Ugh. Saturday.
Bumangon ako at naghilamos kahit na ayaw ko pang gumising. I went out of my room and saw all of them in the living room.
"Ate's awake! Ate here! Here!" Czanelle yelled excitedly while waving at me.
Bumaba naman ako dahil lahat sila ay nakatingin sa akin. Ang sarap lang batuhin nina Jazer at Kuya Larry dahil pareho silang nakangiti nang nakakaloko sa akin. I plopped myself on the couch between the two kids.
"Sama ka, Ate, 'di ba?" tanong ni Czanelle kaya napatingin ako kay Jazer. Tss. Sinabi niya.
"Oo na," I muttered and after hearing that, she started dancing in front of us. Nakisali na rin so Clark kahit na patalon-talon lang siya.
Naalala ko na naman tuloy ang nangyari noong gabing 'yon at bigla akong kinilabutan dahil hindi ko akalaing maiisip ko ang mga gano'ng bagay. Was that really me?
Pagkatapos ng cartoon na pinapanood nila ay kinuha na ni Nanay Meling si Czanelle para paliguan at kumain naman ako ng breakfast kasabay ang bwisit. Lalo lang akong nainis sa sarili ko dahil nagpaapekto ako sa kanya at lagi niya akong nakikitang umiiyak.
"Buti nagbago ang isip mo," sabi niya habang kumakain kami. "Akala ko hindi ka pupunta dahil . . . alam mo na."
"Wala lang akong gagawin ngayon kaya pupunta ako," I replied and he gave me a mocking smile. "Tigil-tigilan mo 'yan," sabay turo ko kanya gamit ang tinidor ko at bigla naman siyang tumawa. Ano bang problema niya, ha?
"May mga tao talagang hindi totoo sa sarili nila, 'no?" bigla niyang sabi kaya napatigil ako.
His statement lingered in my head and I remembered what I said to Katrina. I felt a pang of guilt and realized that I might be the same as her. As everyone else. We have sides that we want to hide from people and we do that by creating a facade, someone that is not the real us.
Hindi na ako nakapagsalita at tahimik naming inubos ang pagkain. Pagkatapos no'n ay agad akong nagligpit at nag-prepare na ako. After thirty minutes, lumabas ako sa kwarto. I chose to wear comfortable clothes—white shirt, jeans and sneakers—and packed a towel since I might be forced to do physical activities. Habang tumatagal ay parang ayaw ko nang sumama pero nakaabang sa akin si Czanelle sa may hagdanan.
"Let's go, Ate! Let's go!" she yelled in excitement.
Bumaba kami pareho at naabutan naman namin doon si Jazer na pinapakain si Clark. Nang makita kami ni Nanay Meling ay kinuha niya ang bowl kay Jazer at siya na ang nag-asikaso kay Clark.
"Sige na, hijo, at baka ma-late pa kayo," sabi niya at tinawag niya si Kuya Larry.
Pagdating ni Kuya Larry ay agad kaming lumabas at sumakay sa kotse. Czanelle sat in the passenger seat and she was singing nursery rhymes non-stop. Pagdating namin sa school ay kita agad ang mga magulang kasama ang mga anak nila na papasok din doon.
"O sige, ingat kayo, ha? Text n'yo na lang ako kung anong oras ko kayo babalikan," sabi ni Kuya Larry nang makababa kami kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi ka sasama?" tanong ko.
"Hindi. May aayusin pa ako sa bahay," sagot niya naman. "Enjoy na lang kayo."
"Bye, bye, Kuya!" sigaw ni Czanelle at nag-wave din si Kuya Larry sa kanya hanggang sa pinaandar niya na nang tuluyan ang kotse.
Pinanood ko lang ang mga taong maglakad habang nakatayo pa rin ako ro'n at unti-unti ko nang pinagsisisihan ang pagsama pa rito. Bigla namang hinawakan ni Czanelle ang kamay ko at gano'n din ang ginawa niya kay Jazer sabay hatak sa aming dalawa papunta ro'n.
BINABASA MO ANG
The Forgotten's Envy (Masquerade Girls, #1)
Ficção Adolescente𝗠𝗮𝘀𝗾𝘂𝗲𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗚𝗶𝗿𝗹𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸#𝟭 || Formerly known as 𝗕𝗮𝗯𝘆 𝗠𝗮𝗱𝗻𝗲𝘀𝘀 || All her life, Chloe felt abandoned and forgotten by her parents. She lived with their house helpers while her parents would only come home once...