Chapter 19

96.6K 3.5K 705
                                    


Bwisit.

'Yon agad ang una kong naramdaman dahil hindi ko maidilat nang maayos ang mga mata ko. What happened last night made my eyes puffy and the tearjerking scenes on the series I was watching before I went to sleep intensified it.

Naghilamos ako at bumaba na dahil nakaramdam ako ng gutom. Mag-e-eight pa lang naman kaya paniguradong hindi pa gising ang mga bubwit. Mabuti 'yon para tahimik—

"Mula umaga hanggang uwian natin,

laging magkasama tayong dalawa.

Parang kahapon lang nangyari sa'kin ang lahat,

tila isang dulang romantiko ang banat."

Ilang segundo akong nakatulala at pinag-isipan ko pa nang maigi kung tutuloy ba ako sa kusina o hindi dahil baka nakakaistorbo ako sa solo concert ng isang 'to. In the end, my hunger won.

"Ngunit nang mapag-usapan—"

Napatigil siya nang makita niya akong naglalakad papunta sa ref at naubo pa siya dahil do'n. He immediately went to the sink, opened the faucet and washed a plate, as if nothing happened.

"Huwag mo akong pansinin, go lang," I said while smirking and I could see his flushed cheeks and ears.

Mukhang may hindi naman siya kayang gawin at isa na ro'n ang pagkanta. Akala niya siguro walang makakarinig kaya ang lakas ng loob kumanta. Hindi ko nga lang alam kung ano ang kinanta niya kanina.

"Hindi naman—anong nangyari sa mga mata mo?"

This time, ako naman ang hindi nakagalaw. Damn it. I forgot how swollen my eyes were. Napatakip tuloy ako sa mata ko nang wala sa oras at muntik pa akong bumangga sa gilid ng table. Mabilis akong pumunta sa harapan ng ref at saka ako kumuha ng cereal at fresh milk.

"Kinagat ka ba ng ipis?" bigla niyang tanong kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Paki mo ba? Pinakialaman ba kita habang kumakanta ka? Kung kanta man ang tawag do'n," I retorted and I could see the embarrassment on his face.

"Yabang. Marunong ka bang kumanta?" sabi niya habang nakatingin sa gilid.

"Sinabi ko ba? At least ako, hindi ko pinipilit ang mga bagay na hindi ko forte."

Bago ko pa marinig ang sasabihin niya ay nagmadali na akong umalis sa kusina at dinala ko ang pagkain ko sa kubo sa labas. Makulimlim ang langit kaya hindi masyadong mainit at mas gusto ko ang ganitong panahon. Kung uulan man, sana ay walang kasamang kulog at kidlat.

Habang kumakain ay naalala ko ang nangyari kagabi at agad ko namang inalis 'yon sa isip ko. I never thought that my mother would call just because I was sick. It has been a long time since she took care of me to the point that I had already forgotten what it felt like.

Nagpatugtog na lang ako habang kumakain pero bigla kong naalala ang lalaking 'yon. Napailing ako dahil sa pagkanta niya kanina. Hindi naman siya tonedeaf pero hindi rin magaling. Kumbaga, walang dating ang boses niya at nasasaktuhan niya lang ang tono. Hindi rin naman ako magaling kumanta pero sa tingin ko naman ay mas malala siya kaysa sa akin.

I'm sorry mom and dad

I know I've messed up bad

I should've, should've done, should've done better

Napatingin naman ako sa music player ko dahil sa tumutugtog na kanta ngayon. I really like underrated singers and this girl is one of them. She penned the lyrics herself and I really hated the fact that I could relate to her words, especially this song.

The Forgotten's Envy (Masquerade Girls, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon