Chapter 5

113K 4.2K 535
                                    


"Alam mo ba, nag-usap daw sila ni Queenie."

"Ow? Baka inaway niya si Ms. Queenie!"

"Sabi nga raw eh. Kasi ang lungkot ng mukha ni Queenie noong lumabas siya sa library last time."

"Kapal talaga ng mukha ng Chloe na 'yan."

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit na rinig na rinig ko ang usapan ng dalawang bitchesa sa gilid ko. Alam ko namang nilalakasan talaga nila para marinig ko pero sorry sila, 'di ako affected. Bahala silang mapagod sa pagpaparinig, wala na akong pakialam.

Saglit naman akong napahinto no'ng nakita ko si Queenie sa dulo ng corridor, at tignan mo nga naman ang pagkakataon, magkakasalubong pa kaming maglakad. Peste naman talaga. Kinalma ko na lang ang sarili ko at tinuloy ang paglalakad. 'Di ko na lang siya papansinin. Nasabi ko na ang dapat kong sabihin last time.

"Chloe!"

Nagulat naman ako nang biglang may nanghatak sa akin papunta sa kabilang hallway kaya naman hindi kami nagkasalubong ni Queenie. Pagtingin ko, itong Jazer pala na 'to ang may gawa.

"Ano?" iritadong tanong ko.

"Bakit ba lagi ka na lang galit?" sabi niya sabay lagay niya ng daliri niya sa pagitan ng kilay ko at pinilit niyang iistraight 'yon dahil kanina pa ako nakakunot. "Ayan, mas bagay."

Bumuntong-hininga ako para kalmahin ulit ang sarili ko dahil gusto ko namang simulan ang araw ko na hindi nababadtrip, though dahil sa mga chismosang 'yon kanina ay unti-unti nang nasisira.

"Ano nga?" tanong ko ulit.

"Nauna ka na kasi kanina pero sabi ni Kuya Larry, hindi niya raw tayo masusundo mamaya dahil may pupuntahan siya."

"What?"

Hindi ko naman ma-process ang sinabi niya. All my life, hatid-sundo ako lagi ni Kuya Larry kaya hindi ko pa nararanasang umuwing mag-isa o sumakay sa public vehicles. Oh God, paano ako mamaya?

"Hanggang 4 PM lang ang klase ko kaya baka mauna na ako." Tumalikod siya sa akin. "Sige—" Bigla kong hinawakan ang uniform niya kaya naman napatigil siya sa paglalakad.

"Hintayin mo ako!" Nagulat din ako sa sinabi ko kaya naman napabitaw ako sa kanya. Lumingon naman siya sa akin at napaiwas ako ng tingin. Damn, why am I out of my usual character?!

"Bakit?" Pagkatanong niya no'n ay sinamaan ko siya ng tingin pero ang loko, bigla namang tumawa.

"Ano na naman?!"

"'Yong kilay mo kasi, parang hindi matatapos ang araw na hindi ko sila nakikitang halos magkadikit na sa sobrang pagkunot ng noo mo."

Aba't. Nang-aasar ba ang lalaking 'to? Ano bang problema niya sa kilay ko? Kanina pa siya ha!

"Eh ano nam—"

"Anong oras ba tapos ng klase mo?" Napatigil naman ako sa pagrereklamo no'ng tinanong niya 'yon.

"5:30 pa."

"Okay. Hintayin na lang kita doon sa may bench area."

"Bakit doon pa? Itetext na lang kita kapag tapos na ang class ko."

"Wala akong cellphone."

Natahimik ako no'ng narinig ko 'yon at tumitig ako sa kanya. Teka, tama ba ang rinig ko? Wala siyang cellphone? As in, cellphone? College student na walang cellphone?

"Maniwala ka man o hindi, wala akong cellphone," sabi niya na parang nabasa ang iniisip ko.

"You're weird." Bigla naman siyang ngumiti.

The Forgotten's Envy (Masquerade Girls, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon