihan, bakit ang lalaki pang 'yon?

"Mahiga ka na para makapagpahinga ka. Mukhang ikaw ang ibe-babysit ko ngayon."

That sly grin of his! Ngayong nasa tamang pag-iisip na ako ay hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon. Gusto ko na lang kalimutan ang nangyari kanina pero hindi ko magawa. God, Chloe, don't ever get sick again.

Bumaba naman ako para kumain at mainom ko na ang mga gamot ko pero mukhang wala nang tao rito. I went straight to the kitchen and I yelped when I saw Jazer eating alone in the dark. He was also surprised and almost choked on his food. Luckily, there was a glass of water beside him.

"What the heck are you doing?" pasigaw kong tanong. "Why are you eating in the dark?"

Huminga ako nang malalim dahil akala ko talaga ay kung sino na ang nandoon sa kitchen. Akala ko may multo na or something. Binuksan ko ang ilaw at mukhang nakarecover na rin siya.

"Sorry. Akala ko tulog na kayong lahat. Kakain ka ba?" tanong naman niya at bigla siyang lumapit sa akin kaya napaatras ako.

"Anong gagawin mo?"

He placed his hand on my forehead and that made me step backward because I suddenly remembered what happened a while ago.

"May lagnat ka pa," he said.

"Tss. I'm fine now," sabay lakad ko para kumuha ng pagkain.

"Are you sure? Baka bigla ka na namang himatayin. Bubuhatin na naman kita tapos—"

"Shut up!" I yelled while pointing the ladle at him. He was just grinning at me, his dimple getting deeper, and I knew that he was teasing me.

"Mukhang ayos ka na nga," pang-aasar niya pa.

"Tigil-tigilan mo ako, ha? I wasn't in my right mind earlier so forget about that."

Padabog kong dinala ang pagkain sa table at umupo ako sa upuan ko na katapat ng sa kanya. Nagsimula akong kumain at siya naman ay patapos na. Dahil wala akong masyadong gana ay kaunti lang ang kinuha ko and after a few minutes, naubos ko rin agad.

"Gustong pumunta kanina ni Czanelle sa kwarto mo. She must be worried," he suddenly said.

Pagkatapos naming iligpit ang pinagkainan namin ay dumiretso ako sa sala. Sumunod naman siya sa akin kaya tinignan ko siya.

"What?"

"Gamot mo?"

Ang kulit ng isang 'to.

Dahil ayoko namang lalo pa niya akong asarin ay umakyat na ako sa kwarto ko at sinabi kong iinumin ko ang mga gamot ko. Pagpasok ko ay dumiretso ako sa bedside table at ininom ang nakasulat sa papel saka ako umupo sa kama.

Nakapagpahinga naman ako nang maayos kanina kaya medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Dahil kagigising ko lang din ay nag-browse na lang ako sa social media ng ilang oras. I actually wanted to watch some movies but Jazer might still be in the living room. When it was already 11 PM, I went out of my room and checked if he was still there. Luckily, he wasn't.

The Forgotten's Envy (Masquerade Girls, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon