Chapter 29

79.6K 3.1K 236
                                    

Goddamn it. Why did I forget to turn off that freaking alarm?

I lazily reached for my phone and undid all the morning alarms since the sembreak has officially started. I wanted to sleep for a few more hours to compensate for those simultaneous sleepless nights but my consciousness was already wide awake. Great.

Bumaba ako at naabutan ko naman si Nanay Meling na parang rattled dahil pabalik-balik siya sa paglalakad. Nang nakita niya ako ay huminto siya kaya naman nilapitan ko siya.

"Bakit, Nanay Meling? Any problem?" I asked while rubbing my eyes.

"Naku, Chloe, buti at nagising ka," sabay hawak niya sa balikat ko at nagulat naman ako nang bigla siyang naluha.

I told her to calm down but her tears fell continuously. Ilang minuto pa ang nakalipas bago siya tuluyang kumalma at sinabi niyang isinugod daw sa ospital ang pamangkin niya dahil sa taas ng lagnat. Wala kasing sariling pamilya si Nanay Meling kaya tumutulong siya sa financial needs ng mga kapatid at pamangkin niya. Hindi naman siya makaalis dahil may binilin daw si Mommy at doon ko lang nalaman na maaga rin pala siyang umalis.

"Wait lang, Nanay Meling," sabi ko naman at saka ako tumakbo papunta sa kwarto ko. Kumuha ako ng pera sa wallet ko at binigay ko 'yon sa kanya pagbalik ko.

"Naku, Chloe, hindi na kail—"

"I insist," sagot ko. "By the end of the month pa darating ang sahod n'yo, 'di ba?"

Hindi na siya nakatanggi at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Pagkatapos no'n ay nagmadali nang umalis si Nanay Meling at naiwan naman akong nakatayo ro'n dahil sa binulong niya kanina habang nakayakap sa akin.

"Ang bait mo talagang bata pero hindi ko alam kung bakit hindi makita ng iba 'yon."

I didn't know why but I felt strange. I've lived my whole life being called as rude, inappropriate and other nasty names so hearing those words baffled me. Me? And kind? In a single sentence? That seemed wrong.

"Whatever—!"

Napasigaw naman ako nang nakita kong nakatayo sa huling step ng hagdan si Jazer habang nakatingin sa akin. He greeted me with a smile and his annoying dimple showed itself.

"What?!"

"Ang aga-aga, galit ka kaagad?" pang-aasar niya kaya inirapan ko siya at lalo nakuha niya pang tumawa.

"Ang aga-aga, nambubwisit ka," I retorted.

Dumiretso na lang ako sa dining area at nakita kong nakadikit sa ref ang binilin ni Mommy kay Nanay Meling. May appointment pala sa dentist ang mga bubwit pero hindi siya makakapunta dahil may emergency raw siya na kailangang asikasuhin. Yeah, right. For sure it was work-related.

I let out a sigh of disappointment. I shouldn't have expected too much from her. After all, her work seemed more important than her family.

"Ikaw ba ang sasama sa kanila?" tanong niya habang naglalagay ng mainit na tubig sa dalawang tasa.

"Sino pa ba?"

"Pwede ko kayong samahan."

Napatingin naman ako sa kanya nang ilapag niya ang isang tasa ng kape sa harapan ko at umupo siya sa katabing upuan.

He's the nice one, I thought, to the point that people could get the wrong idea about his motives.

I sipped my coffee as silence enveloped the both of us. Saglit naman akong tumingin sa kanya pero napatigil ako nang nagtama ang mga mata namin at kumunot ang noo ko dahil ngumiti na naman siya. Damn it. What the heck is wrong with him?

The Forgotten's Envy (Masquerade Girls, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon