Buti na lang at walang pasok ngayon dahil mugto ang mga mata ko sa kakaiyak kagabi. I tried holding back my tears last night but I couldn't. What she did stirred my emotions too much and I had a hard time because I felt like I was going to get dehydrated. Hinintay ko pang mag-hatinggabi bago bumaba para makainom ng tubig.
Nang makarating ako sa dining area ay umupo muna ako habang hawak ang isang baso ng tubig. The night was silent and somehow, it was kind of soothing.
"O sige, magpapadala ako bukas—"
Our gaze met each other and even though it was dark, I could see the surprised look on his face followed by an honest smile. Umiwas ako ng tingin at tumalikod sa kanya pero narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.
"Kain na tayo," sabi niya at binuksan niya naman ang ilaw. Dumiretso siya sa kusina at naghain para sa aming dalawa habang ako ay tahimik lang na nakahawak sa baso ko.
We quietly ate our food and I was trying real hard to hold back my tears. Ayaw ko nang makita niya akong umiiyak. Ayaw ko nang may makakita sa akin na umiiyak. I felt like a weak person by exposing my vulnerable side to someone.
"You fought well," he suddenly said and I immediately felt a lump in my throat. Agad kong naalala ang nangyari kanina at ang pinipigilan kong luha ay kusang tumulo.
"Bwisit ka talaga," I muttered but he just laughed it off.
"Okay lang 'yan. Ako lang naman ang nakakakita."
"At ano? Balak mo pang panoorin ako lagi na umiiyak?" pagalit kong tanong.
"Pwede naman."
Sinasagot-sagot ko na lang siya dahil ayokong maging mabigat na naman ang pakiramdam ko. Ilang beses akong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko at ilang beses ko rin siyang sinamaan ng tingin.
Siya na rin ang nagligpit ng pinagkainan namin dahil wala pa rin ako sa sarili. Natatakot akong baka bigla na lang pumunta rito si Mom at hindi ko alam ang gagawin ko. I hated her for what she did and said over the phone last time but when she hugged me, I felt conflicted and for a second, I was tempted to hug her back . . . to forgive her. However, I realized it wasn't worth it. It shouldn't be that easy.
"Alam mo, mukhang mabait naman ang Mommy mo," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "Tinitignan ko siya kanina kung paano siya nakikipaglaro kina Czanelle at Clark."
"Sa kanila lang," I said and I could taste the bitterness of my own words.
"Siguro nga," sabay tayo niya. "Mukhang hindi na talaga kayo close nang mag-usap kayo kanina. Kahit noong unang beses ko rito, gano'n din ang naramdaman ko."
Naalala ko naman ang araw na 'yon at kung paano ako inakbayan ni Dad. Kinilabutan ako no'n dahil hindi na ako sanay sa physical contact pagdating sa kanila. Mom also wanted to talk to me that day but I didn't give her the chance because I was too infuriated by the existence of my younger siblings.
Pumunta ako sa sala at sumunod naman siya sa akin. Binuksan ko ang TV at naghanap ng pwedeng makapag-distract sa akin hanggang sa mapunta ako sa isang documentary. It was about old parents abandoned by their children and it was so heartwrenching that even Jazer shed tears.
"May gusto ho ba kayong sabihin sa mga anak n'yo na may kanya-kanya nang pamilya ngayon?" tanong ng documentarist.
"Kumusta na kayo, mga anak?" the old lady sobbed. "Sana ay okay at masaya kayo. Masaya na ako ro'n. Kahit na hindi n'yo ako maalala, ako araw-araw kong ipinagdarasal na sana maayos ang mga buhay ninyo. Mahal na mahal ko kayong lahat."
BINABASA MO ANG
The Forgotten's Envy (Masquerade Girls, #1)
Teen Fiction𝗠𝗮𝘀𝗾𝘂𝗲𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗚𝗶𝗿𝗹𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸#𝟭 || Formerly known as 𝗕𝗮𝗯𝘆 𝗠𝗮𝗱𝗻𝗲𝘀𝘀 || All her life, Chloe felt abandoned and forgotten by her parents. She lived with their house helpers while her parents would only come home once...